SA13

1K 26 3
                                    

Konting tiis nalang. Matatapos na din to :)

*

I really don't understand kung bakit kailangan pa kong isama sa presscon ng movie nila. Yes, natuloy ang movie and syempre di na si heather ang leading lady. Yung dati nyang kaloveteam na. They have no choice kundi ulitin ang BUONG shooting. I know, sayang sa effort. Mabuti nalang at natapos na. Akala ko talaga di na matutuloy yun e. Maganda pa naman. Horror.

Anyway, back to my problem. As i've said, di ko alam kung bakit kasama ako. Oo reporter ako but i don't have kuya tony and kyle with me. Ayoko namang manood dito. It's boring.

Patayo na sana ako ng magvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko yun at binasa ang message.

Fr: Sis

STAY WHERE YOU ARE. DON'T GO ANYWHERE.

Oh. Okay. Di na natuloy ang pagtayo ko dahil dun. Most of the time, di ko susundin yun but now, something tells me na sundin yun. Kinabahan tuloy ako bigla.

"So, Raven ano yung revelation na sasabihin mo sa amin ngayon?" Tanong nung baklang reporter sa harapan ko. Di ko tuloy masyadong makita si raven. Nasa may gitna kasi ako nakaupo at ang taba pa nung reporter. Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang seryosong mukha ni selene na titig na titig kay raven. Mas malinaw nya kasing nakikita ang view ng superstar kesa sakin. I forgot to mention na katabi ko pala sya. Hanggan ngayon nga nalilito padin ako. Sya nga kaya ang tumatawag sakin? Kung sya, bakit nya ko pinag iingat? Posible kaya na kilala nya ang stalker ni raven?

"Bakit?" Nagulat ako sa tanong nya na yun sakin saka sya lumingon. "Makinig ka sa kanya." Malamig nyang sabi at binalik ang tingin sa harap. Napagaya naman ako sa kanya. Wala namang nakakagulat sa sinabi ni raven. Sinabi nya lang na pupunta sya sa america to do a movie.

Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan. Ang boring talaga.

*

Someone's POV

"What if malaman ng media ang tungkol satin? Magagalit ang fans mo. Baka... Baka malaos ka bigla." Sabi ko saka yumuko. Narinig kong tumawa sya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.

"Kung mahal talaga nila ko, tatanggapin ka nila sa buhay ko." Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang nakakatunaw nyang ngiti. Nasa van nya kasi kami at nag aalangan pa kong bumaba. "Cmon, kung ano anong iniisip mo. They'll accept you. Okay." Hinawakan nya ang baba ko at inangat ang mukha ko.

"Pero ---"

"Handa kong iwan ang lahat para sayo. Okay na ba yun?" Napangiti ako at tumango.

"Good." Hinalikan nya ko ng mabilis sa labi. "Let's go?" Tumango ako at hinawakan ang kamay nya. He smiled once more and opened the door of the van.

Is that really the reason why we end up like this Raven? Kung bakit kinakailangan ko pang mamatay? Simula nung ipakilala mo ko sa lahat, nagbago na lahat.

Napabuntong hininga ako. Di naman kita kayang pigilan na magmahal ulit ng iba. Kaso, may isang tao na di ka hahayaang magmahal ng iba kundi rin lang sya.

"Ano bang kailangan mo sakin?! Sino ka ba?" Tanong ko habang nakasandal ako sa pader at nakatitig sa kanya na nakaupo sa kama at may hawak na makapal na lubid. Tumingin sya sakin saka ngumisi.

"Sino ako? Ako lang naman ang taong nakalaan para kay raven." Lalo kong siniksik ang sarili ko sa pader nung tumayo sya at humakbang palapit sakin. "Alam mo ba ginagawa ko sa lahat ng nagtatangkang umagaw sa kanya sakin?" Nilapit nya ang mukha nya sakin at inilagay ang lubid sa leeg ko. "Pinapatay ko." Bulong nya.

Nauulit na naman ang lahat. May namatay na naman. At may mamamatay pa. Kailangan ko silang balaan. Kailangan nyang malaman na buhay pa ko.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lalapitan sana ang bagong girlfriend ni raven nang makaramdam ako ng bagay na lumapat sa likod ng ulo ko.

"Isang hakbang pa at kakalat ang utak mo dito sa paligid."

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now