Chapter 2: Haunting Nightmare

86.5K 3.5K 301
                                    



CHAPTER 2: HAUNTING NIGHTMARE


Pagkarating sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking silid at ibinagsak ang katawan sa kama. Muntik nang mawala ang aking scholarship at muli na naman akong napagkatuwaan ng aking mga kaklase. Nagawa kong iwasan si Jareth at nakilala ko ang misteryosong lalaki na bagong lipat sa eskwelahan. Tila inubos ng araw na ito ang aking lakas at tanging ang matulog at magpahinga ang nais kong gawin. Subalit bago pa ako makatulog nang mahimbing ay ilang mga katok sa aking pintuan ang aking narinig. Agad kong inayos ang sarili ko at naupo sa kama.


"Come in," humihikab kong sabi at kasunod niyon ay ang pagbukas ng pintuan.


Aunt Martha, Uncle William's wife, smiled at me from the door. She let herself in and moved towards me. Looking at her made me feel less tired. She was always gentle and sensible. She was also the only person in this family who was sincere towards me. She sometimes reminded me of my mom.


"I heard what happened at school. Are you okay, Emily? Do you want me to report this bullying to Elford High School's administration?" She asked as she sat next to me on my bed.


Umiling ako sa kanya at saka ngumiti. "No, Aunt Martha. Ginawa ko na iyon dati pa pero parang mas nagiging pursigido pa sila na pagkatuwaan ako. As long as I keep my head down, I think I will be okay."


Hindi ko magawang sabihin sa kanya na isa si Zoey sa mga nagpapasimuno ng pangbubully sa akin dahil ayokong masaktan siya. Naniniwala siyang isang mabuting anak at pinsan si Zoey at hindi ko gugustuhing madisappoint siya.


"I thought you skipped dinner because you still feel bad about it. Don't worry about those insensitive classmates. As long as you have your friends with you, you're going to get through it."


Atubili akong tumangu-tango. I also couldn't tell her that I had no friends at school. She was just going to worry and it might convince her to agree with Uncle William about transferring me to another school. I badly wanted to stay in Elford High. My parents told me all the wonderful memories they had at that school and I wanted to feel closer to them. I just wanted to live with their memories.


"Well, I had the maids prepare the dinner for you. Just come down to the dining area, okay?" Wika niya.


Tumango akong muli at nagpasalamat. Tahimik kong hinintay na makalabas siya ng aking silid. Muli kong inayos ang aking sarili at tahimik na bumaba sa hapag-kainan. Mabilis akong naghapunan at agad na bumalik sa aking kwarto. Kailangan kong muling mag-aral ng lessons sa History dahil kung pinalad ako sa araw na ito, malamang ay hindi na magiging mabait sa akin ang tadhana bukas.


I had just finished reviewing half of my History class notes when I felt my eyes drooping. The weight on my head had gotten heavier, and sitting straight became difficult. I felt the need to lie down but at the same time, I was aware that I should continue studying.


Halos hindi ko na namalayan na unti-unti ko nang inihihiga ang aking ulo sa ibabaw ng aking desk. Sa pagkakataong ito ay tila isang napaka-lambot na unan ang mga papel na nasa aking harapan. Tila wala akong pagsusulit na dapat isipin para sa kinabukasan. Pakiramdam ko ay magiging maayos lang ang lahat. Hinayaan kong ipikit ang aking mga mata at tahimik na nagpadala sa antok.

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Kde žijí příběhy. Začni objevovat