SA4

1.5K 31 4
                                    

"You should move out of this place. Delikado na para sayo ang manatili pa sa lugar na to." Sabi sakin ng babaeng pulis na tinawagan ko makaraang makatanggap ako ng ganun. Inisip ko na agad kung saan ako pwedeng tumira pero wala akong kakilala na papayagan akong makitira sa kanila. Oo superstar ako pero sa nangyayari sakin ngayon, halos wala ng tao ang may gustong magtiwala sakin. Shit. San ako titira?



"Kung namomroblema ka sa tutuluyan mo, we can give you the safe house. Actually, safe house yun para sa mga witnesses pero pwede ka dun since ikaw ang puntirya ng killer. Kaya lang, di ka pwedeng magpakita sa kahit na sino hangga't di pa nakikita ang suspek. This could mean losing your fame, Mr. Chen." Mahabang paliwanag ng pulis.



"Officer Ahn." Mula sa pinto ay pumasok pa ang isang pulis. Sumaludo ito sa kanya. "Nakilala na namin ang may-ari ng puso."



Napatango ito. "Then?"



"Puso pala ng aso yun. Pati yung mga dugo sa papel, sa aso din yun. Nakita yung katawan nung aso sa ilalim ng creek malapit dito sa condo nya." Siguro kung iba lang ang sitwasyon tinawanan ko na to eh. Tang ina, puso lang pala ng aso ang kinatakutan ko?



"Sa sobrang takot nya siguro, napagkamalan nyang puso yun ng tao. Anyway, have you talked to the management? We need the CCTV video of this building right away."



"Kinocontact pa nila ang head, officer."



"Okay. Secure the place. Make sure na walang makakapasok na media dito."



"Yes officer." Muli itong sumaludo pagkuwa'y lumabas na ng condo ko.



"So, what's your decision Mr. Chen?" Tanong nya maya-maya.



"Give me a day to think about it. Di pwedeng basta basta nalang akong pumayag, marami akong commitments na maiiwan kung sakali."



Napatango ulit ito. "But i can't let you stay here tonight."



"Where am i staying then?"

-

Natasha's POV



"Kapagod kang Raven Chen ka." Pagod na sabi ko at sumandal sa van namin saka pumikit.



"Alis na tayo? Nakaalis na daw si Raven eh."



Marahas akong napabuntong-hininga. "Tara umalis nalang tayo. Nasalisihan na pala tayo eh." Sagot ko at pumasok na sa van. Agad akong sumandal sa upuan ko at pumikit. Nakakainis naman. Hanggang kelan kami pahihirapan ng superstar na yan? Tsk.

-

Isang babae ang nakita kong nakatayo sa harap ng pintuan namin ng makauwi ako. Nakajacket sya at nakasuot ang hood sa ulo nito. Nakadress din ito ng puti at... nakapaa? Tumigil ako sa paglakad at pinagmasdan sya kung anong gagawin nya pero maliban sa pagtayo dun ay wala na syang ibang ginagawa. She's creeping me out, really kaya lumakad na ko palapit sa kanya.



"Anong kailangan mo miss?" Mahinahon kong tanong. Nanatili lang ito nakatayo na parang di ako narinig. Di kaya multo to? Tsk. Cut it out Natasha, di totoo ang mga multo. "Miss --" Hahawakan ko na sana sya sa balikat ng bigla syang tumakbo palayo. Nabangga nya pa nga ko eh. Manghang pinagmasdan ko nalang sya na kainin ng kadiliman. Maya maya ay napailing nalang ako. "Weird. Tsk."



Napahikab ako at binuksan na ang pinto. Pagbukas ko, ilaw nalang sa lampshade ko ang naiwang bukas. Teka lang, parang may nakahiga ata sa kama ko? Dahan dahang naglakad ako dun at nakumpirma ang hinala ko na may nakahiga nga. Imposible namang si Ate to dahil ang laki ng katawan ng nakahiga. Halos di na nga sya magkasya sa higaan ko eh. Sino ba to? Boyfriend kaya ni ate? Nah. Tomboy yun eh.



I was about to check his face ng may magsalita sa likuran ko. "Wag kang lumapit, baka magising." Literal na napatalon ako ng marinig yun. Humarap ako at nakahinga ako ng maluwag ng makitang si ate yun.



"Wag ka nga manggulat." Di nya ko pinansin at tumuloy sa kama nya. Ako naman, binuksan ko ang ilaw para makita kung sino yung natutulog pero naalimpungatan ata ito dahil sa liwanag kaya dumapa. "Ate, sino sya?"



"Tabi muna tayong matulog sha. Wala akong choice kundi ang dalhin sya dito dahil ayaw nyang sumama sa safe house. Wag kang mag alala, aalis na din sya bukas."



"Sino nga sya?"



"Raven Chen."

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon