Chapter 4: Visitors

71.5K 3.1K 1.1K
                                    


CHAPTER 4: VISITORS


I thought I could sleep better but it turned out to be another sleepless night. I couldn't set aside the image of my mangled book from my mind. Uncle William had called in police officers to the mansion to investigate the incident. They asked a lot of questions about my whereabouts during the afternoon and I told them about sleeping at my favorite spot at school. Hindi ko na binanggit sa kanila ang tungkol kay Declan dahil wala namang ipinakitang masama yung tao sa akin. Kung gusto niya talaga akong saktan, dapat ginawa na niya iyon noong nakita niya akong natutulog sa likod ng school at walang kalaban-laban. Subalit wala siyang masamang ginawa sa akin at sa halip ay inihatid niya pa ako sa mansyon.


But could I trust him? Marahil ay hindi ko pa masasagot ang katanungang ito sa ngayon. He seemed a little weird and definitely mysterious. But I also think that we could be friends. I didn't want to spoil this chance by wrongfully accusing him. Isa pa, bago pa lang siya sa Elford High at hindi niya ako ganoon ka-kilala.


Nagawa kong maka-idlip nang ilang oras subalit agad rin akong nagising dahil sa liwanag na tumatama sa aking mga mata na nagmumula sa bintana. Matapos akong muling pagalitan ni Uncle William dahil sa nangyari at mangako kay Aunt Martha na agad akong uuwi pagkatapos ng aking klase ay agad na akong nagtungo sa school. Zoey had been blaming me for what happened but I decided to pretend that I was sleeping throughout the school ride.


Nang makarating kami sa Elford High ay agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo patungo sa aking History class. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong bakante ang upuan na madalas kong inu-upuan. Hindi ko masisigurong kaya kong kumilos nang normal sa harap niya ngayon. Well, it was not like I act normal around him anyway. Kailangan ko ng panahon para ihanda ang aking sarili sa kanyang pagdating. Tatanungin ko ba siya o magpapanggap na lang ako na walang nangyari? Subalit hindi ako ganoon kagaling pagdating sa pagsisinungaling. Malalaman rin niyang may itinatago ako.


Zoey glared at me when she entered the room and sat with her friends in the front row. When Miss Veron came in after few minutes, I glanced at the empty seat beside me. Kung gayun ay hindi siya papasok? Sapat na ba iyon upang pagdudahan ko siya? Subalit maaaring may dahilan siya kung bakit wala siya ngayon sa klase. Hindi rin pinansin ni Miss Veron ang pagiging absent niya. Marahil ay nagpasabi ito sa kanya.


Nang matapos ang klase ay agad kong sinundan ang papalabas na si Miss Veron. Naabutan ko siya sa hallway kung saan madami nang mga estudyante ang naglalakad tungo sa kanilang susunod na mga klase.


"Miss Veron! I'm sorry but can I ask you something?" Tanong ko.


Hindi niya ako tinapunan ng tingin at sa halip ay dire-diretso iting naglakad. What could go wrong with asking a terror teacher?


"Miss Veron?" Muli kong tawag habang sinasabayan ang mabilis niyang paglalakad.


"Your class is over. You should have listened and focused earlier so that we wouldn't have this conversation," masungit nitong sagot.


"It's not about our lesson. It about... well, Declan–that is, the new student is absent today."

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora