Chapter 25: New Days, Old Soul

13.2K 780 613
                                    

CHAPTER 25: NEW DAYS, OLD SOUL



Wala na si Declan nang magising ako nang umagang iyon. Para siyang nilalang na bahagi ng kadiliman; sa pagsapit ng liwanag ay tinangay rin siya ng gabi. Ilang segundong nagtalo ang aking isipan kung panaginip lang ba ang mga nangyari. Subalit nakita ko ang mga walang laman na food containers sa desk – patunay na totoo ang lahat.


Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang araw na ito. Walang pagkain sa mesa. Wala rin akong pera. Wala akong ibang damit maliban sa suot kong t-shirt ni Declan. Puro alikabok at dumi ang malaking parte ng bahay. Kaya ko ba talagang mabuhay sa labas ng Devereaux Mansion?


Nasa gitna pa rin ako ng aking pag-iisip nang bigla kong marinig ang ingay at mga boses sa unang palapag ng bahay. Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga at kinakabahang hinintay ang papalapit na yabag sa aking silid. Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ang pinto at makita si Attorney Verja; may dala siyang ilang malalaking paper bags. Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago diretsong nagtungo sa desk at inilapag doon ang isa sa mga bags. Napakunot ang kaniyang noo nang makita ang mga walang lamang food containers.


"I thought you would be dying from starvation by now," komento niya.


Mabilis akong nag-isip ng isasagot. I couldn't just tell her about Declan's midnight visit.


"Food delivery. May natira pa pala akong pera sa bulsa ng jeans ko."


Ilang segundo niya akong tinitigan na parang pilit binabasa ang aking reaksyon. "There's breakfast in the paper bag. I also brought you some clothes. Eat and get ready for school," aniya at hindi na muling nag-usisa pa.


Agad akong kumilos at ginawa ang kaniyang mga sinabi. Pakiramdam ko ay pagagalitan niya ako kung mananatili pa ako ng ilang segundo sa kama. There were new sets of school uniforms, clothes, toiletries, and other necessary stuff in the paper bags. I had no idea how early she started the day considering that we just met yesterday. But then, maybe she knew all along that I would be coming to this house. Sa dami ng mga kakaibang bagay na nararanasan ko, hindi na ako magugulat kung katulad rin siya nina Declan.


Nang lumabas ako ng silid upang maghanda sa pagpasok ay may nakasalubong akong ilang tao na nakasuot ng uniporme ng isang cleaning company. Nakangiti nila akong binati at saka nagpatuloy sa paglilinis. Nagtataka akong lumabas ng bahay upang tanungin si Attorney Verja kung ayos lang na iwan ko ang Casa Eleonor sa mga estrangherong iyon. Subalit hindi ako kaagad nakapagsalita nang makita siyang naghihintay katabi ng isang magarang sasakyan.


"Do you know anything about cars?" tanong niya nang mapansin kung nasaan ang aking atensyon.


Wala akong masiyadong alam sa mga kotse maliban sa kulay ng mga ito at kung kumportable bang maupo sa loob. I really didn't care kung pag minsan ay iba ang ginagamit ni Mr. Alfred sa paghahatid at pagsundo sa amin sa school. But this one definitely piqued my curiosity. It was white and looked so elegant. It wasn't as striking as Detective Penber's Audrey Hepburn or had the daredevil impression of Declan's Ducati, but this car had its own personality. It made me think that if I would be driving a car, I will definitely wish for this one. Nang mapansin kong naghihintay pa rin si Attorney Verja sa aking sagot ay kunot-noo kong sinipat ang simbolo ng sasakyan.

Dark Fairytale (A Published Book Soon)Where stories live. Discover now