Chapter 18 - Banat!

Magsimula sa umpisa
                                    

At nagpauto ka? ” Sabi ni Jam. 

Ang kulit! Pagbigyan nalang natin yung tao. Sigi na please! Nakakaawa na eh. Hinuhusgahan natin ng di pa talaga natin nakikilala. ” Sabi ko.

 “ Asus! Iisa lang sila. ” Sabi ni Mika. 

Uh-uh. Kapag ba masama ang isa, masama na ang lahat? Hindi naman diba? Kaya pagbigyan na natin yung tao. ” Sabi ko.

 “Sige na nga! Nakakainis! Kung hindi ka lang malakas sa amin. ” Sabi ni Jam.

Yey! Salamat!

Riiiiing! 

Ha? Bell na ka agad? Ano ba yan! 20 minutes na agad yun? Kainis ha! ” Sabi ni Mika. 

Mika, kaya ka tumataba eh. Wala tuloy nagkakagusto sayo. ” Tumahimik nalang si Mika. 

Tara na nga. ” Sabi ko. 

Inaasar niyo nanaman si Mika eh. Pag yan, nagka-boyfriend, lagot kayo. Hahaha. ” Dagdag ko. 

Oo nga. Mabigla nalang kayo, may boyfriend nako isang araw, sige. ” Sabi ni Mika. 

Nagtawanan nalang kaming lahat papuntang classroom. 

Uwian na! Yes! ” Sabi ni Shay. 

Oo nga! Nakakaloka talaga! Atleast, uwian na. Teka, ano nga pala yung assignment nat- ” Tatanungin ko na sana kung tungkol saan yung assignment naming ng biglang may dumating na guard.

 “ Excuse me, dito ba si Ms. Kryshll Xyz Ruiz? ” Tanong nung guard. Ako ang hinahanap nila? Bakit? 

Opo. Bakit po? ” Sabi ni Jam. 

Pinapatawag kasi siya ni Mr. Torralba. ” Mr. Torralba? Ha? Bakit? Anung meron sa president? Paalisin na ba ako? 

Kuya, ako po si Kryshll. Bakit po ako pinapatawag?”  

Di ko po alam Miss. Basta ang utos lang po sa akin ay dalhin ka kay Mr. Torralba. Halika, sama ka na po sa amin.  ” Sabi nung guard. 

Uy, tawag daw ako ni Mr. Torralba. Hala, ano kayang meron? ” Sabi ko sa kanila. 

Ewan ko. Pero, goodluck sis!” Sabi ni Jam.

Salamat! Kuya, para saan po ba?” tanong ko sa guard.

Hindi ko po alam Miss eh. Eto na po tayo. ” Pagtingin ko, may black car sa harapan ko. Pumasok ako dun kasi sabi nung guard. Hindi ko pa nakikta ang presidente. Asan kaya yun? Naka-upo na ako sa tabi ng salamin kasi sinara na yung pinto. May pumasok sa kabilang pinto. Pagtingin ko… 

Ethan? Bakit andito ka?” 

Why? This is my car. ” Sagot niya. What? Kotse niya?

Ha? Asan si Mr. President? Asan si Mr. Torralba? ” Sabi ko.

 “ Hmm. Hahaha. Sabi ko na nga ba. Si papa ang iisipin mo. Tama ang naisip ko. Kapag alam mo kasing ako, hindi ka sasama. Torralba din ako diba? Baka nakakalimutan mo.  ” Ay, oo nga pala! Ambobo mo talaga Krysh! Naging scholar ka pa! 

Ayoko ng ganitong biro ha. Aalis na ako. ” Bubuksan ko na sana yung pinto kaso nag-automatic lock.

What the Hell? Ethan, palabasin mo ako. Ayoko na ng ganitong biro. Isa.” Banta ko. Pero di niya ako pinansin.

 “ Sa bahay. ” Sabi niya dun sa driver.

 “Ha? Teka manong, pababain niyo muna ako dito. ” Sabi ko dun sa manong pero ngumiti lang siya. Ano ba!

 “ Ethan, ayoko na talaga. Swear! ” Sabi ko sa kanya. 

Diba sabi ko sayo, I won’t let go of you this time? Ngayon pa namang nasa tabi kita. Hmmmm. ” Tapos lumapit siya sa akin. As in 2 inches away ang mukha niya. Tinabig ko ang mukha niya at tinulak palayo. 

Pangalawang beses mo na ako tinulak ha! ” Sabi niya. 

Manyak ka talaga eh! Manyak! ” Sigaw ko sabay biglang nagsara yung sa may harapan namin. Hindi ko na makita yung driver. 

Ethan! Anong bang ginagawa mo? Pababain mo na ako, marami pa akong gagawin! ” Makaawa ko pero di niya parin ako pinapansin. Nakangiti lang siya ng nakakaloko. Help! Huhu. T_T 

After 20 minutes siguro yun. 

We’re here! ” Ha? Asan?

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon