Chapter 35

198 8 0
                                    

Chapter 35

     Sa loob ng palasyo, sa harapan mismo ng trono ng hari't reyna....

Haring Gordo: Ano ang iyong pakay dito puting mangkukulam?

     Yumuko ang puting mangkukulam sa harapan ng mag-asawa bilang pagbibigay galang sa nakakataas sa kanya at siya'y tumayong muli.

Muwena: Ako po si Muwena Mahal na Hari  at nandito po ako dala ang kapayapaan para sa bawat isa sa inyo.

Reyna Aryana: Maraming salamat Muwena. Sabi ng isa sa mga guwardiya ay gusto mo raw akong makausap dahil may impormasyon ka raw na alam na higit na makakatulong sa amin.

Muwena: Opo Mahal na Reyna.

      Nagtinginan ang mag-asawa sa isa't isa.

Reyna Aryana: Sige, magsalita ka. Makikinig kami.

Muwena: Si Reyna Urga po ngayon ay gumagawa ng isang malakas na hukbo na binubuo ng mga itim na mga nilalang at isa na nga ko po rito ang aking kapatid. Pero nagawa niya lamang po ito para sa aking sariling kaligtagsan. Nangako na po kasi kami sa isa't isa na gagamitin lamang namin ang aming kakayahan sa panggagamot at proteksyon sa aming mga sarili. Pero dahil sa pagbabanta ni Reyna Urga ay napilitan siyang makipag-alyansa sa kanila.

Reyna Aryana: Hindi na talaga siya mapipigilan. Ang pagiging uhaw niya sa kapangyarihan ay umabot na sa sukdulan. Maraming salamat Muwena, anong gantimpala ang nais mong makamit?

Muwena: Handa ko rin pong ialay ang aking katapatan sa inyo Kamahalan at kapalit nito ay isang kahilingan.

Haring Gordo: Ano naman iyon?

Muwena: Ang kaligtasan ng aking kapatid. Huwag niyo po siyang sasaktan. Hayaan niyo po akong kausapin siya at kumbinsihin siyang pumanig sa atin. 

     Napangiti at napabuntong hininga bigla ang reyna sa hiling na hinihingi sa kanya ng kanilang bisita. Nakita niya ang tapat at tunay na pagmamahal na dumadaloy sa kanyang puso para sa kapatid.

Reyna Aryana: Kung ganon, binibigay namin ang aming salita sa iyo Muwena.

Muwena: Maraming, maraming salamat po Mahal na Reyna.

     Wika ng dalaga na medyo nangingiyak pa.

Reyna Aryana: Tinatawagan ang lahat ng miyembro ng kataas-taasang konseho, magkakaroon tayo ng pagpupulong!

      Anunsyo ng Mahal na Reyna sa lahat.

     Kinagabihan ay eksaktong dumating si Buwena sa palasyo ni Reyna Urga.

Reyna Urga: Maligayang pagdating sa aking palasyo Buwena. Lubos akong nasisiyahan nang ikaw ay aking nakita sa mismong harapan ko ngayong gabi.

Buwena: Isang karangalan rin po ang kayo'y pagsilbihan.

       Natuwa naman ang reyna sa sagot ng kanyang bisita.

Buwena: Ngunit... tutulungan ko lang po kayo sa isang kondesyon.

       Biglang natunaw ang ngiti sa mga labi ng Mahal na Reyna sa kanyang narinig.

Lathor: Hindi kailan man tatanggap ng kondesyon ang Mahal na Reyna!

       Sasampalin na sana ni Lathor si Buwena nang biglang....

Reyna Urga: Lathor! Tama na 'yan.

       Napaatras naman bigla ang kawal habang matulis ang titig sa kanya ng itim na mangkukulam.

Reyna Urga: Sige Buwena, magsalita ka. Ano iyon?

Buwena: Kaligtasan ng aking kapatid na si Muwena. Na kahit kailan man ay hindi ninyo siya isasali sa inyong puot para sa mga diwata.

Reyna Urga: Kaligtasan ba kamo? Hhhhmmm... sige pagbibigyan kita.

Buwena: Maraming salamat po Mahal na Urga, nakakatiyak po kayong hindi ko po kayo bibiguin.

      Hangga't hindi makikialam ang kapatid mo ay mananantili pa siyang buhay.

     Wika ng reyna sa kanyang isip.

Reyna Urga: Lathor, ihatid mo na ang ating bisita sa kanyang silid para makapagpahinga.

Lathor: Opo, Mahal na Reyna.

       Yumuko muna sina Lathor at Buwena sa harapan ni Reyna Urga bago nila nilisan nang tuluyan ang harapan ng trono.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon