Chapter 7: A Silent Warfare

58.3K 2.7K 780
                                    


Chapter 7: A Silent Warfare



Nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga matang pinanood ko si Lev habang nilalagyan ng gatas ang kanyang kape, at sa sobrang dami ng nilagay niyang gatas ay halos hindi ko na malaman kung may epekto pa ba ang caffeine na nasa kanyang tasa. Nang nakangiti siyang lumingon sa akin dahil mukhang naramdaman niya ang aking pagmamasid ay agad kong inilagay sa aking bibig ang straw ng frappe na iniinom ko.


This coffee moment was definitely one of the weirdest and most uncomfortable one I've ever had. I just didn't know why I agreed on going with these two strange guys whose names were the only thing I knew about them.


"You're too obvious." Napaangat muli ako ng tingin nang magsalita si Lev.


"What?"


"Declan is obviously staring at you – he seemed to have not learned that it's rude to stare at a person like that," gumawi ang tingin ko kay Declan at agad na nagtama ang aming mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi habang iniiwas ko ang aking tingin sa kanya. "And you are obviously checking me out. I could feel your eyes on me the whole time," dagdag niya atsaka ngumiti saakin.


"I'm not – It's just that – " Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na weird ang paglalagay niya ng maraming gatas sa kanyang kape.


"How about you get another table with your disturbing coffee, Lev?" biglang wika ni Declan.


Seryosong tumingin si Lev kay Declan at sa pagtama ng kanilang mga mata ay hindi ko maiwasang isipin na may pag-uusap na nagaganap sa pagitan nilang dalawa. Ilang segundo ang itinagal ng kanilang pagtitinginan at sapat na iyon upang obserbahan ko sila. Ilan sa mga features ng kanilang mga mukha ang may pagkakatulad. Declan's hair was darker compared to Lev's messy brown one. They're both tall and well-built, and they both had something that would make you feel you didn't really know them. I caught myself drawn in the mystery they had and blinded of the possible danger they brought.


"No," sa wakas ay sagot ni Lev.


I watched as Declan regarded him threateningly. It wasn't a glare, but I could feel the intensity of the look he gave to his cousin; it was like an obvious warning. The cheerful grin on Lev's face faded and addressed me with a smug expression.


"She's like a ghost to me. She seemed to be a past memory that was long forgotten and I was wondering why we're sitting together now. She's like a magnet to my curiosity and I'm definitely curious about her."


Kunot-noo kong sinalubong ang tingin ni Lev habang pilit na iniintindi sa aking isipan ang kanyang mga sinabi. A ghost? A past memory? A magnet to his curiosity?


"What?" muli ay tanong ko. Mukhang ang tanging magagawa ko lang sa sitwasyong ito ay ang magtanong.


"Don't think too much about what he said. My cousin is just extremely delusional when it comes to meeting people," ani ni Declan.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now