SA1

5.7K 77 12
                                    

"Nahaharap po sa matinding kontrobersya ang superstar na si Raven Chen matapos masangkot sa brutal na pagkamatay ng girlfriend nya na si Monique Villasis. Natagpuan po ang ulo ng biktima na nakasilid sa itim na kahon sa condo ng superstar habang ang katawan nito ay nakita sa cabinet ng condo ng biktima. Agad namang nakalaya si Raven Chen ng mapatunayang wala syang kinalaman sa krimen. Sa ngayon ay blanko pa ang mga pulis sa kung sino at ano ang motibo ng pumatay."


Galit na binato ko ang tv ng remote at sumigaw. Nagagalit ako. Nagagalit ako dahil wala man lang akong nagawa para protektahan sya. Sana pala di nalang ako umalis edi sana... Muli akong napasigaw at binato ang lahat ng gamit na nakikita ko.



"Raven! Raven tama na yan!" Agad naman akong pinigilan ng manager ko na si Mike. "Raven ano ba? Huminahon ka nga!"



Tumigil ako at tinitigan sya. "Huminahon? Paano ako hihinahon? Pinatay ang girlfriend ko at wala man lang akong nagawa para protektahan sya! Wala akong silbi dahil hinayaan ko syang mamatay! Tell me, pano ako hihinahon ha?"



Bumuntong hininga ito. "I know how hard it is but the only thing you can do now is to calm down. Kahit magwala ka pa, di na maibabalik si monique. Please Raven, calm down." Mahinahong sabi nito. Pabagsak na umupo ako sa sofa at sinabunutan ang sarili ko.



"Dapat di ko nalang sya iniwan dun. Dapat.. nagstay nalang ako dun. Dapat..." Muli akong sumigaw at sinuntok suntok ang sarili ko.



"Raven, stop it!" Hinawakan nya ang mga kamay ko at pilit akong pinatigil. "Please, stop it."



Tinitigan ko sya ng masama pagkatapos ay marahas kong tinabig ang kamay nya at iniwan sya dun para dumiretso sa kwarto ko.

xxxx

Jinri Ahn's POV



"Here's the cellphone of the victim." Inabot nya sakin ang cellphone na nakaplastic seal pagkatapos ay umupo sya sa tapat ko. "Binuksan na yan kanina at nakita yung mga recent calls to Raven Chen. Ang most recent ay 3 o'clock in the morning."



Napatingin ako sa kanya. "3 o'clock?"



Tumango ito. "The victim was killed at around 1 am. Isang oras matapos umalis si Raven Chen."



Muli kong tiningnan ang cellphone at binuksan yun. Tumambad sakin ang wallpaper nila ng boyfriend nya. Dumiretso ako sa log list at nakita kong puro nga si Raven Chen ang nandun. Inexit ko yun at dumiretso sa message list. Puro si Raven Chen padin ang nandun. Ngunit isang message ang pumukaw ng atensyon ko.



Fr: 000000000

BInalaan kita pero di ka nakinig.



Fr: 0000000

Kung ako sayo di na ko uuwi.



Kumuha ako ng papel mula sa mesa ko at sinulat ang number na nandun. 



"Investigate this number and send me the details asap." 



"Yes, officer." Sagot nito at lumabas na ng office. Nasa malalim akong pag-iisip ng dumating ang isa pang detective na kasama namin sa kaso.



"Officer Ahn." Nag angat ako ng paningin at nakita ko si Wayne. "I found something."



"Ano yun?"



"Di lang pala ito ang unang beses na nasangkot sa ganito si Chen."



"What do you mean?"



"Six years ago, he had a girlfriend named Cris Villareal." Panimula nito sabay abot sakin ng isang folder. Binuksan ko yun. "One year later, natagpuan syang patay sa apartment nito." Picture ng magandang babae ang nakita ko. Dalawa ang picture, yung isa ay ang picture nya na wala ng buhay. Nakastapler dun ang information ng babae. "Then, two years ago, ganun din ang nangyari. Ang pinagkaiba lang, nagsuicide ang babae." Maganda din ang babae, nasa ilalim naman nito ang isang picture kung saan nakabitin ito sa kisame at wala ng buhay. "Sa dalawang kaso na yan ay napatunayan na wala sya nung nangyari ang krimen."



Sinara ko ang folder at tiningnan sya. "Nacontact nyo na ba si Mr. Chen? I want to talk to him personally."



Umiling ito. "Masyado pa syang depressed at gulat sa nangyari. He wouldn't talk to anyone."



Tumango ako. "Thanks for the information. You may go now." Tumayo sya at sumaludo bago lumabas ng office.



Nang makaalis ito ay muli kong binuksan ang folder at tinitigan ang mga pictures na nandun.



"Hmm.. Suicide, huh?" Bulong ko sa sarili ko. Napailing nalang ako. 



Tumayo ako at lumabas ng office.

Edited.

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekOù les histoires vivent. Découvrez maintenant