Chapter 12.

2.8K 38 0
                                    

Date Published: March 20, 2017 Date Re-Published: October 9, 2021

CORSOLA

Nagka-klase na si ma'am at kasalukuyang pinapaliwanag sa 'min ang project na kailangan naming gawin at maipasa.

"Kayo na ang bahalang pumili ng mga ka-grupo niyo basta maipasa niyo lang 'to para maka-graduate kayo." Saad ni ma'am.

"Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng store niyo at magbe-benta ng mga pagkaing napili niyo as a group."

"Kahit anong pagkain ay okay lang, as long as madali lang ay kaya niyong gawin lahat." Paliwanag niya pa.

Napatango kaming lahat sa kaniya at pinagpatulog pa rin ang pagpapaliwanag sa lesson at project na ipapagawa niya.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Tapos na ang klase naming at nandito kami ngayon sa loob ng opisina para kumain ng lunch.

Kakainin ko ngayon 'yung binili kong Palabok mula sa karinderya ni tita Marites kanina.

Ang pagkain naman ni Clark ay pizza at chicken na in-order niya kanina. Ang magkapatid naman ay ang niluto daw ni Azel na beef steak.

"Saan mo nabili 'yan, Jen? Mahilig ako sa Palabok eh." Tanong ni Azel at napangiti ako.

"Sa isang karinderya na malapit sa 'min. Kaibigan ko kasi 'yung anak ng may-ari eh." Sagot ko naman.

"Friend, meaning 'yung ka-trabaho mong lalaki?" Tanong ni Archi at tumango ako.

"Damn that guy..." Rinig kong sambit ni Clark at masamang nakatingin sa pizza.

"'Wag ka nang magalit, Clark. Mabait naman si Rodney saka hindi naman niya ko aagawin mula sa'yo bilang best friend mo." Paniniguro ko.

Nakita kong napa-iling sila Archi at Azel at nagtaka naman ako dahil sa nagging reaksyon nilang dalawa.

"Bakit ganiyan ang reaksyon niyo?" Takang tanong ko sa magkapatid.

"Wala... Kahit naman na sabihin namin ay mukhang hindi mo pa rin naman mage-gets eh." Sagot ni Azel at bumuntong hininga.

"Pero naka-usap ko na si Mister Lima isang beses at mabait nga siya. Sa sobrang bait niya, marami na ang nagkaka-gusto niya." Komento ni Azel habang nakangiti.

"Don't tell me that you like him, Azel?" Nakakunot na noong tanong ni Clark habang nakain ng pizza.

"Wala naman akong sinasabi ah? Basta, kain na tayo." Sagot ni Azel at nagpatuloy na kami sa pagkain.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Pagka-ubos ko ng Palabok ay nabusog ako ng sobra. Tumikim ng onti kanina si Azel at nagustuhan niya naman.

"Ang sarap ng Palabok. Baka naman pwede mong sabihin sa 'kin kung saan mo nabili 'yan? Kahit ibigay mo na lang 'yung address." Saad ni Azel sa'kin.

"Hingiin ko na lang 'yung address bukas kapag bumili ulit ako. Hindi ko kasi kabisado dahil sa nakita ko lang siya kanina eh." Sagot ko.

"Sige. Hihintayin ko bukas." Nakangiting sagot naman niya at binuksan ko 'yung kahon ng chokolate at kumuha ng isa.

"Halatang-halata na mahal siya. Sa susunod, kahit isang simpleng Choco Mucho lang, okay na sa 'kin." Sabi ko kay Clark.

"Mahal kasi nito eh. Nakakahiya naman makatanggap at kumain." Dugtong ko pa.

"I told you, you don't have to be shy just because of that. It's not that expensive anyway." Komento ni Clark sa'kin.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now