Chapter 28: Shallow Grave

6.2K 340 218
                                    

CHAPTER 28: SHALLOW GRAVE


Author's Note: Well, this is a shorter chapter but I'm thinking of updating every Friday. (Lol, please pray for me to be productive and defeat procrastination haha!) Oh, and I'm thinking of recommending soundtracks again and right now, I'm listening to ONE OK ROCK - if you've read SWIAG, you know that they're a fave. It's raining hard nowadays so I hope you guys stay safe. See you next chapter! - Siel Alstreim


Napakabilis ng mga pangyayari. Sa simula ay tila kaswal lang siyang nakikipag-usap sa akin. Nasa punto pa lang ako ng pag-iisip kung paano siya sasagutin. Ngunit sa isang kisap-mata ay tumatakbo na ang babae palapit sa aking kinatatayuan.

"Emily!"

Ms. Veron shouted my name in panic. Ngayon ko lang siya nakitang nag-alala nang ganoon. At alam ko na nais niyang pigilan ang mga pangyayari. But she was too late.

I gasped as I felt a needle on my neck. Before I knew it, I was already on the ground and unable to move. Sa nagdidilim na paningin ay narinig kong may ibinulong siya sa aking tainga.


Hindi ko alam kung gaano katagal ako nawalan ng malay. Mga pamilyar na tinig ang aking narinig nang magising ako. Kasunod niyon ay ang matinding pamamanhid ng aking katawan.

"She will be back for her and you know it," ani ng tinig na iyon. It took me a few seconds before I realized that it was Ms. Veron.

"Then I'll kill her," sagot ng isa pang tinig. It was Declan.

"Shit! This is messed up!" si Lev.

Natigil ang pag-uusap nila sa mahina kong pagdaing. Sinusubukan kong bumangon subalit hindi ko magawa. Tila ba kay bigat ng aking katawan. Mapungay ang mga matang inilibot ko ang aking paningin bago ito natuon kay Declan. He was hovering at me protectively na tila ba wala sa mga kasama namin ang nais niyang makalapit sa akin.

"Stay there. Don't move yet, Emily. You still need an hour before the drug wear off," nag-uutos na tinig iyon ni Ms. Veron. Nakahalukipkip siya habang nakatayo malapit sa akin.

"Are you sure it's just a paralytic drug? Knowing that woman, she might have poisoned her," wika naman ni Lev na nakaupo sa couch na naroon.

Saka ko lang napansin na nasa office pa rin kami ni Ms. Veron. Hindi nila ako dinala sa ospital na normal na ginagawa sa sitwasyong ito. Wala rin ang mga pulis gayung inatake ako ng isang hindi ko kilalang tao. Maybe, I should give Detective Penber a call.

"If she poisoned her, then she would be dead by now," sagot muli ni Ms. Veron.

Poison? Drug? Iyon ba ang ginawa sa akin ng babaeng iyon? Ngunit bakit? Ano'ng kasalanan ko sa kaniya? At sino siya?

Confused, I turned to Declan. Kitang-kita ko ang pagtitiim ng kaniyang bagang at pagkunot ng noo habang nakatitig sa akin. Bakas sa kaniyang mga mata ang galit at pag-aalala. Gusto ko man na sabihin sa kaniya na okay lang ako ay hindi ko magawa. Kung ano man ang itinurok sa akin ng estrangherong iyon ay pinigil din nito ang kakayahan kong magsalita. I felt vulnerable and helpless. Bahagya ko nang naramdaman ang pag-init ng aking mga mata at sa aking pagkurap ay hinayaan kong maglandas ang aking luha. I was so frustrated. I almost believed that things could go well.

Marahas na tumayo si Declan na ikinagulat nina Lev at Ms. Veron.

"Baka hindi pa siya nakalalayo," seryoso nitong pahayag. Tila naman nabalot ng tensyon ang silid sa naiintindihan nilang balak gawin ni Declan.

Ms. Veron sighed. "I know you are good at what you do. Ngunit huwag mong kalimutan na hindi rin ordinaryong tao ang kakaharapin mo. Eloise is a Novou!"

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt