Chapter 19

250 13 0
                                    

Chapter 19

         Habang pinagpapatuloy ng iba ang kasiyahan sa labas ay pumasok naman ang apat sa loob ng isang kubo kung saan matatagpuan ang trono ng pinuno.

Apa Simala: Mabuti na lamang at napadaan ang aking apo at mga kasama niyang mga kawal sa batis na iyon. Parang pumapasainyo ang kapalaran. Ano ang nag-udyok sa inyong huminto sa lugar na iyon? Saan kayo papunta at saan kayo nanggaling?

    Tanong ng matanda na nasa edad 80 na habang ang kanyang magandang apo ay nasa paanan niya, nakaupo sa sahig.

Dalgus: Nasa kalagitnaan kami ng aming paglalakbay nang madaanan namin ang batis. Labis kaming nauhaw at napagod ng mga oras na iyon kaya huminto muna kami panandalian para makapagpahinga at makainom ng sariwang tubig. Nagmula pa kasi kami sa Gubat ng Amarakim.

Lima: Gubat ng Amarakim, nakalabas kayo nang buhay sa gubat na iyon?

Apas Simala: Iisa lamang ang ibig sabihin ng kanilang matagumpay na pagdaan sa naturang gubat. Busilak ang kanilang puso at malinis ang kanilang hangarin.

Prinsesa Adarna: Ang Butihing si Belendez po ang tumulong sa amin, ang engkantadang tagapangalaga ng gubat. Siyanga po pala, ano po bang klaseng mga nilalang ang nasagupa namin kanina?

Apa Simala: Mga kataw, kalahating babae, kalahating isda.

Lima: Diyosa sa mata ng mga kalalakihan habang halimaw sa prisensya ng mga kababaihan.

Apa Simala: Wala silang tanging hangad kundi ang mga kaluluwa ng kahit na sinong lalaki na maligaw sa mapang-akit na batis na iyon na siyang balwarte nila.

Lima: May isang katanungan pa ang hindi niyo nasasagot, saan kayo papunta?

    Nagtinginan ang dalawang bisita sa isa't isa maging ang mag-lola.

    Tumayo ang binata sa kanyang pagkakaluhod at nagpakilala.

Dalgus: Ako po si Dalgus, ang Punong-Kawal ng Kaharian ng Zafira at siya naman po si Prinsesa Adarna ang tagapagmana sa trono ng naturang kaharian.

    Sabay tayo ng dalaga.

    Nanlaki ang mga mata ng dalawa.

Apa Simala: Ang nawawalang prinsesa... ay nagbabalik na.

Lima: Para tuparin ang nakasaad sa propesiya.

Apa Simala: Ang iligtas ang mundo sa kuko ng kadiliman.

    Biglang lumuhod ang dalawa at yumuko.

    Isang karangalan ang makatulong at makasama ka Mahal na Prinsesa Adarna.

    Wika nina Apa Simala at Lima.

Prinsesa Adarna: Akin ang karangalan. 

    Sagot naman ng prinsesa.

   Nang biglang may malakas na pagsabog ang kanilang narinig mula sa labas.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon