SA18

1K 21 0
                                    

Natasha's POV

"Nandito tayo ngayon sa barko kung saan ginaganap ang despedida party ng superstar na si raven chen. Sa august na ang nakatakdang pag alis nito papuntang hollywood ngunit ngayon nalang ginawa ang party dahil sa napakaraming commitments ng aktor. Mapalad tayo at isa tayo sa media na pinayagang mag cover ng event na to. Stay tune to X news and we'll keep you updated. This is Natasha Silvester, reporting."

Pinunasan ko ang noo ko gamit ang kamay ko ng matapos ang report. Ewan ko ba kung bakit pinagpapawisan ako ng malamig. Siguro kasi alam ko ng may di magandang mangyayari yun.

"I want you to catch the killer for me, natasha."

"H-ha? Pero bakit ako?"

"Wag kang mag alala, kasama mo si lee. May mga pulis din na magdidisguise dun. Ipapakalat din ang hidden cameras sa paligid. In that way, mas madaling mahuhuli ang stalker nya."

"Pero pano ka nakakasiguro na andun sya? I mean --"

"Nasa paligid lang sya, natasha. Just open your eyes."

"Kain muna tayo." Sambit ni kyle.

"O sige, una na kayo. Hanapin ko lang si raven."

"Naku, Nambababae na yun! Hahaha."

"Ikaw talaga. Sige na, kumain ka na dun." Sagot ko at marahan pa syang itinulak. Nang mawala sya sa paningin ko ay umakyat na ko sa pangalawang floor kung nasan ang mga cabin. Magkatapat lang ang cabin namin. Nasa kwarto kaya sya?

"Natasha." Humarap ako at nakita ko si lee. "Okay na ang lahat."

Tumango ako. "Si... R-raven, nakita mo ba?"

"Hindi eh."

"Ganun ba? Sige salamat." Tumango ito at umalis na. Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso sa cabin nya. "Nakalock. Nasan kaya yun?" Tumingin tingin ako sa paligid pero wala ng ibang tao maliban sakin. Papasok na sana ko sa cabin ko ng bumukas ang pintuan sa tabi ko.

"Natasha, you're looking for raven?" Si mike lang pala. Tumango ako. "Nasa taas sya, kasama yung big boss ng network. Bababa na din yun mamaya."

"Ah. Salamat."

Tumango ito. "You're not going down? Nag uumpisa na ang party."

Umiling ako. "Medyo may seasick ako kaya magpapahinga muna ko. Babalik din ako mamaya."

"Okay. See you around!" He smiled at me before he left. Napahawak naman ako sa noo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Ah, i really need to sleep.

*

Nagising ako na madilim ang paligid. Oo nga pala, di ko nabuksan ang ilaw kaya ganun. Bumangon ako at pakapa-kapang pumunta ng CR. Buti nalang at di na ko masyadong nahihilo.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ko. Baka kanina pa ko hinahanap nina kyle at raven. Napasarap ata masyado ang tulog ko.

Nagtaka ako nang pagbaba ko ay salubungin ako ng katahimikan at kadiliman. Tapos na ba ang party? Ang aga naman atang natapos? Humakbang ako para tingnan sana ang paligid pero napahinto din ako ng may makita akong isang tao na parang may hinihilang kung ano. Di ko masyadong makita dahil nasa malayo sya at buwan lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Para lang syang anino kung tutuusin.

Yumuko ako at nanlaki ang mga mata ko ng maaninag ang mga tao na nakahandusay sa lapag. Tumingin ako ulit dun sa tao at nakita kong nakatayo nalang sya. Nagpasya kong umalis na dun kaya dahan dahan akong umatras pero may nabangga ang likod ko na isang matigas na bagay.

Bago pa ko makapagreact ay tinakpan nya ang bibig ko at hinila ako palayo sa lugar na yun.

*

Jinri's POV

"May kulang sa kwento mo, at yun ang sasabihin mo sakin." Putol ko sa sasabihin nya habang kumakain ng cookie. Ilang minuto itong nanahimik bago ito tuluyang nagsalita.

