Chapter 31.

21 1 0
                                    

Date Published: March 25, 2022

CORSOLA

Nai-kwento na namin ni Azel ang tungkol sa pinagku-kwentuhan namin kanina. Kaya naman napangiti sila Clark.

"Then, that means, we can graduate early and do everything that we want," komento ni Clark.

"Ako naman ay magco-commission para pambayad utang pa," pag-deklara ko naman.

"I'm going to handle my business para naman hindi lagi si dad ang nagha-handle n'on," komento ni Archi.

"About your brother, Jen? I know that he's in good hands when it comes to Keannia. So, I know tjat he's going to be happy there." Tumango ako kay Clark.

"Pero, ano 'yong tungkol kanina? Ano 'yung sasabihin ng tatay niyo 'pag nalaman niya?" tanong ni Azel.

"'Pag nalaman niya ay sasabihin na naman niyang walang pera doon kaya mag-aaksaya lang ng oras si kuya," sagot ko.

"'Yan din ang dahilan kung bakit ako tumigil sa pagdo-drawing dati dahil sa sinabi niyang 'yan," dugtong ko pa.

"Lahat naman may pera eh. Nasa 'yo na nga lang ang desisyon kung paano mo pagkaka-kitaan 'yan," komento ni Archi.

"Tama. Nasa 'yo ang desisyon kung paano mo mapo-promote ang serbisyo mong 'yan," pagsang-ayon naman ni Azel.

"Bata pa lang kasi ako no'ng mga oras na 'yon kaya medyo nawalan din ako ng gana," komento ko naman.

"I really hate your father, Jen. I wish that he's going to stop soon," komento ni Clark at napangiti na lang ako.

"Kamusta pala 'yong paggawa ng kuya mo sa tula at artikulo?" tanong ni Archi.

"Ayos lang naman. Patuloy pa din naman ang paggawa niya as commissions kasi pandagdag din 'yon," sagot ko naman.

"Mga magkano ang nakukuha niya doon? Hindi ko kasi alam kung magkano ang commission sa gano'n eh." Napakamot sa batok si Archi.

"Base kay kuya ang mga articles ay mga nasa $100-$700. Kapag may tips ay naabot sa $1,000-$1,500," paninimula ko.

"Kapag sa mga tula naman ay nasa $25-$30 eh. Mas mababa kesa sa mga articles at nobela," dugtong ko naman.

"'Yong poem compilation ni kuya na na-published ay dahil sa isang commission 'yon ni Miss Keannia. Nang nagustuhan niya ay ayon na 'yung nangyari," pagkwento ko pa.

"Kakatayo pa lang kasi ng kompanya ni Keannia kaya nagha-hanap siya ng isang manunulat na pwede niyang i-publish ang mga gawa," pagbalita naman ni Azel.

"Masaya ako na successful 'yong compilation ng tula kaya napag-desisyonan nila na 'yung mismong nobela na ni kuya ang ipa-publish nila," komento ko naman.

"Nabasa ko ang gawa ko ng kuya mo sa isang online platform. Maganda na kasi ang gawa niya, Jen," komento ni Archi.

"Yeah, I agree with that. Most especially his first English novel over there. I love it and it's part of my recommendation," komento naman ni Clark.

"Masaya akong nagustuhan niyo ang gawa ni kuya," masayang saad ko naman at napatingin kay ma'am nang pumasok siya sa loob.

Agad kaming nagsi-ayos at nag-handa na para sa klase namin ngayong araw.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa loob ng library dahil sa tapos na ang klase namin. Nandito kami para pag-usapan ulit ang tungkol sa mga ibe-benta namin sa darating na Finals.

Kasalukuyang nagre-research kami nang tapos ko na ang ginagawa kong listahan.

"Baka gusto niyong i-try ang Tapsilog, Longsilog, Hotsilog, Tocilog,
Spamsilog, Tocilog, at iba pa. Pili na lang kayo dito," sabi ko at binigay ang listahan ko.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now