Extra: Cris Villareal

1K 24 2
                                    

500 reads naaaa. Hahaha kinikilig ako. XD

Wala po tong kinalaman sa last chapter or sa mga naunang chapters. Kung curious kayo kung pano sila nagkakilala ni cris at pano sya pinatay, read this. If not, then you better skip this :') Yun lang! :)

*

6 years ago

Nakilala ko sya dahil sa isang kaibigan. Katatapos lang naming magpractice nun at kasalukuyan kaming nagpapahinga sa locker room nang pumasok sya para ihatid yung bimpo ng kapatid nya na kaibigan ko. Sa totoo lang, una ko palang syang nakita iba na agad naramdaman ko. First time na kumabog yung dibdib ko ng makita ko sya.

Simula nun ay di ko na sya tinigilan. Makapal na kung makapal pero ganito talaga kaming mga lalaki eh, pag gusto namin ang isang tao di kami titigil hangga't di sya napapasa amin. Kaya ayun, makalipas ang dalawang buwan ay naging kami. Masaya? Oo, sobra. Minsan nga iniisip ko na kami na habang buhay.

Pero di nangyari yun dahil nawala sya sakin sa araw pa mismo ng second anniversary namin.

*

Cris' POV

Nagdadrive na ko pauwi nang gabing yun galing sa date namin ni raven. There, i can't help myself but to smile again when i mentioned his name. Feeling ko nga, nakalutang padin ako sa alapaap. Sa totoo lang, di ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito at mas di ko inasahan na ako ang first girlfriend nya. Akala ko kasi playboy sya dahil sa itsura kaya medyo natakot ako nung nagpakita sya ng interes sakin. Inisip ko na baka itulad nya lang ako sa iba na pagkatapos pagsawaan ay iiwan.

But raven proved me wrong. He gave me happiness at wala na kong mahihiling pa. Cliche man o korni mang isipin pero sana sya na talaga. Di ko ata maiisip ang future ko ng wala sya. Siguro nagtataka kayo kung bakit di nya ko hinatid. Well, nagka emergency kasi sa kanila. Gusto nya pa nga sana kong ihatid pero tumanggi na ko. Mas magandang unahin nya ang pamilya nya kesa sakin. Pumayag naman sya sa kondisyon na gagamitin ko ang kotse nya pauwi. Kaya eto ako ngayon.

Napatigil ako sa pag iisip ng may biglang humarang sa daanan. Agad ko namang nadiinan ang break pero huli na dahil natamaan ko din sya. Natulala ako habang nakatitig lang sa kawalan. Suddenly i felt my hands trembling. Na-nakapatay ata ako.

Nanginginig na bumaba ako ng kotse para silipin yung nasagasaan ko. Napalunok ako ng makita syang nakahandusay at walang malay. Pero nakahinga din ako ng maluwag nang wala akong makitang dugo. Baka hinimatay lang sa sobrang takot.

Lumapit ako sa kanya para gisingin sya pero nagulat ako ng bigla itong bumangon at itutok sakin ang hawak na kutsilyo. Eto ba yung sinasabi nila na nagpapanggap na nasagaan para makapangholdap?

Humakbang sya kaya umatras ako. Babalik sana ko sa kotse para tumakas pero nahablot nya ang buhok ko. Napasigaw ako sa sakit at naramdaman ko nalang ang mainit na likido na lumalabas sa mga mata ko.

Paulit ulit akong sumisigaw ng tulong pero napaos nalang ako at walang tumulong sakin. Ngayon ay pinagsisisihan ko na kung bakit pa ko nagshortcut para makauwi kaagad.

"R-raven... Tu-tulungan m-mo ko.." Sambit ko sa pagitan ng paghikbi. Nagulat ako nung tumawa sya.

Di ko napaghandaan yung sunod nyang ginawa. Hinampas nya ng malakas yung ulo ko sa salamin ng kotse dahilan para mawalan ako ng malay.

*

Nagising ako na masakit ang ulo, mahilo hilo at nangangalay ang mga kamay at paa. Pinilit kong dumilat at napag alaman kong nasa isa kong kwarto. Tinangka kong bumangon pero di ko nagawa dahil nakatali pala ang mga kamay at paa ko na syang dahilan kung bakit ako nangangalay.

Sumigaw ako para humingi ng tulong pero nag eecho lang yung sigaw ko. Natigil lang yung pagsigaw ko nang bumukas ang pintuan at iluwa ang isang babae.

"S-sino ka?! Pakawalan mo ko dito!"

Ngumiti lang sya habang naglalakad palapit sakin. Nang makalapit ay umupo sya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko. Pilit ko namang iniiwas ang ulo ko habang sinisigawan sya.

"Punyeta ka wag kang maingay kung ayaw mong patayin agad kita!" Sabi nito habang nanlilisik ang mga mata at hawak ang baba ko ng mariin. Nakakatakot ang boses nya, parang galing sa hukay. "Mananahimik din pala tang ina." Sambit pa nya saka marahas na binitawan ang baba ko saka tumayo at humarap sa bintana.

"Ano bang kailangan mo? Pakawalan mo na ko, parang awa mo na. Pera ba ang kailangan mo? Bibigyan kita kahit magkano. Please, i want to go home."

Muli syang humarap sakin at tinawanan ako. "Pera? Hahahahaha aanhin ko ang pera mo? Yan ang hirap sa inyong mayayaman eh, akala nyo lahat ng bagay mabibili ng pera. Well, reality check honey, money can't buy your fucking life back. If i were you, i'll start praying right now. Malay mo, sagipin ka ng kinikilala mong dyos or ..." Dumukwang sya para ilapit ang mukha sakin. "Magbago ang isip ko at pakawalan kita." Umayos ito ng tayo. "Alam mo maganda sa dasal? Parang falling star lang yan e, hanggang hiling ka lang. Hahahaha."

"Ano bang kailangan mo sakin? Sino ka ba?"

Bumalik na naman ang talim sa mga mata nito. "Hindi ano, sino." Nang di ako sumagot ay nagpatuloy sya. "Kapag sinabi ko bang ibigay mo sakin si raven, ibibigay mo sya?"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "S-si.. S-si raven?"

"Sya lang naman ang dahilan kung bakit ko to ginawa e. Let's have a deal, ibigay mo sya sakin at pakakawalan kita. Kung ayaw mo, edi papatayin kita." Pagkasabi nun ay naglabas ito ng kutsilyo mula sa likuran nito. "Gusto mo bang maranasan to?" bigla nyang hiniwa ang pulso nya at dinilaan ang dugong lumabas dun.

Halimaw. Halimaw ang nasa harapan ko ngayon.

Parehas kaming natigilan ng may mag ring na cellphone. Pumunta sya sa kabilang gilid ng kama kung nasan ang side table at kinalkal ang bag ko. Maya maya ay inilabas nito doon ang cellphone at tinitigan saka ngumisi.

"Raven's calling." Pakantang sabi nya. "Gusto mo magbabye sa kanya?" Nakakita ko ng katiting na pag asa nung makita kong iaabot nya sakin ang cellphone ko pero naglaho din yun ng ihagis nya sa malayo yun. "How about not?" Sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Patayin mo nalang ako!" Matapang kong sabi. Di na ko natatakot mamatay. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kesa mapunta sa kanya si raven.

"Okay." Sagot nya at inumang na sakin ang kutsilyo na may bahid pa ng dugo nya.

"Eto lang ang tandaan mo," Natigilan sya. Lakas loob kong sinalubong ang tingin nya. "kahit mamatay ako, hinding hindi magiging sayo si raven."

Dahil sa sinabi ko ay bumalik ang mabalasik na anyo ng mukha nito. "Hayop ka!" Sigaw nya at paulit ulit akong sinaksak. Nararamdaman ko ang sakit pero di ako sumisigaw. Di ako umiiyak. Napangiti nalang ako habang iniisip na nailigtas ko si raven sa kanya at alam ko na malabong magustuhan sya nito.

Bago ko tuluyang malagutan ng hininga ay narinig ko pang sinabi nya ang mga katagang:

"Di ko hahayaan na magmahal sya kundi rin lang ako. Naintindihan mo?"

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now