Chapter 41

206 9 0
                                    

Chapter 41

     Nang nakita na ni Reyna Urga na tagilid na talaga ang laban at unti-unti nang pumapanig ang kapalaran sa Kaharian ng Zafira ay hindi na siya nag aksaya pa ng panahon. Ginamit na niya ang kanyang hulingalas.

     Tinusok niya ang kanyang sandata sa lupa at mula rito ay kumuha siya ng lakas at kapangyarihan. Isang napakalakas na enerhiya at awra ang bumalot sa kanya hanggang sa ang sandata at siya ay naging isa. 

      Naging isang napakalaking dragon si Reyna Urga, sa pagkakataong ito sampung beses ang laki niya kumpara sa unang anyong dragon na kanyang nagawa. 

      Nagsiatrasan ang lahat maging ang kanyang mga hukbo.

Reyna Urga: Ngayon sabihin mo sa akin Prinsesa Adarna kung tabla pa rin ba ang laban.

      Nang biglang isang malaking boses ng lalaki ang narinig ng prinsesa.

      Adarna, maniwala ka sa iyong kakayahan. Maniwala ka sa  sinisigaw ng iyong kapalaran. Maniwala ka sa tiwalang binigay sa'yo ng mamamayan. Maniwala ka. Maniwala ka.

Prinsesa Adarna: Bathala?

       Biglang umilaw ang palad ng prinsesa.

Reyna Urga: Katapusan mo na!

      At hindi nagdalawang isip na pinakawalan ni Prinsesa Adarna ang kanyang puting kapangyarihan. Buong tapang niyang sinalubong ang malakas at malaking apoy na binuga ni Reyna Urga.

      Tabla ang laban sa pagsalubong ng dalawang kapangyarihan. Wala ni isa sa mga kasamahan nila ang makalapit sa dalawa dahil sa sobrang lakas ng pwersa at enerhiya na nakapalibot.

      Lahat ng kapangyarihan ng iyong mga ninuno Adarna na pumanaw na ay nasa sa iyo. May lakas ka ng siyam naput walong pinuno ng Zafira. Kaya maniwala at magtiwala kang mananalo ka.

      Pinikit ng prinsesa ang kanyang mga mata at pilit na prinuseso ang sinabi ng boses sa kanya.

      Tama, ako si Prinsesa Adarna, anak ni Haring Gordo at Reyna Aryana. Tagapagligtas ng mamamayan ng Kaharian ng Zafira at kapalaran ko ang matalo ang reyna ng kadiliman, si Reyna Urga!

       Wika niya sa kanyang isip.

       Sa muling pagbukas ng kanyang mga mata ay umilaw ang mga ito na kulay puti.

Prinsesa Adarna: Aaaahhhhh... katapusan mo na!

        Biglang nalampasan ng dalaga ang lakas ni Reyna Urga. Unti-unting umaatras ang apoy ni Reyna Urga hanggang sa....

        .... tuluyan na ngang nawasak ang apoy ng reyna.

        Bumalik sa kanyang dating anyo si Reyna Urga, hinang hina.

Prinsesa Adarna: Sumuko ka na Reyna Urga habang may puso pa akong patawarin ka.

Reyna Urga: Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa kahit na sino! Talo man ako ngayon, sa dulo, sa akin pa rin ang huling halakhak. Dahil isinusumpa ko ang buong Kaharian ng Zafira na sa oras na may isang dugong bughaw ang hindi sumunod sa kahit na anong batas na itinalaga ay magiging dahilan ito ng tuluyang pagwasak ng kaharian!

Prinsesa Adarna: Tama na!

          Sigaw ng dalaga sabay pugot ng ulo ng itim na reyna. 

          Sa pagkawala ni Reyna ay siya namang paglaho ng kanyang hukbo. Lahat sila ay natunaw at muling naging putik kung saan sila nagmula at nanggaling.

          Nagsigawan ang lahat at nagbunyi. Agad na tumakbo ang hari at reyna sa kanilang anak ganun din ang prinsesa sa kanyang mga magulang nang biglang....

          .... may kung anong itim na usok ang bumalot sa dalaga na naging dahilan ng pagbagsak niya sa lupa.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon