Chapter 6.

2.3K 42 0
                                    

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021

ARCHI

Pagkalabas ng sasakyan ay agad naglakad si Jen papunta doon sa likod ng café at pumasok na kami ni Clark sa loob ng café.

Pagkapasok ay agad kaming sinalubong ng napakaraming customers at parang may box office na palabas ngayon.

"Anong meron at pinagkakaguluhan 'to ngayon?" Takang tanong ko nang nakita ko 'yung kapatid ko na pinaliliran ng mga tao.

Marami sa kanila ang nagpapa-autograph at ngayon ko lang naalala na isang sikat na model nga pala ang kapatid ko.

"Your sister is really gaining too much attention." Bulong ni Clark at tumango ako. Dahil sa ayoko ng atensyon ay tumayo lang kaming dalawa sa isang tabi.

Maya-maya lang ay napatingin na sa direksyon namin si ate at ngumiti. Tumayo siya agad mula sa kinau-upuan niya at naglakad palapit.

"Masaya akong makita ka, Arch. Kamusta ka? Kamusta ka din, Clark?" Tanong niya at may tinitignan siya mula sa pwesto namin.

"'Yung isa naming kaibigan na tinutukoy ko kanina ay nandoon na sa likod at nagha-handa na para sa duty niya." Saad ko.

"Gano'n ba? Sige. Makikilala ko naman siya mamaya kaya doon tayo sa loob ng VIP room." Pag-aya niya at pumasok kami sa isang kwarto.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

"I ask you to come here kasi may favor ako, Arch. I just want to know kung pwede akong mag-stay sa condo mo." Saad niya.

"Ayoko kasing umuwi sa bahay dahil nga sa malayo ito at tinatamad akong bumyahe mula doon at papunta ditto saka sa school." Dugtong niya.

"Ate naman... How many times should I say that you're free to stay in my condo whenever you want?" Sagot ko.

"Hindi mo na kailangang magpa-alam for that, sis." I added.

"Thank you, baby brother. So, about a while ago, kamusta kayong dalawa?" Tanong niya.

"We're fine, sis. Ikaw? Kamusta ka at kamusta sila dad?"

"Umuwi sila kanina kasama ko and besides, stress when it comes sa parents ni Clark dahil hindi nga sila makasundo." Sagot niya.

"Really? I'm really annoyed now with my parents also. Starting at the day that we won from that lotto, they began to change for the worse." Komento ni Clark.

"I'm not going to be surprised if our family will be rivals at some point." Dugtong niya pa.

"And if that happens, labas tayong tatlo sa issue nila. But, I don't that your parents won't do something against us, most especially that you and Arch are friends." Saad ni ate.

"Whatever happens, I'm not going to do something for me to lose a friend. I'd rather lose everything than to betray someone who's very important for me." Seryosong sagot ni Clark.

"Nga pala, sis. Something happened a while ago from the campus. Our new friend - Jennica, nagka-problema kanina."

"Bigla kasi siyang nagkaroon at she needs to stay inside a particular cubicle habang nabili kami ng napkin."

"Pero no'ng bumalik kami ay meron nang nang-harass sa kaniya na isang estudyante na gusting gamitin ang cubicle kung nasaan siya eh, meron pa naming dalawang hindi ginagamit." Pagkwento ko.

"I see... I think I already know kung sino ang taong 'yon. Miss Avichi and her bitch friends, right?" I nodded.

"Sige. Ako na ang bahala sa grupong 'yon bukas. I won't tolerate someone harassing other students dahil lang sa isang walang kwentang dahilan." Mariing sagot niya.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang