Chapter 37

210 8 0
                                    

Chapter 37

     Samantala....

     Sa likod ng kaharian lumabas si Ravu at hindi niya alam na sinusundan pala siya ni Wail.

Wail: Saan sa tingin mo ikaw ay pupunta?

Ravu: Wail, kaibigan. Kung saan man ako patutungo ay wala ka na roon.

Wail: Kailangan ka ngayon ng ating kaharian.

Ravu: Hayaan mo na akong umalis kaibigan upang wala nang gulo pang mangyayari.

Wail: Matagal nang magulo rito sa ating kaharian dahil sa mga nilalang na tulad mo... traydor!

Ravu: Kung ganoon, wala na akong magagawa kundi gawin ito.

     Biglang hinarap ng puting salamangkero ang kayumangging salamangkero at  agad niyang pinakawalan ang kanyang hindi nauubos na mga baraha na lumalabas sa kanyang braso na hinahagis naman ng kanyang mga kamay. Mga baraha na kasing tulis ng isang punyal.

     Hindi naman patitinag ang isa, gamit ang kanyang kakayahang kontrolin ang mga halaman ay mula sa lupa ay napapatubo niya bigla ang mga sanga na na siyang sumasalo naman sa mga baraha ni Ravu. 

     Tumakbo papunta kay Ravu si Wail habang patuloy niyang pinapatubo ang mga sanga bilang panangga niya sa mga nagsisiliparang mga baraha. 

     Nang nakita na ni Ravu na wala nang panama ang kanyang mga baraha sa mga tanim ni Wail ay agad niyang pinakawalan ang kanyang kapangyarihan na siya nagpatalsik sa matandang salamangkero. Agad namang gumanti ang isa at tumilapon rin si Ravu sa lupa. Nang nakatayo sila pareho ay agad nilang pinakawalan muli ang kanilang kapangyarihan at nagsalubong ang mga ito.

     Balik kay Buwena....

     Isang engkantasyon muli ang kanyang sinambit.

     Vita de vie de intuneric auzi vocea mea. Creste!

     Mula sa kailaliman ng lupa ay biglang tumubo ang mga maiitim na mga sanga na tila may sariling mga pag-iisip.

Buwena: Dinggin niyo ang boses ko. Sundin niyo ang loob ko. Huwag niyo hayaang makapasok ng kagubatan ang mga kawal ng Zafira!

     Tumaas pa lalo ang mga halaman at pilit na hinuhuli ang mga Pegasus na sakay ang mga kawal. Dahil rito ay hindi sila makaabante at sa tuwing pinuputol nila ang mga ito ay tumutubo itong muli.

Adano: Ako na ang bahala sa pangahas na mangkukulam na iyan.

Muwena: Huwag! Nangako kayo sa aking hindi niyo siya sasaktan. Hayaan niyo akong kumbinsihin siya.

     Tumingin ang pinuno ng Kagalang-galang na Apat na Matatanda at Matatalinong Salamangkero ng Kaharian ng Zafira sa Mahal na Reyna. Binigay naman ni reyna ang kanyang mensahe na tuparin ang usapan sa pamamagitan ng pagtango ng kanyang ulo.

     Agad na sumakay sa kanyang mahiwagang walis ang puting mangkukulam at pinuntahan ang kapatid. Hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ni Buwena ay sumigaw si Muwena.

Muwena: Buwena kapatid ko! Tama na yan!

Buwena: Muwena anong ginagawa mo rito?!

Muwena: Nandito ako para iligtas ka mula sa kabaliwan mo! Tigilan mo na to!

Buwena: Patawarin mo ako kapatid ko pero hindi ko pwedeng gawin yan!

     Mas lalo pang pinarami ni Buwena ang mga nagsisitubong mga halaman para mas lalong mahirapan ang mga kawal.

Muwena: Buwena!

      Pero ayaw pa rin makinig ni Buwena sa kanyang kapatid.

Muwena: Kailangan ko 'tong gawin para na rin sa iyo.

     Wika ng dalaga sa kanyang isipan. 

     Foc iesi afara auzi mele voce. Viraj in sarpe. Atac lor!

     Bumalik ang serpenteng apoy at inatake ang mga halaman ni Buwena.

Buwena: Aaaahhhhh... Muwena anong ginagawa mo? Aaaahh!

      Agad na nilisan ni Buwena ang lugar sa pamamagitan ng pagsakay ng kanyang mahiwagang walis.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon