What's with them? Really.

Hanggang sa makauwi kami ay iyon ang naiisip ko. Mom's not rude to anyone she just met. Pero iyong kanina, pakiramdam ko something's off.

Tahimik na naunang pumasok ng bahay si mommy. Gustuhin ko mang pumasok ay hindi ko na tinuloy. Baka kasi magkita kami ni Purita.

Hindi sa iniiwasan ko siya kundi dahil lang sa nirerespeto ko ang desisyon niya. Dumiretso na lang ako sa bahay ko at nahiga na.

Iniisip ko pa rin kung itutuloy ko pa rin ba ang sinuhestiyon ni Ginny. Ilang beses ko nang sinunod ang suggestion niya noon pero palagi na lang purnado. I hope this time it'll work. If this is what it takes to have her back.

****
PURITA'S POV

Itinigil ko na pansamantala ang binabasa. Dumating na kasi si tita Veronica at parang wala yata siya sa mood. Ngayon ay naintindihan ko na kung bakit niya nagawa iyon. I know that's too much na ilayo ako kay daddy. But she's hurt. At minsan kapag sobrang nasaktan ang isang tao, hindi na gano'n ka-wise ang desisyon niya sa mga bagay-bagay.

Gusto ko siyang lapitan ngayon at humingi ng sorry dahil sa ginawa ng nanay ko. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman ang part niya. Pero hindi ko alam kung papano simulan dahil baka ayaw niya na ring pag-usapan.

Mabigat ang paghinga kong inilapag ang folder sa mesa. Tumayo agad ako nang makalapit na siya sa sala.

"Good evening po tita," nakangiti kong bati sa kanya.

Para naman siyang natauhan nang makita ako. "Good evening din iha. Kumain ka na ba?"

Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi. "Tapos na po."

Luminga-linga siya sa paligid. Sinundan-sundan ko naman ang bawat kantong pinupuntahan ng kanyang mga mata. Nakakahilo. Ano ba!

"Saan ang daddy mo?"

"Ah. Nasa study room po niya," sagot ko.

May libo-libong higad ang gumagapang sa balat ko para mag-open up na sa kanya pero sadyang matapang lang talaga ang concentration ng Safeguard sa aking katawan kaya naman hindi ko magawa-gawa.

"Can we talk, iha?" tanong niya.

Omo! Nakalusot ang 0.1% bacteria. Akalain mo 'yon. Nakakaloka! Si tita na mismo ang naghanap ng paraan para makapag-usap kaming dalawa.

"Sige po tita."

"Magkita tayo sa terrace after 10 minutes. Magbibihis lang ako, okay?" sabi niya sa tipid na ngumiti.

Kaagad naman akong sumang-ayon. Pumunta muna ako sa kwarto para ilagay roon ang folder. Ilang sandali pa ay pumanhik na ako sa terrace. Napatingala ako sa langit.

Itim ang langit. At ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang mga mumunting bituin na nakasabit doon at isang kalahating buwan na kumukubli sa papalahong ulap.

Kasabay no'n ay ang pagtahol ni Bhebhe Qoh at nina Summer at Spring sa ibaba. Sino naman kaya ang tinatahulan nila ngayong gabi? Napapansin ko na sa tuwing ganitong oras sila tumatahol na para bang nagdidiwang. Mga aso nga naman. Baka may nakikita silang elemento ja hindi kayang makita ng isang ordinaryong tao tulad ko.

Ay mali. Ng isang magandang ordinaryong tao tulad ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si tita Veronica kaya naman bumalik na ako sa dati kong anyo. Naka-damit pang-swimming na siya. Joke lang. Damit-pambahay pala.

Sabay kaming umupo sa upuang nakapaligid sa hugis-oblate spheroid na mesa. Naka-inclined ito ng 23 degrees North or South with an average speed of 90,000 lightyears per nanosecond. Char-char with feelings lang.

When Dyuswa Meets PuritaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz