Chapter 47: Endless Night

5.3K 227 191
                                    

CHAPTER 47: ENDLESS NIGHT


Knowing about Veronika Novou felt like I was sailing in this yacht for the first time. I could imagine her lying on the deck; seductive and gorgeous as the sun kisses her skin. I could see her behind the helm, maneuvering her yacht and playing with the waves. Even now, I could see her approaching me. I was lost in her dark eyes and black hair. Her presence was drowning me. The strong wind blew and I held onto the railings closing my eyes. When I opened them, I saw Declan staring down at me.

Ilang segundo niya akong tinitigan bago hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha. "Are you sure you want to go?" tanong niya.

Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi ko na gustong harapin pa ang tungkol sa Devereaux Corporation. Kung salapi ang nais ni Uncle William ay maaari niyang makuha iyon. Subalit mukhang higit pa roon ang nais niya. Gusto niya ng mas malawak pang kapangyarihan. Kasama ang Vinea sa mga hotels sa Eremitia na mapupunta sa kaniya. At dahil pinatay na niya ang katauhan ko, maging ang Casa Eleonor ay mapapasakamay din niya. To be able to keep what's important to me, I had to hold on to my name.

"You've faced being a Novou and Freniere bravely. How can I be a coward now?" pabiro kong sagot.

Tila mas naging seryoso pa ang kaniyang mukha sa sinabi kong iyon. "Being a Novou or a Freniere doesn't matter to me."

Ibinaling ko ang tingin sa malawak na karagatan. Maaga pa at hindi pa masiyadong mataas ang sikat ng araw. Kasalukuyang inihahanda ni Lev ang yate sa paglalayag habang si Miss Veron naman ay nanatili sa isa sa mga cabin. Anito ay hindi niya gusto ang araw o ang malagkit na hangin ng karagatan. Marahil ay iyon ang dahilan kaya't tinanggihan niya ang alok kong manatili pa siya sa Vinea upang magbakasyon.

"Kung hindi ka naging isang Freniere o Novou, o kung hindi kaya'y isa akong Devereaux, sa tingin mo ba ay magkikita tayo?" tanong ko.

Hindi siya agad na nagsalita. Gayunpaman ay maliwanag ang sagot sa tanong na iyon. Kung hindi namin taglay ang aming mga pangalan at katauhan, marahil ay napakaliit ng posibilidad na magtagpo ang landas namin.

"In another world, I could have been an ordinary high school student and you're choosing a program to take in a university. We would be living our own separate lives. No tragedy, no poison; with no one trying to kill us. The only death we're afraid of is the boredom of our lives."

I chuckled as I imagined such ordinary life for the both of us. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Our parents would have been still alive," my voice croaked. Nilunok ko ang nagbabadya kong pagluha.

Kunot-noo at may pagkabahala sa mga matang pinagmasdan ako ni Declan. "Do you regret meeting me?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. "In that far away life, my parents would not be Eleonor and Harry. I won't be a Devereaux."

Ilang saglit na katahimikan ang nagdaan na tila tinitimbang ng bawat isa sa amin ang susunod na sasabihin. "Would you rather be living in that world?" sa wakas ay tanong niya.

"Kung papipiliin ako sa dalawang mundong iyon, lakas-loob ko pa rin na haharapin ang napakasakit na gabing iyon. Dahil sa mundong ito, naranasan kong mahalin nina Mommy at Daddy. Napakaikli lang subalit sapat sa akin ang mga maiiksing araw na 'yon upang hindi makalimutan na lubos-lubos ang pagmamahal nila sa akin. At sa mundong ito, narito ka..."

Inabot ko ang kaniyang mga kamay at hinagilap ang kaniyang mga mata. "And I have a feeling that that tragic night is not yet over and it's haunting me now. Kaya naman ay gusto kong marinig sa'yo ang totoong nangyari sa gabing iyon," may pagsusumamo sa tinig kong sabi.

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Where stories live. Discover now