"Good morning." Bati ko pagka-upo sa upuan.

"Good morning, Jen." - Archi.

"Good morning." - Clark.

Pinaandar na ulit ni Clark 'yung sasakyan niya at lumingon si Archi sa direksyon ko.

"So, kamusta ang date kahapon? Mukhang hindi naman ata nagging problema 'yung pagkawala ko, diba?" Pang-aasar niya.

"Okay lang naman at masaya. Saka tama ka, hindi naman problema na hindi ka nakasama." Sagot ko naman.

"Buti na lang at gano'n." Sagot niya at medyo nakakapag-taka dahil napaka-saya niya ngayon.

"Bakit parang ang sobrang saya mo ata ngayon, Archi? May nangyari bang maganda?" Takang tanong ko.

"Wala lang. Masaya lang talaga ako kaya ito..." Natatawa niyang saad kaya naman hinayaan ko na lang siya.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa eskwelahan at agad kong napansin si Ma'am Azalea na nakatayo sa tabi ng isang sasakyan.

Bumaba na kaming tatlo at napansin kong may hawak na bouquet si Clark. Puro putting rosas ito.

"Jen, here... This is for you." Inabot niya sa 'kin 'yung bouquet at napangiti ako. Tinanggap ko 'yun at inamoy.

"Thank you sa bulaklak, Clark." Sagot ko naman at napatingin sa direksyon ng umubo.

Nakita namin sila Archi at Ma'am Azalea na nakatitig sa 'ming dalawa ni Clark.

"Hello, Jennica. I'm happy to meet you again." Nakipag-beso siya sa 'kin at nagulat ako.

"Starting today, classmate niyo na ko dahil gusto ko na ring makapagtapos." Pagdeklara niya.

"So, kapag nandito tayo sa school, we're friends and 'wag mo kong tawaging 'ma'am' dahil wala naman tayo sa trabaho." Saad niya pa.

"S-sige..." Nahihiya kong sagot at napatawa siya ng konti.

"Call me Az or Azel, Jen.'Wag kang mahihiya, okay?" Tumango ako.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room at pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante.

"Nakakahiya talaga 'yung ganito. Lagi na lang pinagtitinginan." Mahinang komento ko.

"Everyone, what are you looking at? Mind your own business now!" Sigaw ni Azel at agad naman umiwas ng tingin ang mga estudyante.

May iba naman na nagsi-alisan at tuluyan na kaming pumasok sa loob ng classroom at umupo sa pwesto namin.

Maya-maya lang ay may dumating na pamilyar na grupo ng kababaihan at sila 'yung in love sa cubicle ng isang CR.

"Azalea, what's the meaning of this? Huh?" Sigaw niya at may hinampas na papel doon sa lamesa ni Azel.

"What? Isn't harassing someone is a major offense in this school? This is the reason why I'm always asking all students to read their handbooks." Sagot ni Azel.

"But... I am the daughter of your business partner." Ngumisi si Azalea.

"I'm so sorry to break your bubble but, anak ng business partner or not, as long as you break the rules, you'll have your punishment." Nakangising sagot ni Azalea.

"Just like what I've said, your entitled ass doesn't belong here dahil pare-parehas ang trato sa lahat ng mga estudyante dito." Dugtong niya pa.

"Isn't it because your friends with that bitch, huh?" Sigaw pa ulit no'ng babae habang dinuduro ako.

"Ohh... Desperate, are we?" Tumawa ng onti si Azalea.

"You know me, Miss Avichi. Walang kaibi-kaibigan at kapatid when it comes to my rules." Nawala na ang ngiti sa labi niya.

"If you can't follow my rules then, you're free to transfer to another school kung, may tatanggap pa sa 'yo because of your past issues."

Sasampalin na sana ng babae si Azalea nang agad niyang nahawakan ang pulsuhan ng babae.

"Don't you fucking dare, Miss Avichi. Kung nagawa kong pabagsakin ang parents ni Clark, 'yung daddy mo pa kaya?" Napatakip ako ng bibig.

'Napabagsak niya ang mga magulang ni Clark?' Tanong ko sa isip ko at napatingin sa humawak sa braso ko.

Nakita ko si Clark at may inabot siyang box ng mamahalin na chocolate.

"Ang mahal nito? Bakit mo ko binibigyan?" Bulong ko sa kaniya.

"You're really heartless, Azalea." Galit na sambit ng babae at umalis na siya kasama ng mga kaibigan niya.

"Pinabagsak ang parents ni Clark?" Tanong ko at ngumiti si Azel sa 'kin.

"I don't like their attitude and at the same time, I don't like the way they treat the people around them, Jen." Sagot niya.

"But, we're still friends. I have my own business and my parents aren't involved there so, I'm safe." Komento naman ni Clark.

"Matatakot na ba ako? Iiwas na ba ako?" Tanong ko naman dahil kinakabahan na ko, ngayon pa lang.

"Don't worry, as long as wala kang gagawin na hindi ko magugustuhan ay hindi ka naman mapapahamak." Paniniguro niya.

"O-okay..." Sabi ko at napatingin sa box ng chocolates.

"Mahal 'to, Clark. Kaya bakit mo ko binibigyan?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"I want you to have it and besides, I know that you'll love that. So please, accept it." Sagot niya.

"O-okay..." Nahihiya kong sagot at dumating na si ma'am. Kaya naman nagsi-upo na kami sa mga pwesto naming at naghanda na para sa klase.

••••• END OF CHAPTER 11. •••••

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now