Chapter 27: House Rules

7.3K 361 348
                                    

CHAPTER 27: HOUSE RULES


Author's Note: Thank you so much for your patience with this story. A Montello High Trilogy surprise is on its way so stay tuned on Pop Fiction page. For now, let's join Emily and Declan in the continuation of their dark adventures! - Siel Alstreim


"What do you mean I can't bring my toys here?" nakasimangot na tanong ni Forest. Kasalukuyan niyang inilalagay ang isang pamilyar na violin case sa tabi ng lumang piano ng Casa Eleonor.

Huminga ako nang malalim at sinikap na huwag magpaapekto sa ala-ala ng gabi ng aking kaarawan. It was still giving me nightmares. Ngunit sa paraan ng pagtatanong ni Forest ay mukhang hindi niya alam kung paano maging considerate sa nararamdaman ng iba. She was always unapologetic of her actions and sometimes, I wished I could be as brash as her... No. Iniisip ko pa lang ang mga lumalabas sa bibig niya ay kinikilabutan na ako.

"Detective Penber said that it was a real gun," I exclaimed, almost in disbelief. Gusto ko man isipin na isa lang ordinaryong estudyante si Forest, pagkatapos ng gabing iyon ay alam kong kailangan kong makita ang mga bagay sa kung ano talaga ang mga ito.

Hindi ko alam kung dahil ito sa pagiging ganap ko nang labing-walong taong gulang o sadyang binuksan ng pangyayaring iyon ang aking mga mata. Tila nagkaroon ng madidilim at matitingkad na kulay ang paligid; nagkaroon ng hugis ang mga aninong nagkukubli.

"And I know you harm people," mabuway ang tinig na dagdag ko.

Hindi ako magugulat kung naisin man niyang itago ang bagay na ito sa akin. Ngayon na naiintindihan ko na ang kaniyang mga pagkilos ay hindi malayong magkaroon din ng pagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Paano kung naisin din niya na saktan ako ngayon?

Ngunit ngumiti si Forest at lumapit sa akin. She played with her braided red hair and stared at me. "Do you still want to be friends with me?" tanong niya.

"Ofcourse!" Kahit ako ay nagulat sa walang pag-aalinlangan kong pagsagot. She was definitely a dangerous person and yet, I still chose to continue my friendship with her.

"Good answer! That means I don't have to kill you... yet."

Napailing na lang ako. I guessed I had to get used to her words. Niyaya ko siya na magtungo sa kusina kung saan naroon sina Declan at Lev. Apparently, Lev liked to cook. Ang sabi nito ay pinayagan lang siya ni Ms. Veron na manatili sa bahay nito dahil sa mga luto niya. Kaya naman nang makita niya ang kusina na pinalagyan na rin ni Atty. Verja ng mga gamit at pagkain ay nagprisinta siyang magluto.

Masarap na amoy ng pagkain ang bumungad sa amin ni Forest. Sa mesa ay nakahain ang steak, buttered corn, at mashed potato. Nakahanda na rin ang tatlong plato at mga kubyertos. Agad akong nakaramdam ng gutom.

"No food for you," Lev snapped when Forest tried to sit on the table.

Forest grinned at him. "I can bite you instead."

But Lev crossed his arms like a strict, arrogant chef in his kitchen. "I only cook for the people I like. And there's no cat food for you so, shoo!"

Bago pa lumala ang kanilang pagtatalo ay pumagitna na ako at pinatigil sila. "Okay, house rule: No fighting in Casa Eleonor. We will share meal together as long as we're eating in the kitchen," deklara ko sa kanila.

Sa una ay akala ko'y hindi sila susunod; na hindi nila pakikinggan at susundin ang sinabi ko. Ngunit maliban sa paghalukipkip ni Lev at pag-irap ni Forest ay hindi na sila muling nagtalo pa. Lihim akong natuwa dahil kahit paano ay may nakikinig na sa sinasabi ko. With all the things that happened, I knew that something had changed in me. I found strength in the legal power that was given to me. I found my home in Casa Eleonor. And somehow, I found my friends.

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Where stories live. Discover now