Chapter 20- The Past

Začít od začátku
                                    

“Siraulo ka Bryan! Anong gusto mo palabasin ngayon?! Babae pa din ang gusto ko no! Lalaki ako! Gusto mo patunayan ko pa sa harap mo e!”

“At paano mo naman papatunayan huh?”

“Halika sa bar! Ipapakita ko sayo titigas pa di-------“

“Hoy!!! KADIRI KAYONG DALAWA! Ang dami-daming nakakarinig sainyo oh!” awat ko sa kanila. Ang lalaswa kasi ng usapan e may iba pang mga team ng ibang school ang nandito sa locker room. Buti pa ako good boy. Tsk tsk.

“Wag kang magmalinis Alvin! Alam ko na nasa bar ka kagabi, mas kadiri ka! You made out with two different girls! Sino ang nakakadiri satin ngayon ha?!” angil ni Kevin, ampota. Binuking pa.

 

“Mas malala naman sakin si Bryan ah! Dati he make out with 5 different unknown girls in a day!” laglagan lang din naman ang nangyayari e.

“Hoy wag mo nga akong idamay dyan, Alvin! Unlike you, I never bed any girls. At nagbago na ako.” – Bryan. Nasa tono nito ang pagmamalaki.

“Yeah right. All because of Laine.. Hmmm”- Kevin

“Hindi mo ba namimiss ang boy’s night out natin Bro?” tanong ko kay Bryan.

Tumayo siya at nagsimulang magdribble ng bola. “I’ll be lying kapag sinabi kong hindi.”

“WOW! Honesto! Promise!!”

“Hahahaha! Takot ka ba lumaki yung ilong mo bro? E wala na atang ilalaki yan e. Kasya nga yung hinlalaki ko sa butas nyan e.. Hmm.. But wait.. Aren’t you contented with your girlfriend?” curious na sabi ni Kevin.

Napabuntong-hininga lang si Bryan. Nakakapanibago siya ngayon. Hindi na siya yung pinsan kong playful, maingay, mayabang at vain, mukha siyang walang tulog na sobrang nakakapagtaka kasi usually kapag naman lagi siyang puyat galing sa taping ay cool pa din siyang tignan pero ngayon ay hindi mapagkakailang may pinoproblema siya..

“I don’t know.. I don’t understand what I feel.” Madamdaming sambit ni Bryan.. At kahit wala pa syang sabihin ay sigurado akong may kinalaman si Steffie dito.

“S-Steffie.....” at tumigil siya na para bang hirap na hirap ituloy ang sasabihin, bago pa ako makapagsalita ay tinuloy nya na ang sasabihin niya. “I kissed her.”

O_O

“Ah.. Kiss lang pala...

.

.

.

.

.

ANO!? YOU KISSED STEFFIE!!?” gulat na tanong ni Kevin pagkatapos mahimasmasan. Adik talaga neto. Binato naman siya ni Bryan ng bola na hawak nya.

“Shut up dude! Ang ingay mo e!” at sinamaan si Kev ng tingin kaya naman napa-peace sign nalang ang huli.

Be MineKde žijí příběhy. Začni objevovat