Chapter 11

354 12 0
                                    

Chapter 11

     Kinabukasan....

Dulgas: Magandang araw Kamahalan. Ipagpaumanhin  niyo pero kailangan na po nating umalis. Mahaba-haba pa po ang ating lalakbayin. Pero bago po 'yan eh kumain po muna kayo. 

     Binigyan ng binata ang kagigising lamang na dalaga ng tinapay at tubig. Pagkatapos nilang maghanda ay agad silang umalis at naglakbay muli patungo sa palasyo gamit muli ang puting kabayo. Mula sa tuktok ng burol ay bumaba sila at dumaan sa isang malawak na kapatagan. Sa itsura pa lang ng mga damo ay masasabi mong masigla at puno ng buhay ang paligid. Napakaberde ng mga dahon sa lupa. Magaganda at makukulay ang mga bulaklak na tumutubo. Maraming iba't ibang insekto na nakadapo sa mga halaman. May paru-paro, may tutubi, may kulisap, may gagamba at tipaklong. Hindi maalis-alis ang mga mata ng dalaga sa kakatingin sa lugar na kanilang nadadaanan. Wala ring tigil ang ngiti sa kanyang mga labi. Napakasariwa ng hangin na kanilang nalalasap at humahalik sa kanilang mga pisngi. May limang agila ang biglang sumabay sa dalawa na lumilipad sa kanilang itaas, na tila sinasamahan sila sa kanilang paglalakbay. Hiyaw ito nang hiyaw na parang bumabati ng magandang araw hanggang sa umalis ang mga ito at lumipad nang mas mataas pa. Bigla ring may grupo ng mga usa ang nagsisitakbuhan na tila nakikipagkarera sa kanilang dalawa. Nabigla ang dalaga pero napalitan ito agad ng saya nang makita niya ang bilang ng mga ito. Nasa mahigit-kumulang ay limampung usa ang sumasabay sa kanila. Dahil nga sa bilis ng mga naturang hayop ay nauna na rin ang mga ito sa kanila. May bahagi sa kapatagan na puro bulaklak. Iba't ibang bulaklak na nagsisikumpulan sa iisang lugar. Dumaan sila rito at milyong - milyong puting paru-paro ang nadisturbo at nagsisiliparan. Napakaganda nilang tingnan dahil sumasabay sila sa lakas ng hangin na parang nakikipag sayaw.

     Hindi maipaliwanag ng dalaga ang sayang naidudulot sa kanya ng ganda ng kalikasan. Hanggang sa narating nila ang Mahiwagang Gubat. Sa bukana ng naturang lugar ay bumaba si Dalgus mula sa sinasakyan niyang kabayo at hinila na lang niya ito habang nakasakay pa rin si Adarna.

Prinsesa Adarna: Nasaan na tayo Dalgus?

Dalgus: Nandito na po tayo sa Amarakim ang Mahiwagang Gubat Mahal na Prinsesa.

Prinsesa Adarna: Mahiwagang Gubat? Bakit ito tinawag na Mahiwagang Gubat?

Dalgus: Marami na po kasi ang pumasok rito na hindi na po natagpuan ulit. Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanila.

Prinsesa Adarna: Delikado pala dito eh bakit dito tayo dumaan?

Dalgus: Masyado na po kasing malayo kung iikot pa po tayo  sa Kapatagan ng Natibis. Mas lalo pong tatagal ang pagdating natin sa 'yung ama at ina.

Prinsesa Adarna: Hindi ba pwedeng gumawa na lang tayo ng portal para marating natin ang ating destinasyon agad-agad?

Dalgus: Tanging mga makapangyarihang diwata lamang po ang nakakagawa ng portal at matagal po ang prosesa niyan. Meron din po namang portal na pwedeng gamitin ng kahit na sino, matatagpuan ito sa Gubat ng Lagusan kaya lang wala akong medalyon na  siyang tanging susi ng pinto papunta sa lugar na inaasam ng ating mga puso.

Prinsesa Adarna: Baka hindi na rin tayo makalabas rito.

Dalgus: Ang tanging paraan para matagumpay tayong makakalabas rito ay huwag na huwag tayong hihinto at sundan lang natin ang daan na ito. Sa oras na sundin natin lahat ng 'yon ay tiyak makakalabas tayo sa lugar na ito na humihinga pa rin.

Prinsesa Adarna: Ganun ba? O sige.

     Sa itsura ng lugar ay parang pangkaraniwang gubat lamang ang Amarakim. Matataas at masisigla ang mga puno maging ang mga maliliit na mga halaman sa paligid. Mahangin, tahimik at mapayapa. Walang imikan ang dalawa habang tinatahak nila ang daan patungong labasan. Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay bigla na lamang may tumawag sa pangalan ng dalaga.

     Adarna.

Prinsesa Adarna: Narinig mo 'yon?

Dalgus: Ang alin po?

Prinsesa Adarna: May tumawag sa aking pangalan.

Dalgus: Ipagpaumanhin niyo pero wala po akong narinig.

     Nang lumabas muli ang boses.

     Adarna.

     Sa pangalawang pagkakataon ay naging pamilyar sa tenga ng dalaga ang boses na tanging siya lamang ang nakakarinig.

Prinsesa Adarna: Ama?!

Dalgus: Kamahalan?

Prinsesa Adarna: Dalgus nandito ang aking ama. Nandito siya para tulungan at iligtas tayo.

     Biglang tumalon mula sa sinasakyang kabayo ang dalaga.

Dalgus: Kamahalan ano po ang ginagawa niyo?

Prinsesa Adarna: Hanapin natin ang aking ama.

     Bigla na lamang tumakbo si Adarna at lumagpas sa daan na kanilang tinatahak.

Dalgus: Kamahalan huwag!

     Pagkatapos lamang ng ilang segundo ay nawala agad sa makapal na usok si Adarna at hindi na makita-kita ng binata.

Dalgus: Prinsesa Adarna!

     Nawala siya na parang bula.


Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon