Nakita kong nagulat si mommy pero ngumiti rin.

"Napansin ko po kasi sa iba na mayroon pong tatay. Katulad po nila Xeanel"

"Anak, ang totoo nyan, namatay ang iyong ama sa digmaan" malungkot na sabi ni mommy.

Nagulat naman ako sa narinig ko.

"Kung ganoon po, paano po ako nabuo? Hindi po ba naipanganak po ako makalipas ng ilang taon matapos ang digmaan?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil biyaya ka saakin ng mga gods at goddesses, anak. Hindi ko man alam ang dahilan pero natutuwa ako dahil dumating ka sa buhay ko" nakangiting sabi niya dahilan mapangiti ako at yakapin siya

Hindi man namin alam ang dahilan pero masaya ako at nakilala ko si mommy.

"Sya nga po pala mommy, may iba pa po ba akong mahika?" tanong ko sakanya habang magkayakap kami.

"Hindi ko alam anak. Sa ngayon, iyan palang ang mahika mo. Hindi natin alam kung meron ka pang natatagong mahika o wala na. Ganito anak, ipapasubok kita sa isang mission kapag ikaw ay nagsampung taong gulang na. Habang nasa mission ka, maaaring malaman mo kung may natatago ka pa bang kapangyarihan. Huwag kang mag-alala, kasama mo sila Xeanel. Kayong lima ay ipapasubok ko sa isang mission. Ayus lang ba anak?" sabi ni mommy habang hinahaplos ang ulo ko.

Tumango ako sakanya.

Maganda rin iyon. Para maranasan ko ang nasa mission.

"Halika na, matulog na tayo"

______________________________________

————— 2 years later ——————
______________________________________

Anica POV

Nandito kami ngayon sa isang kwarto kung saan ginagamit namin ito sa pagpupulong. Nandito ang mga Royalties ng Magica Academia at ang mga pinsan ko.

"Ano ang pag uusapan natin at nagpatawag ka ng pagpupulong Queen Anica?" tanong ni Ella.

Kapag kami ay nasa pagpupulong, nagiging formal kami sa isa't isa bilang paggalang sa bawat isa.

"Nais ko lang ipaalam sa inyo na kung maaari, ipapasubok ko ang inyong mga anak sa isang pagsubok para maranasan nila ang ganitong pagsubok at matutunan nilang mabuhay, makipaglaban para sa kanilang mga sarili" pahayag ko sa kanila at isa-isa ko sila tiningnan.

"Payag ako dyan para sa anak ko" tumatangong pagsang-ayon ni Princess Kim.

Sumang ayon na rin ang lahat.

"Ano naman ang gagawin namin lalo na't wala naman kaming anak?" tanong ni Queen Lyka

"May ipapagawa ako sainyo habang nasa pagsubok ang mga anak namin" sabi ko sakanila dahilan tumango sila.

"Kailan ba sila susubok sa isang mission?" tanong ni King Arron.

"Bukas. Alam kong gusto rin ng anak nyo kaya bukas ay magsisimula na sila" sabi ko dahilan mabigla sila pero tumango pa rin.

Tinapos nanamin ang pagpupulong at bumalik na rin sila sa mga palasyo nila.

Pinuntahan ko muna ang aking anak.

"Seanica?" tawag ko sa kanya.

Napatingin naman sya saakin at lumapit kung saan ako naroroon.

"Bakit po mom?" tanong niya.

Umupo ako dahilan umupo rin siya.

"Natatandaan mo pa ba ang pangako ko sa iyo kapag ten years old kana?" nakangiting pahayag ko sa kanya.

"Opo mom. Kailan po kami magsisimula mom?" tanong nya saakin.

"Bukas anak, kaya maghanda ka na dahil susubok na kayo sa unang mission nyo" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Napangiti naman siya at tumango saakin. Nagpaalam siyang maghahanda na dahilan tumayo na ako at umalis.

***

Kinabukasan...

Nandito kaming lahat sa harapan ng gate sa loob ng Magica Academia. Napag-usapan naming dito namin sila pagtatagpuin bilang alaala kung saan kami umalis para sa isang mission.

Napangiti na lamang kami ng makitang handa na ang aming mga anak. Pumunta ako sa harapan nila.

"Nais ko kayo biyayaan na sa inyong pagsubok ay hindi kayo mapahamak at sana matagumpayan ninyo itong pagsubok sainyo" nakangiting wika ko sa kanila.

Tumalikod ako sa kanila at itinaas ko ang aking kamay.

"πορταλ" pagcast ko dahilan para magkaroon ng kulay violet na bilog.

"Itong portal na ito ang daan sa inyong pagsubok" sabi ko at humarap ulit sa kanila.

Gumilid ako at sabay sabay silang pumasok sa portal. Nang tuluyan ng nakapasok sila sa portal ay kusa itong nawala.

Sana, walang mapahamak sa kanila at magawa nila ang mission na ito.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now