SA6

1.3K 30 4
                                    

Raven's PoV

"Stalker?" Ulit ko sa sinabi nya. Tumango lang ito.



"Maybe that person is also responsible for the death of your first girlfriend." Dagdag nito. Napatiim bagang nalang ako. Bakit kailangan nya pang ipaalala yun? "You're a celebrity so hindi na nakapagtataka ang ganung bagay."



"She's creepy. I mean, killing people? She's completely insane." Sabat ni Natasha na katabi ko. Nasa conference room kami ng NBI. Lima kaming nandito, tatlong pulis at kaming dalawa nga ni Natasha.



"And the call you receive earlier Natasha, maybe it's his stalker. Akala nya siguro ikaw ang bagong girlfriend ni Raven."



"Sya rin siguro yung babaeng nakita kong nakatayo sa harap ng pintuan natin kagabi."



"Babae?" Tumango ito. "Ba't di mo agad sinabi yun samin?"



"I thought it's not important. I'm sorry."


Napabuntong hininga nalang si Jinri. "Checked the CCTV video now." Utos nya sa kasama nya. Tumango ito at lumabas na.


"We really need you to bring to the safe house. Masyadong mabilis ang stalker mo para malaman agad na dun ka natulog kagabi." Somehow, it freaks me out. Ikaw ba naman magkaroon ng stalker na psycho di ka matatakot?



"Ate, pano nyo mahuhuli ang stalker nya kung masyado pala syang mabilis?" Tanong ni Natasha.



Natahimik sya ng ilang segundo. "Pano ba hinuhuli ang isda?"



"Ha? Edi nilalagyan ng pain. Pag kinagat, edi huli na."



"Exactly." Nangunot ang noo ko. Ano kayang binabalak nya?

-

Natasha's PoV

"What?! Ate naman eh. You can't be serious, right?" Protesta ko ng marinig ang plano nya.



"Unfortunately, I'm serious."



Marahas na bumalik ako sa pagkakaupo at humalukipkip. "Why me? Di ba pwedeng iba nalang?" Bakit ko ba kasi tinanong ang bagay na yun? Nagkaroon tuloy ng ideya si Ate para hulihin yung psycho.



"Nakatatak na sa utak ng stalker nya na ikaw ang bagong girlfriend ni Raven. Sooner or later, you'll be receiving death threats --"



"And get killed." I sarcastically added.



"I won't let that happen to you Natasha. You just need to act as his girlfriend para matrace natin ang kinalalagyan ng stalker and hopefully ay makilala sya at mahuli."



"And how sure are you na gagana yan? It's too dangerous." Singit ni raven. Sa wakas, nagsalita din sya.



"She's dangerous too. So it's either you cooperate with us or you'll be in the safe house and lose both of your fames."



"I really can't believe this." Bulong ko sa sarili ko. Interview lang ang hinihingi ko at hindi yung ganito!



"Besides, you want an interview with him, right? Now's the chance. Grab it." And with that, wala na kong ibang nagawa kundi ang pumayag. I just hope it'll end well.

-

"You want an interview with me, right?" Napalingon ako sa kanya. Nagdadrive na sya pauwi sa condo nya. Part ng disguise namin ang tumira sa isang bahay para daw mas madaling mahuli ang stalker nya. Damn that stalker.



"Bakit bibigyan mo ba ko?" I mockingly asked.



To my surprise ay tumango ito. "Tomorrow. 5 PM." Excitement rushed through me.



"Talaga?" Tumango lang sya. "Thanks, Raven!"



"Honey. From now on, you should call me honey."



"Oh. Okay." Di na ko nagsalita pagkatapos nun. Torture talaga ang disguise namin na to. Sana lang talaga mahuli na ang stalker nya ng matapos na to. I'm not really used to this. First time kong may makakatabing lalaki sa pagtulog. Except for dad, of course.



Huminto na kami sa condominium building na tinutuluyan nya. Inalalayan nya kong bumaba hanggang sa makarating kami sa condo nya.



"Feel at home." Sabi nya at dumiretso pa sa isang pintuan dun. Umupo naman ako sa kama at nahiga. The next thing i knew ay nakatulog na ko.



Nagising nalang ako sa doorbell na naririnig ko. Dumilat ako at nilingon ang katabi ko. Unfortunately, tulog na tulog sya. Nang maramdaman kong walang balak tumigil ang nagdoorbell ay tumayo na ko at binuksan yun. To my surprise, walang tao. Napasimangot ako at lumabas para tumingin sa paligid pero wala ng ibang tao maliban sakin. Kainis naman, naistorbo pa ang tulog ko.



Pagharap ko, natigilan ako ng may mapansing kakaiba sa pintuan. Lumapit ako dun at naamoy ko ang masangsang na amoy ng.. dugo? Sa gitna ng pintuan ay may nakabakat na kamay ng tao gamit ang dugo. Shit. Nag uumpisa na sya. Niyakap ko ang sarili ko and tried my best to ignore it at naglakad na papasok sa loob pero napatid ako di pa man ako nakakapasok.



Yumuko ako para tingnan kung anong nakapatid sakin pero nanlaki ang mga mata ko ng makita yun.



Ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pulutin ang putol na kamay at titigan yun. Tinitigan ko din ang pintuang may nakabakat na kamay. Magkasukat sila.




Nabitawan ko ang kamay ng marealize ko ang nangyari. Di ko na napigilan ang sarili ko at isang tili ang pinakawalan ko.

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now