•*•*•*•*•*•*•*•*•*•

Tapos ko nang i-kwento ang lahat sa kanila at parehas silang napabuntong hininga dahil sa nangyari. Nilagay ni Archi ang kamay niya sa ulo ko.

"Don't worry about that girl, ako na ang bahala kaya relax na, okay?" Tumango ako sa kaniya.

"Damn that bitch. What's with that cubicle anyway and she's so obssessed with it? I don't understand it." Komento naman ni Clarky.

"Hindi ko din alam. Wala naman akong nakitang special doon pwera na lang sa malinis 'yon." Sagot ko naman at humingang malalim.

"Nga pala, 'yung tungkol sa sinabi mo kanina... Bakit mo sinabi 'yon?" Tanong ko nang naalala ko 'yung ang tungkol sa sinabi niya.

"I only said that to protect you from them. I want to protect you just like what I've promised you before when we were still kids." Paliwanag niya.

"Pero pagpe-pyestahan ka naman ng mga chismisa diyan sa tabi-tabi. Pag-uusapan tayong dalawa." Sabi ko naman at ngumiti siya.

"Your safety is my priority, Jen. Don't mind the people around you because they're nothing but nuisance." Hinawakan niya ko sa pisnge.

"Don't worry, alright? Let me protect you from the people who wants to hurt you." Sinserong saad niya at wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.

Nang nag-bell na ay agad kaming tumayo at naglakad na papuntang classroom bago pa kami mahuling tatlo sa klase.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nasa klase na kami ngayon at kumo-kopya ng mga notes mula sa white board dahil sa magkakaroon daw kami ng quiz bukas.

Bumuntong hininga ako dahil kailangan kong mag-aral para bukas pagkatapos ng duty ko sa café.

'Walang tulugan na naman 'to.'

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Tapos na ang klase at tumayo na ko habang inaayos ang mga gamit ko nang agad lumapit sila Clarky sa pwesto ko.

"Let us take you again to your work safely." Pag-bolontaryo ni Clarky sa 'kin at ngumiti ako.

"Baka may gagawin pa kayo? Ayoko namang hinahatid niyo ko lagi papunta sa trabaho ko." Sagot ko naman at umiling sila.

"It's fine. Don't worry. Kaya tara na. Hatid ka na namin sa trabaho mo para makasiguro na ligtas ka." Pagkumbinsi ni Archi at wala na kong nagawa kundi ang tumango.

"Sige na nga. Tara na. Para maka-uwi na kayo agad pagkatapos niyo kong i-hatid." Sagot ko naman at napangiti silang parehas.

Naglakad na kami palabas at napayuko dahil sa nakatingin sa direksyon namin ang mga estudyante na nakatambay sa hallway.

"Don't mind them, Jen. They're not worth it, trust me." Saad ni Clarky sa'kin at napatingin ako kay Archi at tumango siya.

"Sana kaya kong gawin 'yan." Bulong ko at tulad ng sinabi nila ay hindi ko na pinansin 'yung mga matang nakatingin sa direksyon namin.

•*•*•*•*•*•*•*•*•

Nabyahe na kami ngayon papunta sa café ng tahimik at nakatingin ako sa bintana. Habang nakatingin sa bintana ay bigla kong naalala 'yung sopas na binigay ni Rodney.

Kaya naman agad ko 'yung kinuha at binuksan at sana ay hindi pa ito panis dahil sa ito talaga ang paborito ko sa lahat kainin.

Nang nakita kong hindi pa siya panis ay agad akong napangiti at kumuha ng kutsara para makakain na. Pagkatikim ko ay agad akong nasarapan.

Loving the Millionaire's Son (Love and Lust Series #2)Where stories live. Discover now