Chapter 20: Clock of Death

14.6K 982 243
                                    

CHAPTER 20: Clock of Death



Tatlong minuto.


Tatlong minuto lang na iniwan ng driver ng mga Bettencourt ang sasakyan upang gumamit ng comfort room. Subalit pagbalik niya matapos ang napakaikling oras na iyon ay ang sirang sasakyan ang kaniyang nadatnan. Hindi rin nakatulong ang pag-iimbestiga ng school. Walang nahagip sa CCTV ng parking lot. Walang kahina-hinalang tao ang nakitang pumasok ng school premises. Wala rin sa mga estudyante ng Elford High ang umamin o naging saksi sa pangyayari. At dahil walang nasaktan at hindi naman kawalan ang isang magarang sasakyan sa mga Bettencourt ay hinayaan na lang ito at itinuring na isang prank. Nagkasundo ang bawat panig na ipagbibigay-alam sa isa't isa kung sakaling magkaroon ng bagong impormasyon tungkol sa nangyari.


Maayos na ang lahat kahit papaano... maliban na lang sa ego ni Jareth.


Hindi pa rin maalis sa isip ko kung gaano kasama ang tingin na ipinukol niya sa amin ni Forest. Mas tumalim pa iyon nang dumating sina Declan at Lev kasama ng mga estudyanteng nakikiusyoso sa nangyari. Ngunit hindi niya maaaring isisi sa kahit sino sa amin iyon. Lahat kami ay nanggaling sa aming mga klase. Imposibleng isa sa amin ang may kagagawan nito.


Tatlong minuto. Paano nga ba naisagawa ng salarin ang bagay na ito sa loob lang ng tatlong minuto?


Agad na nakarating sa mansyon ng mga Devereaux ang nangyari sa parking lot ng Elford High. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na si Zoey na humahangos sa pagsalubong sa akin. I wasn't able to make it to the entrance of the mansion when she pushed me on my shoulder. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya ay nawala ako sa balanse at natumba. Gulat na napamaang ako sa ginawa niya.


"How dare you threaten Jareth like that!" galit niyang akusa.


"Hindi ko alam ang sinasabi mo," kunot-noo kong sagot.


Akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakatumba nang itulak niya akong muli. Naramdaman ko ang kirot na gumuhit sa aking kanang kamay dahil mali ang pagkakatuon nito sa lupa.


"You ruined Jareth's car to get back at us!"


Hindi ko alam kung bakit pinagbibintangan niya ako sa nangyari. No matter how disappointed or angry I was, I had never resulted in violence. I had never hurt anyone. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit naisip niyang kagagawan ko iyon.


"I didn't do anything, Zoey!" depensa ko sa aking sarili. "Kung ano man ang relasyon niyo ni Jareth ay wala akong balak na pakialaman o hadlangan iyon. Kaya hindi ko talaga magagawa ang sinasabi mo."


She scoffed in annoyance. "Perhaps, you can't. But your psychopath friends definitely can!"


Psychopath friends. Iyon ang malinaw niyang tawag sa mangilan-ngilang kaibigan na meron ako. Halos isang buwan pa lang simula nang makilala ko sila. Kung tutuusin ay masasabi kong hindi ko pa nga sila lubusang kilala. Pwedeng katulad ng dati ay balewalain ko na lang ang mga sinabi ni Zoey. Subalit sa pagkakataong iyon ay hindi ko nagawang pigilan ang galit na aking naramdaman sa aking dibdib. Gamit ang kaliwang kamay ay pinilit kong itayo ang aking sarili mula sa pagkakasalampak sa lupa at saka direkta siyang tiningnan sa kaniyang mga mata.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now