Chapter 40: Prayers for No One

4.6K 260 116
                                    

CHAPTER 40: PRAYERS FOR NO ONE


Nagising ako sa dilaw na mga matang nakatitig sa akin at sa bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Napabuntonghininga na lang ako nang ma-realize na si Morticia lang iyon, ang itim na pusa ni Miss Veron. Ang sabi niya'y hindi nito gusto ang pakikipaglapit sa mga tao kaya naman ipinagtataka ko na kasama ko ito sa silid at nakahiga pa sa aking dibdib.

Bumukas ang pinto at pumasok si Miss Veron. Napailing pa ito nang makita ang pusa na agad naman na bumangon at tumakbo palabas ng silid.

"She seemed friendly," puna ko.

"She's waiting for you to die. She likes staring at corpses," kaswal naman na sagot ni Miss Veron.

Agad na napawi ang unti-unti nang umuusbong kong pagngiti. Cats didn't have murderous minds... right? Naisip ko kung paano ako tinitigan ng dilaw nitong mga mata kahit na gising na ako kaya't agad akong nakaramdam ng kilabot. She wasn't stealing my soul, was she?

"You look better. How are you feeling?" tanong ng guro.

Tahimik kong pinakiramdaman ang aking sarili. Kakatwa man subalit tila mas magaan na ang katawan ko ngayon kaysa noong nasa ospital ako. Wala na rin akong lagnat.

"I do feel better," nakangiti kong sabi. Bahagya akong nakaramdam ng tuwa. Atleast, there were things that start to feel right.

However, Miss Veron seemed to not join my enthusiasm. May inilabas siyang syringe at walang paalam na itinurok sa akin. Halos manlaki ang aking mga mata habang pinapanood ang dugo kong pumupuno rito.

"I just gave you a remedy. It wasn't the cure. You're still going to die," wika nito habang sini-secure ang sample ng aking dugo.

Kung gaano kabilis umusbong ang pagasa sa akin ay ganoon din iyon kabilis na nawala. I was still sick. And for some reason, people were telling me that I was about to die. Death had been following me since I turned eighteen and it seemed to be catching up to me now.

"I don't understand. It's just a fever," turan ko. The doctor even thought that I was doing drugs. Hindi maaaring may mangyari sa aking katawan nang hindi ko nalalaman at naiintindihan. "And right now, I feel okay," dagdag ko pa.

Tumuwid si Miss Veron at saglit akong tinitigan. Tila may bakas ng awa na rumehistro sa kaniyang mukha subalit agad din iyong nawala.

"Can you stand?" tanong niya.

Sinubukan kong tumayo. Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong kaya kong tumayo at maglakad. Contrary to how they were treating me, my condition was definitely not bad. Sumunod ako kay Miss Veron sa paglabas ng silid at nagtungo kami sa kusina. Nagulat pa ako nang makitang naroon si Attorney Verja at nagkakape habang si Lev naman ay naghahanda ng almusal. It was like a deja vu. Only it wasn't Casa Eleonor and Declan was not on the dining table. Nakaramdam ako ng lungkot sa isiping iyon subalit pinili kong ikubli ang nararamdaman at binati si Attorney Verja.

Hindi tumugon sa aking pagbati si Attorney Verja at sa halip ay binuksan ang dalang attaché case at may inilabas na dokumento. Iniabot niya sa akin ang isang pahina nito. Nagtataka man ay kunot-noo ko itong binasa.

"It was a copy of an agreement that says in case you have met an unexpected demise, you're transferring your shares in the Devereaux Corporation to William Devereaux making him the major shareholder in the company. The document is signed by none other than you," pormal nitong pahayag.

Agad kong nabitawan ang dokumento na tila ba umaapoy iyon at napaso ako. "I never signed such agreement!" I protested.

"But this is your signature, isn't it?"

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu