Chapter 1: Emily Danielle Devereaux

143K 4.3K 1.3K
                                    


CHAPTER 1: EMILY DANIELLE DEVEREAUX

Soundtrack: Are We There Yet? – Ingrid Michaelson


*******

I ran faster.


I had to because I was already late to my class. Running through the hallways was prohibited in such a prestigious school as Elford High. Pero dahil nagsisimula na ang klase, wala nang mga class prefect na nag-iikot sa hallway at wala nang nakakakita sa aking pagtakbo para sitahin ako. I was used to being late to class subalit sa pagkakataong ito ay hindi ako maaaring mahuli dahil kailangan kong makakuha ng exam sa aking History class. I couldn't afford to fail Miss Veron's class or else, I would lose my scholarship.


Agad kong binuksan ang pinto ng silid nang makarating at humahangos na pumasok sa loob nito. Sinalubong ako ng mga malalakas na tawanan nang bumaling sa akin ang atensyon ng lahat.


"You're late, Miss Devereaux," seryoso at halos hindi ngumingiting wika ni Miss Veron sa unahan ng klase.


Saka ko lang napansin ang lalaking nakatayo sa kanyang tabi at nakatingin sa akin. Matangkad ito at tila hinihila ako ng kanyang mga mata palapit sa kanya. Atubili akong ngumiti bilang pagbati subalit tila hindi siya natinag sa kanyang pagiging seryoso. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin hanggang sa maramdaman kong hindi na ako kumportable.


"Take your seat now, Miss Devereaux," utos ni Miss Veron na nagpabalik sa kaniya ng aking paningin.


Nakahinga ako nang maluwag nang payagan ako ni Miss Veron na pumasok sa kanyang klase kahit nahuli ako. Mukha ring walang pagsusulit na nagaganap dahil sa mga malilinis na desks ng aking mga kaklase. Tahimik akong nagtungo sa pinaka-dulong row kung saan dalawang upuan na lang ang bakante. Naupo ako sa isa. Nararamdaman ko ang mga nakasunod na tingin sa akin subalit hindi katulad ng dati ay tila hati ang kanilang atensyon sa amin ng taong nasa unahan.


Nang tuluyan akong makaupo ay muling tumikhim si Miss Veron. "This is Declan. He will be your new classmate starting today," pagpapakilala niya.


Nasundan ng mga bulung-bulungan ang pagpapakilalang iyon. Nakita kong lumapit ang bagong estudyante sa guro at saka may ibinulong rito. Wala akong nakitang reaksyon mula kay Miss Veron at sa halip ay inutusan itong maupo nang hindi na nagpapakilala ng sarili.


"Settle down, class!" 


Hindi naiwasang maging maingay ang klase nang magsimulang maglakad si Declan sa pipiliin niyang upuan. Ilan sa mga kaklase kong babae ang walang habas na nag-offer ng upuan sa mga tabi nila para upuan ni Mr. Transferee. Nagsimula akong kabahan nang mag-umpisa siyang maglakad patungo sa dulong bahagi ng silid. Iisa na lamang ang bakanteng upuan at ito ay ang nasa tabi ko. Lihim kong nahiling na maupo na lamang siya sa ibang bahagi ng classroom. Napalunok na lamang ako nang magtama ang aming mga mata bago siya naupo sa aking tabi.


Agad na nag-umpisa sa kanyang lesson si Miss Veron na tila nakaligtaan niya ang ipinangakong pagsusulit sa araw na ito. Kung hindi naman ay malamang naipaalam na niya sa aking mga kaklase ang tungkol sa pagsusulit. Kung ano pa man iyon ay iniligtas nito ang aking scholarship. Lihim akong nagpasalamat dahil sa nangyari.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu