SA17

994 22 1
                                    

This happened bago maaksidente si jinri.

*

Jinri's POV

Nakakailang doorbell palang ako at bumukas na ang pinto. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ako.

"O-officer..."

"So, dito ka lang pala tinatago ni wayne. Kahit kelan talaga, di ako pinahamak ng instincts ko." Sabi ko at nginisian sya.

"P-pasok kayo." Sabi nya at niluwangan ang bukas sa pinto. Pumasok ako at bumungad agad sakin ang isanga malaking family potrait. Napangisi na naman ako. I never thought na magiging ganito lang kadali ang lahat. "Upo muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda." Sumunod naman ako habang inililibot padin ang tingin sa paligid.

Maya maya ay dumating na din sya na may dalang tray. Inilapag nya muna yun sa maliit na mesa na nasa gitna at umupo sa tapat ko.

"Di nako magpapaligoy ligoy pa, shanelle " Sambit ko at kumuha ng cookies at kinagat yun. "I want to know everything."

"Diba sinabi ko na ang --"

"May kulang sa kwento mo at yun ang sasabihin mo."

Napayuko ito at saka nagumpisang magkwento.

*

Shanelle's POV

Tumango tango ito ng matapos kong ikwento ang lahat. "Okay. Yun lang ang gusto kong malaman." Sambit nya saka tumayo kaya tumayo na din ako.

"Officer.."

"Wag kang mag-alala, di ka madadamay dito. Aalis na ko." Dumire-diretso sya sa pintuan kaya sinundan ko sya hanggang sa makalabas sya. Natigilan ako ng makita ang kotse ni wayne na nakaparada pero parang di yun napansin ni officer jinri at tumuloy tuloy lang sa kotse nito. Nang mawala sya ay tumakbo ako papunta sa kotse ni wayne. Sakto naman na bumukas yun.

"Anong ginawa nya dito?" Tanong nya agad sakin.

"N-nag usap lang kami."

"Nag usap? O kinuwento mo lahat?" Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang galit sa mukha nya. "Baka nakakalimutan mo, utang mo sakin kung bakit buhay ka pa ngayon. Kung di dahil sakin baka pinatay ka ulit nya ng nalaman nyang buhay ka pa."

Napaatras ako dahil sa takot pero hinawakan nya ko sa braso at inilapit sa kanya. "Humanda ka sa kin mamaya." Padabog nya kong binitawan at sumakay sa kotse nya.

"San ka pupunta? Tarantang tanong ko at sumilip sa bintana ng kotse pero di nya ko sinagot. "Wayne, san ka pupunta? Wayne!"

"Umalis ka dyan!" Tinulak nya ko palayo. "Di ko pa dapat gagawin to pero salamat sa kadaldalan mo at matatapos na ang lahat." Sabi nya saka tuluyang pinaandar ang sasakyan. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan nalang yun. Naramdaman kong nanginginig na ang buong katawan ko.

Kailangan kong mabalaan si officer jinri.

Agad akong tumakbo papasok sa bahay at kinuha ang cellphone ko na nakapatong lang sa mesa at dinayal ang number nya. Buti nalang may number ako nya.

"Hello?"

"Officer? Officer, shanelle to!"

"O shanelle, bakit?"

Napaupo na ko sa sofa. "A-are you okay?"

"Yes. In fact im on a race right now. Why?"  R-race?

Di ako agad nakapagsalita. Sigurado ako na si wayne ang tinutukoy ni officer at wala sya sa race kundi nakkikipaghabulan kay wayne. Shit. Ano ng gagawin ko?

"Look, i'll call you later o--"

"Wayne's trying to kill you! Be careful officer." There, i said it.

Lalong tumindi ang kaba ko ng di na sumagot pa si officer sakin. Nakarinig ako ng malakas na kalabog at nagdial tone na ang linya. Nabitiawan ko yun at kinagat ang mga daliri ko.

Sana okay lang sya. Sana hindi totoo ang hinala ko.

*

Present day

Natasha's POV

Inilapag ko ang mga dala kong prutas saka ko umupo sa tabi nya. Gising na si ate at kasalukuyang nagbabasa ng libro.

Should i tell her what i've found out? Makakatulong kaya to sa kaso ni raven? O makakagulo lang?

"Spill it out." Napatingin ako sa kanya. Nasa libro padin ang tingin nito. "You want to tell me something, right?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Selene is raven's second girlfriend. Yung P.A nya."

Inilapag nito ang libro sa kandungan at tumingin sakin. "I know."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-alam mo? Kelan pa?"

"Simula nung lumipat kayo." Ganun na katagal? "Di ka kasi marunong magobserba sa paligid mo. Reporter ka pa mandin."

"D-di ko nahalata e."

Napangisi ito. "Kahit naman sino di yun mahahalata. Maski nga si raven hindi yun alam e." Di ako nakasagot. Oo nga, walang idea si raven na naging girlfriend nya ang P.A nya. Pero may kutob ako na may nararamdaman sya dito. Alam ko dahil sa mga tingin na binibigay nya dito. Siguro, nagtataka din sya kung bakit may ganun syang nararamdaman sa P.A nya pero binabalewala nalang nya.

"Nga pala, kelan ang send off party ni raven?"

"Sa makalawa na. Bakit? Kung iniisip mong pumunta, sorry di kita papayagan."

"Di ako pupunta. May gusto lang akong ipagawa sayo."

Nangunot ang noo ko. "Ano yun?" Tinitigan nya muna ko bago sya tuluyang nagsalita.

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now