Chapter 25.

32 1 0
                                    

Date Published: January 15, 2022

CORSOLA

Nabyahe na kaming dalawa ni Rodney at napatingin ako sa kaniya nang hinawakan niya ko sa braso.

"Jen, baka naman p'wede mo kong tulungan? Gusto ko kasing manligaw sa isang babae kaso, hindi ko alam kung paano," saad niya.

"Wala din akong alam sa ganiyan eh," sagot ko naman at napabuntong hininga siya. Napa-isip din ako dahil baka may maisip akong magandang idea.

"Baka naman ay p'wede mo siyang ligawan sa pagbigay mo ng mga regalo? Tulad ng bulaklak o pagkain," suhestyon ko.

"Ganiyan ang ginawa ni Clark sa 'kin eh," sabi ko pa at napatango siya.

"Sige... Magawa nga 'yan kasi nagustuhan ko siya sa sobrang bait niya eh," komento niya at napangiti ako.

"Alam kong magugustuhan ka din niya, Rodney. Alam kong magugustuhan ka niya dahil sa mabait, maalaga, at masipag," komento ko.

"Sana nga lang ay tanggapin niya ko kahit na hindi ako mayaman. Pero, maglo-lotto ako kaya sana ay manalo," komento niya.

"Alam kong mananalo ka. Swertihan lang kasi 'yan eh," sagot ko naman at napangiti siya. Tumahimik na kaming dalawa habang nasa byahe pa.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakauwi na ko sa bahay at nakita kong bugbog sarado na naman si papa dahil sa puro pasa ito. Nakita kong galit na galit si kuya lamesa habang nagbibilang ng pera.

"Anong nangyari, kuya?" takang tanong ko at naglakad palapit sa kaniya. Napatingin siya sa 'kin at bumuntong hininga.

"Naging dalawang milyon na ang utang natin dahil sa pagsusugal ng sira-ulong 'yan," galit na sambit ni kuya.

"Gano'n ba? Ano ba 'yan? Mas lalong lumaki naman ngayon," reklamo ko naman.

"Kung gawin mo na lang ang utos ko sa 'yo, hindi tayo mamomoblema ng ganito, Jennica. Sabi ko sa 'yo-"

"Hindi! Hindi ko gagawin ang gusto mong gawin ko dahil mali 'yon! Kung ano man ang issue niyo ng mga magulang ni Clark ay labas kami doon!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.

Kinuha ko 'yong baso at binato sa kaniya. Nabasag 'yon at natamaan siya sa braso niya. Padabog akong pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama.

"Jen?" Hindi ako tumingin kay mama at narinig kong sinara niya ang pintuan saka umupo sa gilid ng kama ko.

"Alam kong galit na galit ka na sa tatay niyo pero, sana naman ay mahabaan mo pa ang pasensya mo," paninimula niya.

"Alam kong mali ang ginagawa at pinapagawa niya sa 'yo at naiintindihan kong nagalit ka na dahil doon..."

"Sabihan ko ang tatay mo, anak. Lagi ko naman ginagawa 'yon eh," sabi niya pa at tumango ako.

"Alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon dahil sa laki ng utang ng tatay mo kaya napag-desisyonan kong mag-trabaho na din."

"Hindi na po, ma. 'Wag mo na pong pagurin ang sarili niyo at kami na po ang bahala dito," sagot ko naman.

"Okay, sige. Suportahan ko na lang kayong magkapatid," sagot niya at niyakap niya ako. Napatingin kami sa pintuan nang bumukas 'yon.

Nakita namin si kuya at hawak ang wallet niya. Sinara niya ang pintuan at ni-lock 'yon saka umupo sa kama ko.

"Ang naipon ko ay mga nasa mahigit 15 thousand lang. Hindi sapat 'yon sa utang na dapat nating bayaran," pagbalita niya.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now