Chapter 12: The Poison and the Cure

47.8K 2.5K 873
                                    




Chapter 12: The Poison and the Cure


Matapos ang aking pagsigaw nang malakas ay naramdaman ko ang kahirapan sa aking paghinga. Bagama't napapalibutan ako ng mga patay na katawan at malayo ang distansya ko mula sa mga taong nasa kanilang mesa na hindi makapaniwalang nakatingin sa aking direksyon, pakiramdam ko ay unti-unting sumisikip ang aking mundo. Hinawakan ko ang aking dibdib at pilit lumanghap ng hangin. It was like being in the mansion five years ago, when the fire started to eat my whole life and I was left suffocating. I couldn't breathe. I couldn't move.


Suddenly, a man leaped swiftly above the corpses and landed beside me. Agad niya akong hinawakan sa aking bewang at matapos iyon ay hindi ko na alam kung paanong tumatakbo na kami pareho palabas ng club. Halos binubuhat na niya ako sa bawat paghakbang dahil sa panghihina ng aking katawan. Para akong naparalisa nang dahil sa labis na takot.


Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto ng backseat ng isang sasakyan at maingat akong ipinasok rito. Nakita ko si Lev na nakaupo na sa driver's seat at tila nag-aalalang nakatingin sa akin. Agad namang bumukas ang pinto ng passenger seat at pumasok si Declan. Gusto kong tanungin sila tungkol sa kung anong nangyari subalit maging ang utak ko ay tila ginulo na rin ng takot.


"Why the fck did you have to bring her in there?" narinig kong may bahid ng galit na tanong ni Declan.


"I wasn't expecting that this would happen!" ganting sagot ni Lev.


Nararamdaman kong nag-uumpisa na silang magtalo. Bagama't nakakahinga na ako nang maluwag, unti-unti namang sumasakit ang ulo ko at nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Pikit ang mga matang isinandal ko ang aking sarili sa upuan.


In just a moment, someone was already sitting beside me. He put his hand on my wrist to feel my pulse.


"Are you hurt? Did you drink anything in that club?" tanong niya. Umungol lang ako dahil tila hinihila na ako ng antok sa mga oras na iyon. "Damn it, Lev!" muli niyang sabi.


"I just gave her Margarita and she's probably just not used in drinking alcohol kaya siya nagkakaganyan. Don't you think na kung may ininom siyang ibang bagay edi sana kasama na siyang namatay doon?"


Hindi sumagot si Declan na mukhang pinapahupa ang galit upang manaig ang pag-unawa sa nangyari. Maya-maya pa ay inilagay niya ang kanyang braso sa aking likod at balikat at saka inihilig ako sa kanyang dibdib. Despite being intoxicated, I could clearly hear the loud beating of his heart against his hard chest. I could feel his taut muscles around my trembling body and in that moment, I was embraced by his gentle assurance that I was already safe. His heartbeat was like a lullaby song and his arms were the soft blanket; I had never felt as comfortable as this before.


"I already ordered someone to work on the CCTV cameras in the club. She won't be in trouble," narinig kong wika ni Lev.


Pinanatili kong nakapikit lang ang aking mga mata habang nag-uusap sila. Bagama't nararamdaman kong unti-unti akong iginugupo ng antok, pilit ko itong nilalabanan. Sa ngayon ay makokontento na muna akong mag-ipon ng lakas sa mga bisig ni Declan.


"I know you're awake. Do you want me to bring you home?" biglang tanong ni Declan matapos ang ilang minuto.


Iminulat ko ang aking mga mata at gamit ang naipon kong lakas ay naupo ako nang matuwid. Agad na naramdaman ng aking katawan ang lamig nang pakawalan niya ako. I already missed his warmth.


"I'm Cinderella. I need to go home by midnight," hindi ko alam kung sino ang nagsabi niyon subalit nasisiguro kong pag-aari ko ang boses na iyon. Maybe it was the lingering effect of the alcohol.


Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Onde histórias criam vida. Descubra agora