Chapter 16

287 13 0
                                    

Chapter 16

     Biglang napahinto ang matanda. Biglang naging seryoso ang kanyang mukha at unti-unting nabubuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Prinsesa Adarna: May problema po ba? Kung hindi niyo po kayang ipagpatuloy ay....

Belendes: Hindi, kailangan ko ito. Kay tagal na ring wala akong nakakausap na puso sa puso at alam kung kailangan ko 'to. Kailangan kong ibahagi ito sa iba para maibsan man lang ang tinik sa aking dibdib.

Hindi na nakasagot muli ang dalaga at naghintay na lamang sa sasabihin ng kanyang kausap.

Balik-tanaw:

     Hindi ko akalain na sa aking pag-alis ay makikita ko ang tunay na pagkatao ni Rando. Habang wala ako sa aking bahay ay gumala naman siya sa buong kabahayan. Tiningnan niya ang bawat bagay-bagay na makikita niya lalo na ang mga bagay na hindi niya pa nakikita sa buong buhay niya hanggang sa napansin niya nga ang lumang baol. Ang parehong baol na nakita mo kanina na naglalaman ng kayamanan. Binuksan niya ito at gaya ng inaasahan, nagulat at nabighani rin siya ng nasa harapan niya. Halos maluha-luha siya sa kanyang nakita. Nang naramdaman niyang parating na ako ay kinuha niya ang Puting Perlas ng Itim na Sirenang si Rakum na kasing laki ng kamao ng pangkaraniwang tao. Itinago niya ito sa supot na kanyang dala-dala. Sa aking pagdating ay nadatnan ko siya sa kung saan ko siya iniwan, sa aking silid, mahimbing na natutulog. Pero sa aking pagdating ay may kakaiba na akong nararamdaman. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Pumunta akong kusina at nagluto nang makakain para sa parating  na gabi. Nang nakahanda na ang mesa ay ginising ko siya at sa kanyang paggising ay bigla siyang nagpaalam. Ang sabi niya nakalimutan niya raw na may mahalagang okasyon daw siyang pupuntahan sa bayan at kailangan niya daw talagang dumalo. Pumayag naman ako, kaya noong gabing 'yun na sana ay magiging espesyal ay nauwi sa wala. Sa kanyang pag-alis ay may napansin akong hindi tama sa aking lumang baol, nahulog ang pulang tela na sinadya kong ilagay sa likurang bahagi ng takip na sa oras na may gumalaw ay tiyak mahuhulog ang naturang bagay sa sahig. Agad kong pinuntahan ang baol at tiningnan hanggang sa napansin ko nga na nawawala ang puting perlas. Parang nadurog ang aking puso nang pinong-pino. Para akong pinagsakluban ng langit. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa bukana ng kagubatan. Bilang tagapagbantay  at tagapangalaga ng Amarakim ay hindi ako pwedeng lumagpas ng aking balwarte, kung hindi ay magiging mortal ako. Maiiwan ang aking puting imahe na kung tawagin ay kaluluwa sa mundo ng mga tao. Pero kailangan kong lumabas ng gubat at bawiin ang puting perlas kay Rando kung hindi  ay mamamatay ang buong kagubatan ng Amarakim. Sa aking paghakbang sa lupain sa labas ng gubat ay agad na humiwalay sa akin ang aking kapangyarihan at kakayahan. Para akong banga na walang lamang tubig sa loob. Agad akong tumakbo at umaasang maabutan ko pa ang kanyang sinasakyang kabayo. Gamit ang katawang tao ay tinakbo ko ang mabato at maalikabok na kalsada hanggang sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Rando. Tinawag ko ang kanyang pangalan at agad naman siyang huminto. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang pagod akong nakarating sa kanya. Hindi ako nakapagsalita agad, pilit ko munang hinahabol ang aking paghinga. Hanggang sa bumalik nang muli ang aking lakas. Tinanong niya ako kung may problema at hindi ako nag dalawang-isip na tanungin siya kung kinuha niya ba ang puting perlas sa loob ng baol. Walang takot naman niyang inamin ang kanyang nagawa. Nagmakaawa ako sa kanya na ibalik na niya ang kanyang ninakaw at pilit na pinapaunawa sa kanya ang magiging kahihinatnan ng kanyang pagkakasala. Pero hindi niya ako pinakinggan. Sumakay siyang muli sa kanyang alagang kabayo, niyakap ko ang kanyang binti para hindi siya makawala. Para akong pulubing namamalimos sa isang marangyang tao. Pero tuluyan nang nasilaw at nabulag ang Randong nakilala ko sa kayamanang kanyang nakita at nahawakan. Tinulak niya ako nang malakas na siyang naging dahilan ng aking pagyakap at paghalik sa lupa. Hanggang sa tuluyan na niya akong iniwan sa gitna ng kalsadang 'yun. Puno ng dumi, pawis at luha ang aking katawan. Umuwi at bumalik ako sa gubat bitbit ang galit at puot sa aking buong pagkatao. Nang bumalik na ang kapangyarihan ko ay biglang kumulog nang napakalakas maging ang hangin, na para bang may bagyong paparating. Pinaramdam ko sa lahat ang sakit na aking nararamdaman maging ng mga tao sa bayan. Alam kong hindi pa nakakalayo si Rando kaya pinadala ko ang osong umatake sa kanya noon. Pinalabas ko ito ng kagubatan at inutusang atakihin at lapain ang lapastangang mortal. Hindi naman ako binigo ng aking alaga, naabutan niya si Rando at kinain ng buhay ang may sala. Bumalik siya sa akong piling bitbit ang puting perlas. Kaya simula noon, isinumpa ko na tanging may busilak na puso lamang ang makakalabas ng buhay  sa Gubat ng Amarakim. Sa bawat nilalang na may pusong binabalutan ng maitim na hangarin ay hindi na muling makikita pa ang pagsikat ng araw. Sa paglaya ng aking sumpa ay unti-unting nawala ang aking pagkabata. Kumulubot ang aking balat, pumuti ang aking buhok at tuluyan nang naging matanda. Dahil sa rami ng kapangyarihan na rin na aking nagamit sa pagbalot ng buong lugar ng aking binitawang sumpa.

Balik sa kasalukuyan:

Prinsesa Adarna: Kinalulungkot kong marinig ang nangyari sa inyo noon.

Belendes: Kay tagal na rin na wala akong nakakausap na tulad ng ganito.

Prinsesa Adarna: Masaya po akong pinagkatiwalaan niyo po ako na marinig ang inyong sikreto. Maraming salamat po.

Belendes: Maraming salamat rin.

     Nang biglang maalala ng dalaga ang kanyang kasamahan.

Prinsesa Adarna: Ha! Si Dalgus!

Belendes: Ay oo nga pala!

     Maging ang matanda ay nakalimutang may pinatulog siya.

Belendes: Hala sige, maglakbay na kayong muli.  

     Sa iyong ikasampung hakbang mula sa pintuan ng aking tahanan, kayo'y makakalabas nang ligtas at magpapatuloy sa paglalakbay patungo sa inyong paroroonan.

     Basbas ng matanda sa dalaga.

Belendes: Hala sige, lakad na.

     Agad na lumabas ang Mahal na Prinsesa, nagpaalam at nagsimulang maglakad papalayo sa bahay na puno ng lungkot at galit.

     Pero sa kanyang pang-siyam na hakbang siya'y huminto at hinarap muli ang bagong kaibigan.

Prinsesa Adarna: Nawa'y makita mong muli ang saya at pagmamahal na siyang naging lakas mo noon. Matagpuan ang pagpapatawad sa iyong puso na siyang tanging susi ng iyong kalayaan.

     Wika ng dalaga kasabay ng isang ngiting humawi sa makapal na usok na bumabalot sa buong kapaligiran.

     Muli siya'y naglakad, hanggang sa....

     Dalgus. Dalgus. Dalgus gising na. Dalgus...

     Tawag ng dalaga sa kasamahan na mahimbing na natutulog gamit ang isang malaking bato bilang unan niya.

Dalgus: Anong nangyari?

Adarna: Nakatulog ka nang mahimbing. Tayo na? Magpatuloy na tayo sa ating paglalakbay.

     Walang kahirap-hirap na sumakay ng kabayo si Prinsesa Adarna nang mag-isa habang napakamot na lang sa ulo ang kanyang kasama.






Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon