Mensahe ng Sumulat

1.6K 34 0
                                    

Sa Aking mga Minamahal na Mambabasa,

Masaya at ipinagmamalaki kong inihahandog sa inyo ang aking bagong aklat bunga ng isang matagumpay at kilalang kwento na noon pa man ay ibinabahagi na sa bawat Pilipino, mapabahay man o eskwelahan.

Ang kwentong ito ay walang kahit na anumang layunin na baguhin ang orihinal na gawa ng Ibong Adarna na kilala rin sa tawag na "Corrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlóng Prinsipeng Magkakapatid na Anak ng Haring Fernando at ng Reyna Valeriana sa Kaharian ng Berbanya" noong panahon ng Kastila.

Ang tanging misyon ng kwentong ito ay pagandahin pa lalo ang makulay at masayang mundo ng Ibong Adarna.

Halina't buksan ang libro kong ito na puno ng mga nilalang na kakaiba, mga hiwaga at salamangka.

Nawa'y magustuhan ninyo.

Ang pagpapala at pagkilala ay ibinabalik ko lahat sa Poong Maykapal.

Sumasainyo,

Elthon B. Cabanillas

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon