Chapter 26: Flickering Lights

28.5K 1.2K 1.3K
                                    

CHAPTER 26: FLICKERING LIGHTS


Soundtrack: Better - SYML



My life should have ended that day. It would have been intriguing to have the same dates written on my tombstone; a single day to celebrate the moment I open my eyes to the world and grieve for the last second that I finally closed them. But destiny had another card in its hand and showed me another path. And I was grateful. I always have. I would always choose to move forward.



However, this new path was strange; it was darker and had more crossroads on the way. I was scared that the more I take my steps, the farther I would get lost. That was why, I need to have something to light the way. A fire that would assure comfort in this cold, dark place; the embers that would show me the right way. And that fire would be the truth. Because how am I going to tread this path if I would remain blind and foolish?



Dinala ako ni Jareth sa isang pribadong ospital. Sinabi niya sa akin na nasa maayos naman na kalagayan na si Uncle Willia; kasalukuyan lang siyang nagpapahinga. Ganoon pa man, kailangan ko pa rin siyang puntahan at makita. May mga tanong akong tanging siya lang ang makasasagot. At kung binasag ako ng pagsasawalang-bahala niya sa akin sa police station, sa pagkakataong ito ay buo na ang aking loob na harapin siya.



Tanging si Zoey lang ang naabutan namin sa marangyang private room na kinaroroonan ni Uncle William. Agad niyang ibinaba ang hawak na cellphone nang makita si Jareth. Malapad ang ngiting tumayo siya upang salubungin ito. Ngunit ang ngiting iyon ay agad rin nawala nang manatili ang pagkakahawak ni Jareth sa pinto upang makapasok ako. Kuyom ang mga kamaong humakbang siya tungo sa amin.



"What the hell is she doing here?"



Tingin ko ay kahit sa hallway ng ospital ay umabot ang malakas niyang boses. Agad siyang pinigilan ni Jareth nang akmang hahablutin na niya ang aking braso.



"Don't stop me, Jareth! This is all her fault!" pagpupumiglas niya.



Ngunit hindi natinag si Jareth at mas hinigpitan pa ang kapit rito. "Calm down, Zoey. She has the right to be here. At isa pa, si Mr. Devereaux ang nag-utos sa akin na dalhin rito si Emily."



Sabay ang naging paglingon namin ni Zoey sa kaniya. Kahit ako ay nagulat sa narinig. Kunot-noo at nagtatanong ang mga matang tinitigan ko siya. Ngunit bago pa muling makapagsalita si Jareth ay narinig namin ang mahina subalit buo pa ring tinig na nagmumula sa malaking hospital bed. Saka ko lang nakita si Uncle William na nakahiga roon at seryosong pinanonood ang mga nangyayari sa amin. The crisp suit he used to wear was changed into a plain hospital gown. He still looked cold and arrogant, but somehow being in this place made him age drastically. He was getting older and I failed to notice it.



"Jareth, please bring Zoey to the hospital cafe? I need to have a conversation with Emily," wika niya kay Jareth.



"But Dad -" Zoey's protest was cut off when Uncle William gave her a hard look. Matapos akong tapunan ng tingin ni Jareth ay iginiya na niya si Zoey palabas ng private room na hindi na tinutulan pa ng huli.



Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa buong silid nang sandaling puminid ang pinto. Ngayon na kaharap ko na siya ay parang nauunahan naman ako ng kaba. Bago pa ako tuluyang ma-estatwa sa aking kinatatayuan, nagpasya akong ihakbang ang aking mga paa. Humakbang pa ako ng ilan pa hanggang sa matigil ako sa mismong harap niya.



"K-Kamusta na po ang pakiramdam niyo, Uncle William," nauutal kong tanong. Kahit ang dila ko ay mukhang nais rin na umurong.



Hindi niya ako sinagot. Matiim lang niya akong tiningnan na tila ba pinag-aaralan niya ang aking buong katauhan.

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Where stories live. Discover now