"Akala ko iniligtas nya ko dahil matagal na syang may gusto sakin. Kasama sya sa nagplano sa pagpatay sakin pero sinadya nyang buhayin ako para mailigtas ako ni wayne, para tanawin kong utang na loob ang buhay ko sa kanya. Kahit ako nagulat nung nalaman ko ang ugnayan nila. Natakot ako na baka kapag lumantad ako, si wayne na mismo ang pumatay sakin.

Akala ko dahil lang kay wayne kaya nya ko pinagtangkaan pero hindi pala. Nalaman kong sya din ang pumatay kay cris at sya ang dahilan ng pag aaway nila ni selene. Masyado syang obsessed kay raven. Narinig ko pa na di sya magsasawang patayin ang lahat ng aagaw sa kanya kay raven, sya din ang pumatay kay heather." Yumuko ito at ikinuyom ang palad na nasa kandungan nya.

"Nung nalaman ko na plano nyang patayin si monique, binalaan ko na sya ng palihim pero di nya ko pinakinggan." Tiningnan nya ko. "Di sya titigil hangga't di napapasakanya si raven. Nakakatakot sya, wala syang awa."

"Sya yung tinutukoy mo, diba?" Tanong ko habang nakaturo sa isang picture frame nandun. Napatingin ito dun at tumango. Napangisi naman ako.

"Okay. Yun lang ang gusto kong malaman." Sambit ko at tumayo na.

Papunta na sana ko sa headquarters para sabihin ang lahat pero naaksidente ako. Nakakatuwa nga eh, wala na ata syang maisip na ibang paraan para mapatahimik ako. Sabagay, kamatayan lang ang makakapagpatahimik sa isang tao.

*

"Lee, iwan mo muna kami." Sambit ko nang makaalis sila natasha. Sumaludo samin si lee at umalis na.

"You can kill me now, wayne." Di ito sumagot. "Nanghihinayang ka siguro na buhay pa ko noh?" Ngumisi ako. "Should i thank you for bringing me here?"

"You must be lucky that you survived." Seryosong sabi nya. "Wag kang mag-alala, kung di ko man nagawa yun, sya na ang tatapos nun para sakin."

"Ang galing noh? Magkapatid nga kayo. Parehas kayong psychopath." Akmang sasakalin nya ko pero di nya tinuloy. "What now? Ituloy mo. Yun naman ang plano diba? Ang mamatay ako?"

Umayos ito ng tayo at kinuyom ang kamao. Nagtiim bagang din ito. "Di ko alam na tanga ka pala officer. Baiting your own sister to capture the prey. Don't be sorry kung makita mang patay ang kapatid mo sa party ng superstar na yun."

"Don't worry, i'll assure you, you will be the one who's sorry after that night."

Napukaw ang pagiisip ko nang tumunog ang cellphone ko.

"Plan worked officer. Pinatulog nya nga ang lahat ng guest at staff. Kami nalang nina Raven ang naiwang gising"

Napatango ako. "Where is she?"

"She's sleeping in her room. Sea sickness."

"Good. Keep tracked. Nasa daungan na yung mga pulis, we'll be waiting for you there." Binaba ko na ang tawag matapos yun. Di totoo ang sinabi ko kay natasha na maraming nakacamouflage na pulis dun. Si lee lang talaga ang nandun. Ginawa ko lang yun para di masyadong matakot at mag alala ang kapatid ko.

Alam ko ang plano nya para patayin si natasha. Binigyan nya ng pampatulog ang lahat ng pagkain at inumin dun. Pag nakatulog na ang lahat ay saka nya kukuhanin si natasha, papatayin at posible pang itapon sa dagat para walang makakita.

Napabuntong hininga ako. The real action starts now. Sayang lang at nainjured ako. I'll be missing a lot of fun and adventure today.

"I just hope that you will take care, my little sister." bulong ko sa sarili ko.

Secret Admirer: Hide and seekDonde viven las historias. Descúbrelo ahora