Chapter 22

257 10 0
                                    

Chapter 22

     Nagkakainitan na ang dalawa sa gitna ng kanilang bakbakan. Binubuhos na nila ang kanilang buong lakas sa isa't isa. Ang kanilang buong galing at kakayahan. Naging patas ang laban sa loob ng ilang minuto nilang pag-eespadahan pero hindi ito nagtagal. Nawala sa isip ni Dalgus na hindi lang iisa ang dalang sandata ni Amir. Wala siyang kaalam-alam na nagplaplano na palang gamitin ng kanyang kalaban ang kanyang natitirang punyal. 

     Kaya naman nang nakakita siya ng pagkakataon ay agad niyang ginawa ang kanyang binabalak. Hinugot niya ang kanyang punyal na nasa kanyang braso at itinaga ito sa dibdib ng binata habang pinipigilan nila ang isa't isa gamit ang kani-kanilang mga naglalakihang espada.

     Nagulat ang kawal sa ginawa sa kanya ng kriminal. Napaatras na lamang siya habang hawak-hawak niya ang punyal ng kanyang kanang kamay at hinugot ito mula sa kanyang dibdib. Agad na umagos ang dugo sa kanyang bibig. Agad na nadungisan si Dalgus ng kanyang sariling dugo. Bumagsak ang wala nang kalaban-labang kawal sa lupa habang pilit na lumalaban pero sa pagkakataong ito ay kay kamatayan naman.

     Iiwan na sana ni Amir si Dalgus at magpatuloy sa paghabol sa prinsesa pero namalayan niya ang paparating na mga babae na siyang tutulong sana kay Dalgus. Kaya wala siyang nagawa kundi ang umatras.

     Huli na ang lahat nang dumating ang mga bughaw na mga babae. Naghihingalo na ang binata hanggang sa tuluyan na nga siyang binawian ng buhay. Sa pagtapak sa lupa ng mga babae ay siya namang dating ng daang-daang puting paru-paro na umiilaw ang mga pakpak sa bawat hampas ng mga ito. Pinalibutan ng mga paru-paro si Dalgus at pagkatapos lamang ng ilang segundo ay nawala na parang bula ang binata kasabay ng paglipad muli ng mga paru-paro papalayo sa naturang lugar.

     Samantala, si Prinsesa Adarna naman ay inaasikaso ng kanyang bagong kakilalang nilalang sa loob ng isang matayog na puno sa gitna ng isang gubat. 

     Ako nga pala si Muerta, pinuno ng mga Lambana.

Prinsesa Adarna: Lambana?

Muerta: Mga diwatang mandirigma. Kami ay mga kalahi niyo at tulad ng mga Amazona isinilang kaming lumalaban ang kaibahan nga lang ay mga mortal sila.

     Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa ay dumating ang mga Lambanang pinadala ni Muerta para tulungan si Dalgus.

     Pinunong Muerta.

     Wika ng isa sa kanila.

Muerta: Anong nangyari?

Prinsesa Adarna: Si Dalgus?

     Pero wala nang salita pang narinig ang dalawa mula sa lima, sa halip ay isang espada na lamang ang inabot sa mahal na prinsesa bilang sagot sa kanyang katanungan.

     Tinanggap ito ng dalaga at napaluhod sa kinatatayuan niya. Luhaan, nasasaktan at nawawalan ng pag-asa. 

Prinsesa Adarna: Hindi...!!! Dalgus...!!!

     Wala nang nagawa ang iba kundi ang tingnan na lamang ang kanilang bisita habang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang kaibigan.

     Nanatiling tahimik na nakahiga si Adarna sa silid na ibinigay sa kanya ng mga Lambana. Gawa ang kama sa mga ugat ng naturang puno na naging taguan na ng mga naturang nilalang. Pumasok si Muerta sa loob na may dalang mga pagkain.

Muerta: Mahal na Prinsesa kailangan niyo pong kumain. Kailangan niyo pong magpalakas.

     Hindi kaagad nakatanggap ng sagot ang butihing pinuno.

Muerta: Kamahalan....

Prinsesa Adarna: Muerta bakit? Bakit si Dalgus? Bakit siya pa? Ako dapat ang nasa katayuan niya, hindi siya.

Muerta: Mahal na Prinsesa naniniwala ako na ang nangyari sa inyong kawal ay may dahilan.

     Napatayo bigla ang prinsesa sa sinagot ng kanyang kausap at hinarap ito.

Prinsesa Adarna: Sabihin mo sa akin Muerta ano ang dahilan. Bigyan mo ako ng sagot na kayang eproseso ng aking isipan at kayang tanggapin ng aking puso. Ang dami nang napaslang, ang dami ng nagsakripisyo para sa aking sariling kaligtasan.

Muerta: Masakit man Kamahalan pero ang mga nangyari ang siyang nararapat. Ang mga buhay na nabuwis sa iyong sariling kapakanan ay mga buhay na siyang magbibigay lakas sa'yo. Lakas na hindi kailan man manghihina. Lakas na kailan man hindi mawawala. Lakas na kailan man ay mananatili sa iyo. Dahil kailan man ay hindi na mababago pa ang nakaraan. Gamitin mo ang bawat nilalang, bawat buhay na nag-alay ng kanilang sarili bilang iyong mga sandata sa mga mas mahihirap at mas malalakas na pagsubok na iyong haharapin sa hinaharap. Kailangan ka ng buong Kaharian ng Zafira, at kung kinakailangan na ibuwis ko ang sariling buhay ko... ay gagawin ko Kamahalan.

     Ang lungkot ay napalitan ng ngiti sa labi ng prinsesa dahil sa sinabi ng bagong kaibigan.

Prinsesa Adarna: Maraming salamat Muerta.

Muerta: Kaya huwag mong aksayahin ang pagkakataon at huwag mo silang bibiguin.

     Pagtakatapos kumain ni Prinsesa Adarna at makapagpahinga, agad siyang naghanda sa kanyang muling paglalakbay. 

Muerta: Mahal na Prinsesa, simula ngayon ay gagabayan ka namin at proprotektahan sa abot ng aming makakaya. Kami ang tatapos sa sinimulan ni Dalgus. Malapit ka na sa iyong destinasyon, at sisiguraduhin namin na ligtas kang makakarating sa inyong palasyo.

Prinsesa Adarna: Maraming salamat. Utang ko sa inyo ang aking buhay.

Muerta: Magsihanda ang lahat!

     Samantala sa palasyo ni Reyna Urga....

Reyna Urga: Walang kwenta!

     Tumilapon si Amir sa dingding ng malawak na kwarto kung saan makikita ang trono ng itim na reyna. 

Amir: Mahal na Reyna, patawad. Dumating po kasi ang mga Lambana.

Reyna Urga: Tahimik! Nabibingi na ako sa mga dahilan mo, wala ka talagang silbi. Pero huwag kang mag-alala hindi naman kita papaslangin. Meron ka pa rin namang pakinabang sa akin.

Amir: Ano pong ibig niyong sabihin?

     Agad na nakontrol ni Reyna Urga ang kriminal gamit ang kanyang itim na salamangka. Sinakal niya ang binata na  hindi hinahawakan at pinalutang papunta sa kanya. Nang malapit na sa kanya ito ay nakontrol niya ring buksan ang bibig nito at may kung anong itim na usok ang lumabas sa kanyang lalamunan at ipinasa kay Amir. 

     Halatang nasasaktan ang walang kalaban-labang kriminal habang unti-unting nag-iiba ang kanyang anyo. Lumaki lalo ang kanyang katawan. Tumangkad siya bigla at ang kanyang taas ay hindi pangkaraniwan. Tumulis ang kanyang mga kuko, nagkaroon siya ng mga pangil, tumulis ang kanyang mga tenga, humaba ang kanyang buhok, nanlilisik ang kanyang mga mata, humaba ang kanyang dila at nagkaroon ng konting mga buhok sa kanyang mga binti at braso. Hanggang hindi nagtagal si Amir ay tuluyan nang naging isang... halimaw.

     Isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan, sigaw na katulad ng sa oso. 

Adarna ( Alamat, Hiwaga at Salamangka )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon