SA20

1K 25 7
                                    

Warning: Puro flashbacks po ito.

Selene's POV

"Gusto kong mag apply bilang P.A ni raven." Sabi ko sa kanya matapos ko syang harangin nung makita ko sya sa building kung san talent si raven. Tinaasan nya ko ng kilay bilang sagot.

"I already hired one." Sabi nito at nilagpasan ako. Kinuyom ko ang kamao ko at hinarap sya.

"Kung ako sayo kukunin mo ko bilang P.A nya." Tumigil sya sa paglakad at humarap sakin na nakakunot ang noo. Ngumisi ako at humakbang palapit sa kanya. "I know what you did to Cris and Shanelle, Mike." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Pag di mo ko tinanggap sasabihin ko sa kanya ang totoo."

"Sino ka ba? At anong alam mo?"

"Don't try me, mike. So ano, kukunin mo ba ko o hindi?" He glared at me. I smiled at him.

"Be here tomorrow at exactly 7 am." Pagkasabi nun ay umalis na sya. Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko.

Magkakasama na ulit tayo Raven. Pangako, gagawin ko ang lahat para maalala mo ulit ako.

*

3 months later

Nagulat kami ng dumating si raven sa set na may kasamang babae at kaholding hands pa. Kaya nya pala kami pinauna.

Narinig kong pinakilala nya ito bilang girlfriend nya. Nahawakan ko ng mahigpit ang damit na hawak ko. Kinalimutan mo na talaga ko raven. Ang sama sama mo.

"Looks like he really forgot about you." Nang uuyam na sambit ni mike na tumabi sakin. Tiningnan ko sya ng masama pero nginisian nya lang ako. "Pano ba yan, may bago na sya? Kalimutan mo nalang kasi sya, kagaya ng ginawa nya sayo."

Ako naman ang napangisi. "Wag mo kong gaguhin mike. Alam kong parehas lang tayo ng nararamdaman." Sumeryoso ang mukha nito at iniwas ang tingin sakin. "Ang galing mo din ano? Hanggang ngayon wala padin syang ideya kung sino ka talaga." Tinitigan nya ko ng masama. Magsasalita pa sana sya ngunit dumating na si raven. Awtomatikong umamo ang mukha ko at napayuko ako.

"Pengeng kape selene, Salamat." Sambit nya sakin. Tumango ako at nakayukong umalis. Pinigilan ko ang sarili ko na mapairap at banggain ang bago nyang girlfriend. Nilingon ko si mike na kausap padin ni raven at nginisian ito.

*

"Pano mo nalaman na ako ang pumatay sa kanila?" Kaswal na tanong sakin ni mike. Kaming dalawa lang noon sa dressing room, kasalukuyan kong inaayos ang mga damit ni raven habang sya ay nakaupo lang sa mesa at pinapanood ako.

"Diary." Sagot ko. Napulot ko kasi ang diary nya sa tapat ng pintuan ni raven nung minsang dinalaw ko sya. Di ko alam kung paano yun napunta dun, baka nalaglag nya lang pero wala na kong pakialam dun. Kasalanan nya kung bakit ko nalaman ang lahat.

"Ano nang balak mo?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. Tumingin ako sa kanya nung di sya sumagot at nakita kong nakangisi lang sya sakin.

*

Nagulat ako ng makita ko syang nakabihis pambabae, nakaputing dress ito at mahaba ang wig na suot nito. Nagmukha din syang tunay na babae dahil sa make up nya. May itsura naman kasi sya at sa totoo lang ay mukha syang babae.

"So ikaw pala yung tumatambay sa labas ng bahay kada gabi." Ngumisi lang sya at nilagpasan na ko. Sumunod ako sa kanya. "San ka pupunta?"

"Sumama ka nalang." Di na ko nagsalita pagkatapos nun. Sabay kaming umalis ng condo nya.

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now