Chapter 2

751 25 0
                                    

Chapter 2

     Makalipas ang walong taon, tahimik na naninirahan ang babaeng nagngangalang Aryana kasama ang sanggol na bitbit niya noong gabing 'yun sa mundo ng mga mortal, ang Kaharian ng Berbanya.

     Sa loob ng maraming taon ay ligtas at walang gulo ang dumapo sa mag-ina sa kanilang pamamalagi malayo sa kanilang totoong lupain. Walang nakakaalam kung saan sila galing at kung ano talaga sila. Nagawang itago ni Aryana ang kanyang kapangyarihan at mga kakaibang kakayahan sa ibang tao maging sa nag-iisang anak niya na si....

Aryana: Adarna!

Adarna: Ina!

     Lumaking maganda at mapagkaibigan ang batang kanyang itinakas sa kamay ng mga kakaibang nilalang na humabol sa kanya noong gabing 'yun.

Adarna: Ina bakit po?

Aryana: Tama na 'yang laro. Pumasok ka na ng bahay at kakain na tayo mamaya. Magdidilim na kaya sige na. Maghugas ka ng mga kamay at paa tapos hintayin mo ako sa loob. Tatapusin ko lang 'tong pagsasampay ko.

Adarna: Opo.

     Lumaki din siyang, mabait, magalang at mapagmahal sa kanyang kapwa.

     Kinagabihan, habang naghahanda ng hapunan si Aryana para sa kanilang dalawa ng kanyang anak at si Adarna naman ay nakaupo sa mesa naghihintay sa kanyang ina ay biglang nagtanong ang bata na ikinagulat ni Aryana.

Adarna: Ina saan po ba aking ama?

     Nabitawan bigla ni Aryana ang hawak-hawak niyang sandok at napaso sa mainit na singaw na nanggagaling sa kakaluto lamang na kanin.

Adarna: Ina!

     Napatakbo si Adarna sa kanyang ina at ito'y kanyang inalalayan.

Adarna: Ina umupo po muna kayo.

Aryana: Bakit mo naman natanong 'yan?

Adarna: Kasi po ang mga kaibigan ko po kapag nag-uusap sila tungkol sa pamilya ako lang ang walang maikwento tungkol sa aking ama. Ano po ba talaga ang nangyari sa kanya? Buhay pa po ba siya?

Aryana: Hindi ka ba masaya na tayo lang dalawa? Hindi na ba sapat ang pagmamahal na binibigay ko sa'yo?

Adarna: Hindi naman po sa ganun ina. Kaya lang gusto ko lang pong malaman ang totoo.

Aryana: Sige, pero hindi na muna ngayon. Naiintindihan mo naman ako 'di ba?

Adarna: Opo ina.

     Niyakap ng anak ang kanyang ina na punong-puno ng pagmamahal.

Aryana: Kunin mo na 'yong kanin para makakain na tayo.

Adarna: Opo.

   Sa hapagkainin ay masayang nagkwentuhan ang mag-ina tungkol sa mga bagay-bagay na kanilang nagawa maghapon.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon