SA12

1K 29 9
                                    

Thank you sa comments :)

*

"Pupunta pala dito mamaya si selene para linisin tong condo tsaka para may makasama ka na din habang wala pa ko." Mula sa paglilibot ng tingin sa paligid ay sa kanya napako ang tingin ko. Nakasandal sya sa pinto ng CR habang ako kay nakatayo sa may kama.


"Selene?"


Tumango ito. "P.A ko. Sya na din yung nagsisilbing condo keeper ko."



"Ah." Sagot ko nalang saka umupo sa kama. Kaya pala nandito sya. Eh bakit di nalang sya dumiretso dito agad? Bakit naupo pa sya dun? Ang creepy nya ah.



Lumapit sakin si raven at hinawakan ako sa magkabilang balikat at pinagpantay ang mukha namin. "Matulog ka muna." Bulong nya saka unti unti akong hiniga sa kama. Saktong lumapat ang likod ko sa kama ay ang pamimigat ng talukap ng mga mata ko.

*

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng parang may nakatitig sakin. Dumilat ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang babae na nakatitig nga sakin. Ang lapit ng mukha nya, nangangati ako sa haba ng buhok nya. Napaatras ako ng higa. Umayos naman ito ng tayo.



"Gising ka na pala." Tumalikod sya sakin at pumunta sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama at nakasandal sa pader. Umupo ako sa kama at pinagmasdan lang sya. Nakapantalon ito na maong at nakapink na blouse na may kwelyo. Hanggang bewang ang napakahaba nitong buhok. Medyo creepy syang tingnan lalo na nung nakatitig sya sakin kanina. Itim na itim ang mga mata nito, namumutla ang labi nito na medyo nagbabatak batak. Makinis ang mukha nito at di maitatanggi na maganda at sexy.



Humarap ito sakin na may dalang styrofoam at isang bote ng mineral water. "Kumain ka na." Malamig na sabi nya at umupo sa gilid ng kama saka pinatong ang mga dala nya. Kinuha ko ang styro at nag umpisa ng kumain.



"S-si raven?"



"Wala pa sya." Tumango ako at di na nagsalita pa. Ewan ko ba, ang bigat ng atmosphere ngayon dito. Nakakakilabot din. Nag angat ako ng paningin at nakita kong nakatitig sya sakin. "Tama sila, maganda ka nga." Nasundan ko sya nang tingin nung tumayo sya. "Lalabas muna ko." Tuloy tuloy na lumabas ito ng condo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas sya.

*

2 days later

"Una na ko sa labas ah." Sabi ko kay raven na kasalukuyang nasa CR. Pumunta ako sa kama para kuhanin ang mga gamit ko. Saktong pagdampot ko sa cellphone ko ay ang pag riring nito. Napakunot ang noo ko ng number lang ang nakita ko sa screen.



"Hel...lo?" Alanganing sagot ko. Walang sumagot. Mabibigat na paghinga lang ang narinig ko. "Sino to?" Napatingin ako sa CR nang bumukas yun pero naiwas ko din ang paningin ko ng makita ko si raven na nakaroba lang. Yumuko ako at lumabas na ng condo. "Hello?" Ulit ko. Wala pading sumagot.



Natigilan ako ng may makita akong babae na nakatalikod sa gawi ko. Nakapantalon ito at nakacheckered na blouse. Nakapusod ang mahabang buhok at may hawak na cellphone. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko saka binalik yun sa tenga ko. "Hello?"



Lumakad ako ng dahan dahan at tuluyan ng binaba ang cellphone ko pero di ko pinatay ang tawag. Hinawakan ko sya sa balikat ng makalapit ako sa kanya.



"M-ma'am Natasha.. Bakit po?" Binaba nito ang cellphone na hawak at itinago sa likod nya. Pinagmasdan ko yun saka ko inangat ang paningin ko sa kanya. Nakatitig na naman sya sakin.



"Sinong... kausap mo?"



"H-ha?"



"Sa cellphone. Sinong kausap mo?" Iniwas nito ang paningin. "Tinatanong kita." Hinawakan ko sya sa braso. "Sinong kausap mo?"



"Ma'am..."



"Sagutin mo ko!"



"Natasha?" Binitawan ko sya at humarap kay raven. "Anong nangyayari dito?" Tanong nya at lumapit sakin.



"M-may sinabi ko lang ako sa kanya." Sagot ko at tiningnan si selene. Yumuko lang ito.



"Ganun ba? Tara na. Malalate na tayo." Hinawakan nya ko sa kamay at nilagpasan si selene. Sumunod naman ito pagkatapos pero nasa likod lang namin sya.



Lumingon ako sa kanya at nakita kong masama ang tingin nya sa kamay naming magkahawak. Agad kong iniwas ang tingin ko nang tumingin sya sakin.

-

PLEASE LEAVE A COMMENT. THANKS! ❤

Secret Admirer: Hide and seekWhere stories live. Discover now