Narinig niyang tumawa ng matinis ang pinsan niya sa kabilang linya. 

"Gagang to. Maniwala ako sayo."

"Hindi nga talaga."

"Akala mo ba walang facebook dito, beh? Si Leo. Yung boyfriend mo oh. Post ng post ng status tungkol sayo. May "Moon of my life" pang nalalaman dun sa picture mo. In love na talaga. Anong pinakain mo dito?"

Yung--err. Naman eh.

Napansin nga niya yon. Ginawa ba naman profile pic yung picture nilang magkasama. May caption pa. Yan tuloy, nakarating na sa Kuya niya. Dapat pala, pinagsabihan niya.

"Dapat sana si Itong ang uuwi. Kaso ako na. Baka makapatay pa siya diyan. Alam mo naman ang nangyari noon diba?"

Napabuntong-hininga siya. Yung insidenteng binugbog ng Kuya niya at ng mga tito niya si Buddy noong nalaman ang nangyari sa kanya. Kaya siguro nagkaganoon ang hitsura noon nung huli niyang nakita.

"Hindi ganoon si Leo." Aniya.

Napagakat siya ng labi. Siguro kung noon niya sinasabi yon, baka nasapak niya ang sarili.

Di parin naman nawawala sa kanya ang pagdududa, minsan nang nitong pinagtripan ang bestfriend niya. Pero ngayon, sa mga pinapakita nito sa kanya, naniniwala na siyang di naman ito gaanong gago.

"Narinig ko na yan, three years ago. Nung binalaan kita kay Buddy."

Di na siya nakasagot. Napabuntong-hininga lang siya.

"Speaking of your, ex beh, isa rin yon sa dahilan ni Itong. Nalaman niya na nasa Pilipinas na uli si Buds. Baka umaali-aligid na naman daw. Mahirap na. Di ba yon nang gugulo sayo?"

"Di naman, Ate." Sabi niya. Naalala niya noong pumunta ito nang school. Gusto daw siyang kausapin, buti dumating si Leo. "Kaya ko naman ang sarili ko."

"We'll, kaya rin ako umuoo na dumito ka, alam kong mas safe ka dito. Alam na rin namin na binu-bully ka na naman diyan. Nababasa namin yung mga post tungkol sa yo sa page ng school," sabi pa nito. 

Iyon pa. Wala lang naman sa kanya yon. Di naman siya apektado. Yun nga lang, hanggang ngayon, di pa malinaw kung anong motibo.

Kaya ayaw niyang umalis. Gusto muna niyang alamin kung anong trip noon sa kanya.

"Carmelita, nag-aalala lang kami sayo."

Huminga lang siya nang malalim. Marami pang sinabi ang Ate Rose niya. Mga documents na kailangan iaayos at kailangang ihanda. Mga dadalhin. Mga paalala. Pero halos lahat nang iyon, parang dumaan lang lahat sa utak niya.

Nakatulala lang siya nang matapos ang tawag. Wala na talaga siyang magagawa, nag-decide na sila. Di na niya tuloy napansing naubos na ang redhorse na iniinom.

Isang buwan nalang ang ilalagi niya dito. Sakto talaga sa palugit na binigay niya kay Leo. May taning talaga ang pagsasama nila.

Nabasa niya ang huling text nito sa kanya. Nasa condo lang. Gumagawa daw ito ng documentations at reports para sa mga major subjects. Mas maaga pasahan dahil malapit na rin mag-umpisa ang training nila para sa susunod na league.

Nitong mga nakaraang araw, nagiging busy na ito. Pero kahit ganoon, nakakagawa parin ng paraan para magkita sila. Di naman niya masabi na aalis na siya, di niya alam kung paano ipaapaalam. 

Heto na naman, nagpapaasa na naman. Pero di tulad ni Regado, ang hirap sabihin kay Leo na di na magiging sila. Na aalis na siya at di sila magkikita pa.

Bahala na si Batman.

Tumayo siya papuntang cabinet. Kumuha siya ng hoodie at pants at agad niyang sinuot.

Nag-iinuman parin ang mga tiyuhin niya paglabas. Ang Tita Ana niya at ang Lola, nakikichika sa mga amiga. Party kung party talaga. Wala man lang nakapansin sa kanyang lumabas ng compound. Mabilis siyang nakasakay ng jeep sa tapat. Bumaba siya malapit sa condo ni Leo. Kinakabahan siya pero desidido na siya.

Napalingon siya sa paligid. Pakiramdam niya, may nakatingin sa kanya. Pinagsawalang bahala niya lang yon. Baka kung ano lang. Binilisan na niya ang lakad.

Marahan siyang kumatok ng makarating sa unit ni Leo. Agad naman itong bumukas.

"Hi." Ngiti lang ang sinalubong niya. Mukha siyang tanga. Pero kaya niyang lunukin ang lahat ng yon.

"Babe?" Nagtatakang tanong ni Leo nang papasukin siya sa loob. Di naman siya nagpasabing pupunta. Biglaan lang.

Naka-tshirt lang at naka-shorts. Magulo ang buhok. May ballpen pa sa tenga. Nagkalat ang libro at laptop sa sala. Nagsasabi nga ito nang totoong nag-aaral ngayon. Bahagya tuloy siyang natawa. 

Mabilis siyang lumapit at yumakap nang mahigpit. "Babe? Is there something wrong?" Tanong nito. Niyakap na rin siya nito kahit na mukhang naguguluhan.

Shet na yan. Hindi ko masabi.

Hindi ko kayang sabihin. 

Bahagya siyang lumayo. "Car? May problema ba?"

Umiling siya. Kinagat niya ang labi at nagtanggal na ng hoodie. Nakita naman niya ang pagtaas-baba ng adam's apple ni Leo. 

Manipis na tank top lang ang suot niya sa ilalim noon. Wala nang iba.

This is it, pancit. 

"Leo..."

The Bully and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon