SA21

981 23 1
                                    

Present

Shanelle's POV

Saktong nakaalis si raven ay ang tuluyang pagkawala ng malay ni lee at ang unti unting pagkakaroon ng malay ni selene. Hinawakan ko ng mariin ang hawak kong dos por dos. Umupo naman ito habang sapo ang ulo.

"W-walang hiya ka, bakit mo ginawa yun?" Bulong nya sakin.

"Bakit? Kasi masama ka!"

Napaatras ako ng unti unti itong tumayo. Nakita ko na nakangisi ito. Totoo pala na maaaring mag anyong anghel ang isang demonyo. Napaniwala nya ang lahat na mabait sya.

"Bakit ikaw? Di ka ba masama?" Napalunok ako dahil dun. "Di ba nga tumulong ka pa sa amin noon, shanelle?"

Totoo yun. Nagawa kong tumulong sa kanila. Pero isang beses lang yun. At di na naulit pa. Kinailangan ko pang pumatay ng aso para lang makuha ang puso nito at maipanakot kay raven. Di ko alam kung anong sumanib sakin at pumayag ako. Siguro masyado lang talaga silang magaling mangumbinsi kaya nila ko napapapayag.

"P-pinagsisisihan ko na yun." Sagot ko.

"Talaga?" Napaatras ako ng dahan dahan itong naglakad palapit sakin. Pero habang umaatras ako ay napatid ako sa isa sa mga taong nakahandusay dun kaya naman napaupo ako sa sahig.

"Matagal ko ng gustong gawin to eh." Nanginginig na kinapa ko ang dos por dos pero sya ang unang nakakita at sinipa yun sa malayo. Napalunok nalang ako. "Magpaalam ka na sa mundo, shanelle."

Raven, tulungan mo ko.

*

Raven's POV

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ko saka pumasok sa loob. Nanginginig na lumapit sakin si natasha.

"D-di ko alam, raven. Na-nagulat nalang ako na bigla nya kong t-tinutukan ng baril. Nataranta ako raven. Di ko talaga sinasadya." Nakahandusay kasi si mike sa lapag at walang malay.

May bigla akong naalala.

"Hindi si selene ang tunay na stalker mo, raven."

"Kung ganun sya ang..." Kusa kong ibinitin sa hangin ang sasabihin ko.

"Ang ano, raven?"

"W-wala." hinawakan ko sya sa kamay. "Kailangan na nating umalis dito."

"Pero pano si mike?"

"Marami ka pang di naiintindihan. Ang mahalaga ngayon ang makatakas tayo at makaalis dito. Tara na." Bago pa sya tuluyang makapagsalita ay hinila ko na sya palabas.

Secret Admirer: Hide and seekOnde as histórias ganham vida. Descobre agora