Chapter 20

251 12 0
                                    

Chapter 20

     Lumabas ang apat mula sa kubo ng pinuno at sumalubong sa kanila ang nag-aapoy na Tribu Dukati. Mabilis na kumalat ang apoy sa paligid. Kinakain nito ang mga kubo ng mga Amazona, mga tulay, ang entablado, maging ang mga puno na nakapaligid ay walang ligtas.

     Isang babaeng kawal ang lumapit kay Apa Simala.

Apa Simala: Anong nangyayari?

Babaeng Kawal: May bigla na lang pong pumasok na isang mapangahas na lalaki sa ating balwarte. Mula sa puno ay tumalon siya sabay hagis ng pampasabog.

     Sa malayo ay pilit namang pinipigilan ng mga kawal ang sinasabing lalaki pero hindi umubra ang kanilang galing sa pakikipaglaban. Lahat sila ay napaslang ng hindi pa nakikilalang lalaki. Mabilis siya at malakas. Halatang sanay sa pakikipaglaban at bihasa sa paghawak at paggamit ng kanyang dalawang punyal na dala.

     Napansin ng apat na papunta sa kanila ang lalaki. Lahat ng pumipigil at sumasalubong sa kanyang dinadaanan ay walang kawala sa kanyang pagiging uhaw sa pagpatay. Nang hawiin ng malakas na hangin ang usok na bumabalot sa paligid ay nalahad ang pagkatao ng lalaki.

Dalgus: Si Amir. Pinupunterya niya ang prinsesa!

Lima: Umalis na kayo! Bilis!

Prinsesa Adarna: Paano kayo?

Lima: Kami na ang bahala rito. Sige na!

Prinsesa Adarna: Pero?

Apa Simala: Kamahalan, mas kailangan ka ng nakararami. Kailangan ka ng mundo. Sige na.

     Mahinahong pagpapaliwanag ng matanda sa tagapagligtas.

Dalgus: Mahal na Prinsesa tayo na po.

     Nasasaktan at luhaan na umalis ang prinsesa ng Tribu Dukati. Ang mga taong nakasama niya lamang sa maiksing panahon na tinuring na niyang mga kaibigan ay kailangan niyang iwan para sa misyong naghihintay sa kanya sa hinaharap. Mga kaibigang handang ialay ang kanilang buhay maligtas lamang siya.

     Hindi niya maiwasang lumingon paminsan-minsan habang lumalayo siya sa lugar na tinuring na niyang tahanan. Habang nakikita niyang nakikipaglaban ang mga Amazona sa dapat ay laban niya. Dahil sa hindi pa siya handa, kailangan niya munang umasa sa lakas ng iba.

     Samantala, pinagtulungan naman ng mag-lola si Amir. Kailangan nilang mapigilan ang kriminal sa abot ng kanilang makakaya. Kailangan nilang mabigyan ng sapat na panahon si Dalgus para maitakas ang prinsesa at madala sa malayo at ligtas na lugar.

     Sa kabila ng kagalingan ng mag-lola sa pakikipaglaban ay nagawang makipagsabayan sa kanila si Amir. Dalawa laban sa isa. Halos pantay ang kanilang liksi at lakas. Sa kabila ng edad ni Apa Simala ay kitang-kita sa kanya ang kanyang husay na mas matindi pa kumpara sa kanyang apo. Pero sa kasamaang palad hindi ito umubra kay Amir.

     Nang nakakita nang pagkakataon ang mapangahas na binata ay hindi siya nagdalawang isip na itaga sa tigiliran ng matanda ang isa sa kanyang mga punyal.

     Nagulat si Lima sa nangyari at biglang nawala ang kanyang atensyon sa kalaban na siyang naging dahilan ng kanyang pagtilapon nang sipain siya nang napakalakas ni Amir.

     Nang napatumba na ni Amir ang dalawa ay agad niyang sinunggaban ang pagkakataong tumakas.

     Kahit mahina na ay pilit pa ring bumabangon si Lima at gumagapang papunta sa kanyang lola, sugatan ang puso.

Lima: Lola...!!!

     Hindi siya huminto hanggang sa umabot siya at niyakap ang naghihingalong mahal sa buhay.

Lima: Lola...

Apa Simala: Apo, ma... makinig, ka, kang mabu... ti. Ipanga... ko, ko, mo sa a... kin na iaalay mo... rin ang, ang buhay mo sa, ka, kalig, tasan ng prinsesa.

Lima: Opo, opo lola. Pinapangako ko po. Sa ngalan ng buong lahing Amazona.

     Sagot naman ng apo habang walang tigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Apa Simala: O, oras... na.

     Ang huling sambit ng matanda sa kanyang apo sabay bigay ng kanyang tungkod sa kanyang nag-iisang tagapagmana.

Lima: Lola? Lola? Lola...!!!

     Kumulog nang napakalakas sa pagpanaw ng pinuno ng mga Amazona habang si Prinsesa Adarna naman ay hindi matanggal-tanggal ang mga mata sa kung saan sila nanggaling sakay ng kanilang kabayo... papalayo.

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon