Chapter 45: The End of a Dream

6.6K 339 332
                                    

Author's Note: Please don't post spoiler comments in Montello High and SWIAG story. Thank you! Enjoy reading! ❤  --- Siel Alstreim


 CHAPTER 45: THE END OF A DREAM


"Declan..."

With all the strength that was left in me, I tried to get away from the wheel chair, only to find myself falling face first to the ground. Subalit bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig ay naroon na si Declan upang saluhin ako. Si Mister Grimaldi naman, bagama't ikinagulat ang aking ginawa, ay nagawang hawakan ang kasabay ko sanang matutumba rin na wheel chair. Pawang nakahinga nang maluwag ang dalawa nang mapigilan ang aking pagbagsak.

"Reckless as always," Declan murmured. I caught him winced a little as he was forced to use his shoulder.

"I'm sorry," maliit ang tinig kong sabi. "I couldn't stop myself from running to you."

Inayos niya ang pagkakahawak sa akin. Ikinagulat ko pa nang buhatin niya ako at dalhin sa kama. "Your wound..." nag-aalala kong usal. Subalit kung may masakit man siyang iniinda ay hindi ko iyon nakita sa kaniyang mukha.

"I'm okay," agap niya sa aking pag-aalala. Nang maayos na akong nakahiga sa kama ay bumaling ito kay Mister Grimaldi. "I want to speak with her alone."

Saglit akong tinapunan ng tingin ng matanda at nang wala itong mahanap na pagtutol sa akin ay tumango ito. "Sisigurihin ko mun ana nasa maayos na kalagayan ang mga panauhin. Ipatawag niyo ako kung may kailangan kayo," bilin nito bago lumabas ng silid.

Saglit na katahimikan ang sumunod na namayani sa aming dalawa. I almost laughed at him because it felt like a rewind of what had happened to me earlier that day. Hindi maipagkakaila ang pagkakaparehas nilang mag-ama.

"What's the matter?" he asked when he noticed my suppressed smile.

"Algernon Freniere talked with me this morning. You both commanded everyone out of the room as if you own everything," sagot ko.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Declan sa aking sinabi. Hindi ko maiwasan na mag-alala sa pagdilim ng kaniyang mukha. Paano kung dahil doon ay mawala na naman siya? Paano kung hindi pa siya handang pag-usapan ang tungkol sa kaniyang ama?

"Please... don't go," mahina kong pakiusap habang nag-uumpisa na naman na mangilid ang aking mga luha.

Agad din na lumambot ang pagtitig nito sa akin. Naupo siya sa gilid ng aking kama at sinalo ang nag-iisang butil ng luha na umalpas sa aking mata.

"I can't even if I want to," sagot niya.

Tila nabawasan ang bigat at sakit sa aking katawan sa narinig. Gayunpaman ay hindi ko kayang lubusang maging masaya dahil alam kong ang lumayo ang nais niyang gawin sa pagkakataong ito. Nakikita kong nahihirapan siya at para sa isang tulad niya na laging ikinukubli ang tunay na nararamdaman, sigurado akong iniinda niya ang pagkawasak ng kaniyang mundo.

"I always knew that I didn't belong with the Novous. I always felt different compared to them. There was this loathing and contempt in Lucius' eyes whenever he looked at me. And I couldn't understand at that time but I decided to get used to it. I fought every day. I survived every day. I lived believing that even though my life feels empty, atleast, I am a Novou." His hand clenched on his side as he continued. "But last night, everything I knew and believed turned into ashes."

Higit sa sino man ay nalalaman ko kung paanong maglaho sa mismong harap ko ang aking mundo. Tulad ito ng apoy sa mansiyon nang gabing mawala ang aking mga magulang. O ang pagkawasak ng maliit na kapilya sa school habang nalalaman ko na naroon ang isang kaibigan. All of it was threatening to change him and I knew how much he wanted to escape. And maybe, it was really better to escape for now.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now