Chapter 9.

2.6K 43 0
                                    

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021

CORSOLA

Kumuha na ko ng litrato naming dalawa habang nandito pa kami sa lugar ng mga paro-paro.

Ang gaganda kasi nila kaya gustong-gusto ko na marami kaming makuhang litrato kasama lahat ng mga paro-paro na nalipad sa paligid namin.

Masaya ako ngayon dahil sa magkasama ulit kami tulad noon. Sana nga lang ay magtuloy-tuloy na 'to.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at napansin kong nakatingin siya sa'kin at hindi sa camera.

"Clark? Bakit sa 'kin ka nakatingin? Tumingin ka sa camera para may maayos naman tayong picture." Tanong ko.

Tumingin na siya sa camera at nilagay ang braso niya sa balikat ko. Kumuha na ko ng litrato namin at pagkatapos no'n ay tumingin ako sa screen ng cellphone ko.

"Ang ganda ng ngiti mo dito, Clarky. Sana ganito ka lagi ngumiti." Komento ko.

"I can smile like this for you, Jen. Don't worry; I'll smile like this just only for you." Sincerong saad niya sa 'kin.

"But, I want you to start calling me as Clark, not Clarky. We're not kids anymore, remember?" Tumango ako at ngumiti.

Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Mukha nga kasing pambata 'yung pagtawag ko ng 'Clarky' sa kaniya.

Kaya naman simula ngayon ay hindi ko na siya tatawaging Clarky dahil hindi na kami mga bata pa.

"Let's go to see the dragonflies? They're also taking care of them over there." Saad niya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga dragonflies.

Naalala ko na naman tuloy 'yung mga bata pa kami ay nangunguli kami ng mga dragonflies sa tabi-tabi.

"Clark, naalala mo 'yung time na nangunguha tayo ng mga dragonflies no'ng mga bata pa tayo?" Tanong ko.

"Yeah. I remember that because we're so happy while catching them before." Sagot niya.

"And besides, I didn't forget everything when we're together because all of those memories are very precious for me." Saad niya.

"Ako din. Hindi ko din nakalimutan lahat kasi mahalaga lahat ng mga pinagsamahan natin noon eh. Saka, hindi din kita nakalimutan."

Bakit naman kasi siya makakalimutan, diba? Best friend ko siya at mahal ko na siya dati pa pero hindi ko lang maamin dahil sa mayaman siya at mahirap lang ako.

"Pero syempre, ang laki na kasi ng pinagbago mo kaya hindi kita nakilala agad." Pahabol ko pa.

Bigla kasi siyang nagging gwapo at gumanda din ang pangangatawan niya at malayo talaga sa dati niyang itsura.

Kaya hindi ko siya nakilala agad dahil doon. Ang inaasahan ko kasi ay gano'n pa rin ang itsura niya at hindi magbabago. Marami na ata ang nagkakagusto sa kaniya nang hindi ko alam eh.

"Did I really change? I don't feel that though." Komento niya at hindi ako sumagot sa tinanong niya.

Gano'n naman ata talaga eh... Hindi mo nakikita na nagbago ka na dahil sa minsan, hindi mo ramdam. Ganiyan din naman ako minsan. Nagtataka na lang ako kapag sinabihan na ko ni kuya.

"Do you have any idea why my parents and your father are enemies?" Tanong niya.

"Wala din akong alam. Nang nalaman nga ni papa na nandito ka na ay agad siyang nagalit eh." Malungkot kong saad.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa sinabi ni papa o hindi dahil natatakot ako sa sasabihin niya.

'Sa susunod ko na lang kaya sabihin kapag handa na ko?' Komento ko sa isip ko.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now