Chapter 5.

2.7K 42 0
                                    

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021

CORSOLA

Naglalakad na kami ng tahimik tatlo papunta sa park ng eskwelahan at hanggang ngayon ay natatakot at kinakabahan pa rin ako.

"What happened a while ago, Jen?" Tanong ni Clarky at umupo kaming tatlo sa bench na nadaanan namin.

Napahinga ako ng malalim muna bago mag-kwento sa kanilang dalawa tungkol sa nangyari kanina.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Pagkatapos sabihin nila Clarky na maghintay dito sa loob ng cubicle ay nanatili ako dito sa loob habang hinihintay silang bumalik.

Para hindi ako mainip ay kinuha ko ang cellphone ko para makapaglaro muna at hindi ako mainip. Alam ko naman kung gaano kalayo ang convinience store mula sa eskwelahan kaya hindi sila makakabalik agad-agad.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Mga trenta minuto na kong naghihintay dito para lang bumalik sila Clarky at medyo nabo-bored na ko dito dahil nananakit na ang pwetan ko sa kakaupo.

Habang naglalaro ay narinig kong bumukas ang pintuan ng CR at hindi ko na sana papansinin 'yon nang biglang may sumunok na buksan ang pintuan ng cubicle kung saan ako nandoon.

"Who the heck is using my favorite cubicle? Hey, lumabas ka diyan ngayon din!" Sigaw ng isang babae mula sa labas.

"P-pasensya na pero hindi ako pwedeng lumabas eh. Hindi pa ko tapos." Sagot ko naman.

"What? Sino ka para sabihin 'yan? Lumabas ka na ngayon din or else, I can tell my father to expelled you from this school! Tandaan mong anak ako ng isa sa mga executives dito!" Sigaw niya pa.

Kinabahan naman ako dahil doon at narinig kong may mga tumatawang iba mula sa labas. Nagsimula nang manginig ang mga kamay ko sa takot dahil sa banta niya.

"P-pasensya na talaga, miss. Hindi pa talaga ako tapos dito eh." Sabi ko sa kaniya at sana naman ay mahimasmasan na siya.

"Lumabas ka nga diyan! 'Yan ang paborito kong cubicle eh!" Sigaw niya pa ulit at mas lalong naging sunod-sunod ang pagkalampag sa pintuan.

Hindi na ko nagsalita pa dahil sa takot at hindi ko na alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko para lang tumigil na sila.

"Hey, stop that! Don't you know that, that someone who's inside that fucking cubicle has a problem right now, huh?" Napatigil ako nang narinig ko 'yung galit na boses ni Clarky mula sa labas.

Patay. Mas lumala ang sitwasyon dahil sa naging involve na si Clarky dito sa problema ko. Ayoko pa namang maging pabigat sa kaniya.

"H-hello, Clark. May kailangan ka ba?" Tanong ng galit na babae kanina at base sa boses niya ay masaya at kinikilig siya.

"Yeah, I need something. And that is, disappear within my sight now so that, my girlfriend can will feel better now." Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko.

Girlfriend? Ako? Kailan pa? Bakit niya sinabi 'yon? Baka mas lalo kaming pag-usapan ngayon dahil sa sinabi niyang hindi naman totoo.

"What? Girlfriend? How? When? Where?" Hindi makapaniwalang tanong ng babaeng galit kanina pero hindi siya sinagot ni Clarky.

"Hey, here's your napkin." Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan at binuksan ko naman 'yon ng onti.

Agad akong naglagay ng napkin sa underwear ko at agad-agad lumabas mula sa cubicle na 'yon nang nakayuko dahil sa nangyari.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now