"I have something to tell you, iha."

"Ako rin po tita. May sasabihin din po ako sa inyo."

Saglit kaming nagkatinginan saka siya ngumiti. "You go first."

Tumikhim muna ako para kumuha ng bwelo. Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa hugis-oblate spheroid na mesa na may inclination na...Hay.

Stop it Purita!

"May naikuwento po sa akin si daddy. Tungkol sa nakaraan at tungkol sa totoo kong nanay," maingat kong simula.

Alam kong maselan ang isyu na ito kaya gusto kong dahan-dahanin sa paraang hindi ma-o-offend si tita. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Naikuwento ni daddy kung paano ako nabuo at kung ano ang ginawa ng nanay ko sa inyong dalawa," naninikip ang dibdib ko habang sinasabi sa iyon.

Parang ako kasi ang nasasaktan kay tita Veronica. At nasasaktan din ako para sa nanay ko dahil bakit hinayaan niya ang sarili niyang dumating pa sa puntong iyon. Na pati dignidad niya ay kinain niya para lang do'n.

"Alam ko pong masyado ng huli ang lahat pero ako na po ang humihingi ng patawad sa ginawa ng nanay ko? Alam kong pinagsisisihan na niya ang ginawa niya sa inyo. Patawarin niyo po sana kami tita," umiiyak kong sabi.

"Iha..."

"Naiinis po ako sa nanay ko. Gusto ko pong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan kung bakit niya ginawa iyon. Pero hindi ko magawa. Dahil aaminin ko po na ipinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos dahil isinilang ako sa mundong ito. Patawarin niyo po ako dahil ipinagpapasalamat ko pa ang dahilan kung bakit nasasaktan kayo."

"It's alright iha. Nakaraan na iyon. At hindi na ako galit sa iyo. Do you think na makakausap kita ngayon kung hindi pa okay ang lahat? Ako ang dapat humingi ng tawad sa'yo dahil pati ikaw na inosente ay nadamay sa galit ko."

"Naiintindihan ko po tita."

"Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo okay?" sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"Salamat po tita. Pero sana po mapatawad niyo na rin po ang nanay ko. Para po sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. Dahil naniniwala po ako na kung buhay lang siya ngayon, hindi po siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang kapatawaran niyo."

Umayos siya sa pagkakaupo. Hinawakan niya ang mga kamay ko at tiningnan ako sa aking mga mata.

"Patawarin mo ako iha pero...buhay siya."

"Po?"

"Buhay ang nanay mo."

Para akong binuhusan ng tubig na galing sa North Pole. Parang hindi kayang i-proseso ng utak ko ang narinig. Hindi kaya 'namamalik-tenga' lang ako?

"B-Buhay ang nanay ko?" pag-uulit ko.

Gusto kong ma-kumpirma. Gusto kong marinig ulit. Baka sakaling nagkamali lang ako ng dinig. Baka sakaling binibiro lang ako ni tita.

"Oo, iha. Buhay ang nanay mo. At...nagkita kami kanina."

Alam mo 'yong pakiramdam na hindi na ikaw ang kumukontrol sa emosyon mo? Na sa pagkakataong ito ay alila ka ng sarili mong emosyon. Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha. Walang tigil. Walang palya. Hanggang sa mga mata ko na mismo ang sumuko dahil wala na itong mailuha.

Buong akala ko ay wala na ang nanay ko. Na namatay ito sa panganganak sa akin. Pero nagkamali ako.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong i-react o sabihin. Nagmistula akong punching bag na sinasalubong ang malalakas na bayo ng mga suntok. Paulit-ulit.

When Dyuswa Meets PuritaМесто, где живут истории. Откройте их для себя