Chapter 4.

3.1K 49 1
                                    

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 9, 2021

CORSOLA

'Sasakyan ni Clarky 'to ah...' Komento ko sa isip ko.

Maya-maya lang ay may nagbukas nang pintuan at lumabas si Clarky na medyo masama ang tingin kay Rodney.

"C-Clarky... Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at lumapit siya sa 'kin.

"Let's go. Let me take you to the campus safely." Hinawakan niya ko sa kamay ko at agad niya kong hinila.

"H-hoy!"

"Rodney, okay lang. Kilala ko siya at kaklase. 'Wag ka nang mag-alala." Paniniguro ko nang nakita kong pipigilan na niya sana si Clarky.

"Sigurado ka ba? Sa mukha niya pa lang ay hindi na siya dapat pagkatiwalaan eh." Angal ni Rodney.

"Oo. Kaya bumalik ka na sa carinderya niyo. Ingat." Sagot ko at tuluyan nang sumakay sa loob ng sasakyan.

Naabutan ko si Archimedes sa loob na tawang-tawa sa nangyayari at hindi ko alam kung bakit hindi niya pinigilan si Clarky ngayon.

"Pigilan mo nga siya at baka may gawin siya sa kaibigan ko!" Sita ko kay Archi at agad naman siyang nahimasmasan.

"Ito na, ito na."

"Hoy, Clark! Tara na at baka ma-late pa tayo!" Sigaw ni Archi sabay busina kaya naman pumasok na si Clarky sa loob na masamang nakatitig kay Rodney.

Pinaandar na niya agad ang sasakyan at napabuntong hininga na lang dahil sa nangyari ngayon.

"Ano ba'ng meron at ginawa mo 'yon? Nakakahiya sa kaibigan ko." Angal ko kay Clarky at sinamaan niya ko ng tingin mula sa rear view mirror.

"Who's that guy anyway? Why is he too close to you?" Galit niyang tanong.

Gusto ko sanang isipin na nagse-selos siya kaso hindi na ko aasa pa doon at tama si kuya tungkol sa sinabi niya kagabi.

"Kaibigan ko nga. Saka bakit ka ba ganiyan umakto ngayon?" Tanong ko naman.

"Nagse-selos ka ba?" Tanong ko pa at nahalata kong natigilan siya dahil sa sinabi ko.

"I am jealous, okay? I don't want someone stealing my one and only best friend away from me." Sagot niya.

"Talaga?" Tumango siya at kinilig ako bigla. Kahit na ayaw niya lang akong mawala bilang best friend niya ay okay lang sa 'kin 'yon.

At least, alam kong mahalaga ako sa kaniya kahit bilang kaibigan. Napansin ko naman si Archi na napahinga ng malalim.

Hindi na ko nagsalita pa at tumahimik na lang habang nakatingin sa bintana at hawak ng mahigpit ang tupperware na may laman na sopas.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Maya-maya lang ay dumating na kami sa eskwelahan at agad akong bumaba pagkatapos i-park ni Clarky ang sasakyan.

"Thank you sa paghatid sa 'kin." Saad ko at nginitian nila akong dalawa. Naramdaman ko naman na parang may kakaiba at hindi ako komportable doon.

"Punta lang pala ako sa CR at gagawin lang ako. Kita tayo sa loob ng classroom." Paalam ko at tumakbo papuntang CR.

ARCHIMEDES

Nagtataka akong tumingin kay Jen nang bigla siyang tumakbo paalis at hahabulin na sana siya ni Clark nang pinigilan ko siya.

"Hayaan mo na muna siya. Ano? Papasok ka sa loob ng girl's CR?" Tanong ko at napabuntong hininga siya.

"Ano pala nangyari sa 'yo kanina? That's the first time na nakita kitang ganiyan." Komento ko.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon