Chapter 12

301 12 0
                                    

Chapter 12

     Upang hindi siya mawala ay patuloy pa rin sa paglalakad ang binata pero marahan na marahan. Hila-hila niya pa rin ang kanyang kabayo habang wala naman siyang tigil sa kakahanap sa prinsesa.

Dalgus: Prinsesa Adarna! Prinsesa Adarna nasaan po kayo?! Kung naririnig niyo ko magsalita po kayo!

     Samantala, sa kaharian ni Reyna Urga ay binisita ng pinuno ang kanyang mga kawal na gagamitin niya sa oras ng digmaan.

     Mga kakaibang nilalang na may katawan ng tao pero may ulo ng hayop. Malalaki ang katawan, mabuhok, madudungis at mababaho. Ang mga Tayop. Mga taong hayop, mga nilalang na isinuka ng liwanag at isinilang ng kadiliman. Sila ay mga obra ng Dakilang Reyna Urga. Gamit ang itim na salamangka sa isang kweba sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang palasyo ay nagbibigay buhay siya sa sampung Tayop bawat araw. Mula sa malalalim na balon na puno ng dumi, putik at lupa lumalabas ang bagong silang na Tayop na tumutungtong sa hustong gulang pagkalipas lamang ng isang linggo. Sa oras na handa na ang isang Tayop ay sinasanay na ito sa pakikipaglaban at paggawa ng iba't ibang armas. Wala na silang ibang iniisip kundi ang makipag-away at pumatay.

Lathor: Kamahalan, ano ang nag-udyok sa'yo para bisitahin mo ako dito sa aking lungga?

Reyna Urga: Wala kasi akong magawa sa itaas kaya naisipan kung bumaba. Gusto kung makita ang aking mga lipon. Ang aking mga nilikha. Kay gaganda, kay lalakas. Masaya ako sa aking nakikita Lathor. Magaling, pinapahanga mo ako lalo.

Lathor: Sabi ko naman sa iyo hinding-hindi kita bibiguin at hinding- hindi ka magsisisi sa pagpili mo sa akin bilang iyong kanang-kamay at punong-kawal.

     Balik sa Mahiwagang Gubat... wala pa ring tigil ang binata sa kakahanap kay Adarna.

Dalgus: Mahal na prinsesa kung naririnig niyo ako, sundan niyo lang po ang aking boses!

     Nang biglang...

     Dalgus!

     Lumutang ang boses ng prinsesa sa kalagitnaan ng katahimikan.

Dakgus: Mahal na prinsesa! Nasaan po kayo?!

     Dalgus tulungan mo ako!

Dalgus: Mahal na Prinsesa!

     Tumakbo bigla ang binata nang naalala niyang muli ang babala sa kanya. Agad niyang tiningnan ang kanyang mga paa at halos lagpas na ito ng daan na dapat ay susundin niya. Bumalik siya sa tamang direksyon at naglakad muli habang walang tigil naman ang boses ng prinsesa sa kakatawag sa kanya.

     Dalgus parang awa mo na tulungan mo ako.

Dalgus: Hindi, hindi 'yan totoo. Tama na! Tama na!

     Wika ng binata sa kanyang sarili habang tinatakpan niya ang kanyang mga tenga ng kanyang mga kamay.

     Sa loob naman ng kagubatan ay naliligaw si Adarna.

Adarna: Ama?! Ama?! Nasaan ka?

     Nang isang pegura ang kanyang nakita hindi malayo sa kanyang kinatatayuan. Korteng lalaki na nakatayo na natatakpan ng kumakapal na ulap. Agad niya itong sinundan.

Adarna: Ama!

     Pero wala siyang nakita. Sa halip ay humawi ang ulap at isang munting bahay na gawa sa bato ang dingding at nipa ang bubong ang kanyang nakita. May lumalabas na usok sa ibabaw nito kaya naisip niyang may tao sa loob. Hindi nagdalawang isip na lumapit ang dalaga at pinuntahan nang tuluyan ang bahay na sumulpot na lamang sa lugar na iyon na parang kabute.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon