Chapter 21.

29 1 0
                                    

Date Published: December 4, 2021

CORSOLA

Nandito ako ngayon sa harap ng cashier habang kumukuha ng order nang nilapitan ako ng isang katrabaho.

"Jen, pwedeng patulong?" tanong niya at tumango ako sa kaniya.

"Pwedeng malaman kung ano ang mga kailangang requirements para maging scholar sa school mo para next school year?" tanong niya.

"Nahihiya kasi ako magtanong kay Ma'am Azalea," dugtong niya pa.

"Hmm... Hindi ko kasi alam kung parehas lang ang requirements ngayon sa noon eh. Kung okay lang sa'yo, tanungin ko na lang siya bukas tapos sabihan kita," sagot ko.

"Para mas sigurado na tama 'yung mga iha-handa at ipa-pasa mong requirements," paliwanag ko pa.

"Sige. Salamat talaga, Jen. Ito pala ang contact number ko kasi baka may ipapasa sila sa'kin sa email o kaya sa text eh." Tinanggap ko 'yung binigay niya.

"Sige. Salamat talaga, Jen," nakangiting sagot niya at bumalik na sa pwesto niya.

Pinagpatuloy ko na ang pagta-trabaho ko at nilagay sa bulsa ko 'yung papel para hindi ko ito maiwala.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Gabi na at nandito na si kuya para sunduin ako. Kaya naman pagkatapos kong ligpitin ang gamit ko ay lumapit na ko sa kaniya.

"Ano? Tara na?" Tumango ako at lumingon kay Rodney na naglilinis pa rin ng sahig kasama ng iba.

"Rodney, una na kami ah? Ingat sa pag-uwi mamaya," saad ni kuya sa kaniya at umalis na kaming dalawa.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil sa may natawag sa 'kin sa cellphone ko. Kaya naman sinagot ko 'yun at narinig ko ang boses ni Clark.

"Good morning, ai. How's your work last night?" pangangamusta niya.

"Good morning, Clark. Okay lang naman kahit na medyo nakakapagod," sagot ko naman sa kaniya.

"Let's see each other outside your subdivision and I'll wait for you there, okay? I love you, I'm going now."

"Okay... I love you too," sagot ko naman at binaba na ang tawag. Agad akong bumangon para makaligo na at makakain para hindi siya maghintay ng matagal sa'kin.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na ko sa harap ng subdivision at nakabili na din ako ng pagkain mula sa karinderya nila Rodney.

Nang nakita ko 'yung sasakyan ni Clark ay agad akong sumakay at hinalikan niya ko agad sa pisnge pagka-upo ko sa upuan.

"I'm happy that you're here now," bulong niya at niyakap ako.

"Pasensya na kung ngayon lang. May binili pa kasi akong pagkain eh," paliwanag ko.

"No, it's okay. Let's go now. Archi and Az are already there," saad niya at pinaandar na ang sasakyan.

"Paano pala kung malalaman ito ng mga magulang mo?" tanong ko sa kaniya.

"Don't worry. I won't let them know this because I know that they're going to tear us apart," sagot naman niya.

"Natatakot ako kapag nalaman nila ang tungkol dito, Clark. Baka may gawin sila sa pamilya ko o kaya sa 'yo."

"Don't worry, I won't let them do something wrong to you or to your family," paniniguro niya.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now